CHAPTER 30
Laro
Akala ko magiging hesitant pa si Karim na sumakay ng jeep dahil hindi pa yata siya nakakasakay sa ganito. Pinauna niya akong sumakay at nakabalot na kaagad sa akin ang isang kamay pagkaupo pa lang. Mabuti nga't hindi pa punuan ang jeep na nahintuan namin noong kami yung sasakay. Mukhang kaba-byahe pa lang.
Kukuha pa sana ako ng barya para makabayad na nang hugutin ni Karim ang wallet niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may ilabas siyang limang daan.
"Karim..." Agad kong pigil sa kanya at binaba ang kamay niya. "Itago mo 'yan."
"What? I'll pay."
Napangiwi ako. "Huwag kang maglalabas ng malaking halaga rito at saka wala silang panukli diyan! Ako nang magbabayad."
Kinuha ko yung barya sa bulsa ng bag at pinasuyo. "Dalawa po, Northern West, estudyante."
"But I wanna pay for us..."
"Mag-ipon ka na ng mga barya," nginisihan ko siya.
Siksikan na at may mga nakasabit na lang sa jeep. Hinawi ko yung buhok ko at nilagay sa kaliwang balikat para hindi rin magulo.
"Baby..." He whispered and buried his face in my hair.
"Hmm?"
"I like riding jeepneys already."
Para sa taong laking kotse at driver, gusto niyang sumasakay na ng jeep?
"'Cause I get to be this close to you..."
Napasapo ako sa mukha ko, nangingiti, at bumuntong hininga. He chuckled near my ear and gave me a kiss on the cheek.
"Bayad po..."
Inabot ko iyon at pinasuyo rin sa katabi ko. Nasuklian naman din agad siya at inabot sa akin noong isang lalaking estudyante na nasa likod ng driver. Kukunin ko na nang si Karim ang nag-abot noon at binigay sa kanan niya.
"Is it always like this?" Kunot ang noong tanong ni Karim.
"Alin?"
"Passing of payments."
Tumango ako. "Oo naman. Syempre, paano makakabayad yung nasa dulo kung hindi iaabot ng iba?"
"So other boys get to touch your hand? Paano kung may gusto pala sa'yo 'yon?"
Napatikom ako ng bibig nang mariin, pinipigilang tumawa.
"Don't laugh at me. Nagseselos na nga ako." Pinatong niya ang baba sa balikat ko.
"Normal lang 'yon kapag sa mga j—"
"Normal? Holding hands with another boy is normal, Phoebe?"
"Hindi holding hands. Inaabot lang yung bayad."
"Tss... Mamaya, pumoporma na sa'yo."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko.
"Stop laughing." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.
Tumikhim ako, "Hindi na."
Nang nasa palapag na kami ng grade six, una kong nakita si Fairy sa bukana ng classroom nila, kausap ang kaibigan niya.
"Pheebs! Karim!" Tawag ni Kat.
Naging dahilan din iyon para mapatingin sa amin si Fairy at ang kaibigan niya. Agad kong iniwas sa kanila ang tingin ko at ngumiti sa tatlong kaibigang nakatambay sa hallway. May mga iba ring napapalingon sa amin, baka naninibago ulit dahil magkahawak kamay na ulit kaming naglalakad dito sa campus.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...