Chapter 29

78 0 0
                                    

CHAPTER 29

Yacht

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa naman."

"Wanna watch a movie? Pampaantok na rin natin. We still have classes tomorrow."

Tumango ako, "Anong movie?"

"You choose." Kinuha niya ang phone niya at binuksan 'yon.

Nagtagal pa ang tingin niya sa apps niya hanggang sa buksan niya yung Instagram. Nagswipe left siya at camera ang bumungad pagkatapos.

"Madilim naman," Nakangusong sabi ko.

May pinindot siyang hugis kidlat sa itaas. "May flash 'to."

Tinaas niya iyon nang kaunti at tinago ang kalahating mukha sa buhok ko. Ngumiti ako nang hindi kita ang ngipin at may pinindot siya. May nagflash sa screen pagkatapos ay nagpakita na rin ang picture namin.

Binaba niya ang phone niya at pinindot ang screen. May cursor doon at lumabas din ang keyboard.

He typed, "I love you even greater than the celestial, my Celestine," at isang puting heart. M-in-ention niya ako roon, yung Instagram account ko na kagagawa lang two months ago pero hindi ko naman masyadong nagagamit.

Pagkatapos niyang i-post iyon sa story niya ay pumunta siya sa Netflix. May tatlong profile doon. Parentals, Kat Ganda, at Karim Pogi. Pinindot niya yung Karim Pogi at binigay sa akin ang phone.

Lumabas doon sa Weekly Drop isang movie na agad napukaw ng title ang kuryosidad ko kaya pinindot ko iyon.

"A woman falls victim to a dominant mafia boss, who imprisons her and gives her one year to fall in love with him," basa ko. "Napanood mo na ba 'to? Mukhang maganda!"

Tumikhim siya, "N-Not yet..."

"Ito na lang!" Excited kong sabi at pinindot ang play.

"You sure?" He asked, medyo namamaos pa ang boses.

Nagbibinata siya kaya ganyan. Madalas, kapag bumubulong siya.

"Yup!"

Nagsimula na yung palabas at hindi ko maintindihan yung sinasabi nila pero may subtitle naman.

"Ibang language? Pinalitan mo yung sa settings?" Usisa ko.

"Nope. It's just their language. Italian mafia boss y-yata yung bidang lalaki."

Tumango tango ako at humiga nang maayos sa dibdib niya para makapanood kami nang maayos.

Napasinghap ako. Anong theme ba nitong palabas?! Bakit... may pagpapakita ng cleavage?

Napatakip ako ng bibig nang mayroong pagtanggal din ng panty. At... ano yung hawak noong babae? Tapos... doon sa eroplano...

Pinindot ko yung screen at yung x mark sa taas. Kinuha ko yung phone kay Karim.

"G-Gusto mo yung sa kids and family na category?" Pumunta ako roon at naghanap ng ibang mapapanood.

Humalik siya sa ulo ko at narinig ang mahinang pagtawa. "Baby... I love you so much..." at natawa na siya nang malakas.

Napanguso ako. "I-Itong Casper!"

"You sure you don't wanna continue that?"

"K-Karim!" Hinampas ko nang mahina ang tiyan niya.

"Even if we watch that, you get bothered and wet and I suffer from an erection, nothing will happen. I promised you, right? At hindi ka pa handa sa ganoon. I respect you."

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon