Simula

33 0 0
                                    

"The pain that you've been feeling can't compare to the joy that's coming..."

Umalingawngaw sa buong simbahan ang pagbasa ni Father Sanchez sa verse na 'yon. Tahimik at tila uusbong lang ang ingay sa pagtipa ng piano at pagkanta ng mga choir na para kang hinihele. Masarap sa tainga.

"Diana" bulong ni Matt na katabi ko "Come on" aniya.

Inabot niya saakin ang kandila. Sinindihan ko ang akin at tahimik na nagdasal.

I prayed for acceptance—for healing, in time. In time, because I know letting go isn't easy. It will never be that easy. And I thank Him for giving me my family. They are the reason why I keep going. Nag angat ako ng tingin kay Matt nang idilat ko ang mga mata ko. Nakapikit parin ito.

First time. Napangisi ako.

"What are you smiling at?" Taas ang kilay nitong tanong ng mahuli akong nakatingin sakanya.

Umiling ako "What did you pray for?"

"You don't have to know" malamig na sabi nito. Napa-buntong hininga ako.

"Okay" I just want to know.

"Let's go" aniya at inakbayan ako. Iginagala ko ang paningin sa loob ng Sto. Domigo Parish habang naglalakad kami palabas. Malawak pero tahimik. Swerte at natyempuhan 'ko dito si Father Sanchez ngayon sa morning mass. Gusto ko pag ito ang nag ho-homily.

"I prayed for you" napakunot ako ng noo. "I always pray for you" ulit ni Matt nang mag angat ako ng tingin sakanya "You're physically here but we feel like we're losing you" pagpapatuloy niya na diretso ang tingin sa daan.

"Are you mad?" pabulong na sabi ko.

Nagbaba siya ng tingin saakin "Why would I be mad?" kunot noong tanong niya "I am not mad at you" He chuckled.

"I'm sorry kuya" sabi ko at iniakap ang libreng braso ko sa baywang niya. Hindi naman ito sumagot at ginulo lang ang buhok ko.

Nang makauwi kami ay agad kong inayos ang mga damit ko. Nang mailagay ko na lahat ng gamit ko sa maleta ay mabilis akong bumaba. Naabutan ko si Matt na may kausap sa kanyang cell phone. Nang matapos ito ay agad na tumayo ng makita ako.

"Ready?" aniya at tumango ako.

Maaga kaming bumiyahe pauwi ng Vigan. The travel is almost 10 hours. Puyat ako kagabi kaya't sigurado akong makakatulog ako sa byahe. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay nag paulit ulit saakin ang verse na nabanggit ni Father Sanchez.

The pain that you've been feeling can't compare to the joy that's coming...

Of course, we believe that time heals all wounds—no matter how deep the cut. May mga sugat na mababaw, mayroon naman 'yong sobrang lalim. Pero lahat nag-iiwan ng marka. You may be healed as time goes by, but it would always leave a scar. Ganon kasi kapag 'yong sugat ay pisikal. Mahapdi, makirot, pero hindi naman gaanong nagtatagal. But mine is different—it was like my soul is dancing on a flame of fire. Tagos hanggang kaluluwa.

"Tinext mo na ba si Auntie Cecil?" tanong ko kay Matt.

"No. Buti pina-alala mo" aniya.

Napamulat ako ng mata at napatingin sa kapatid kong pindot ng pindot sa cell phone niya "Nakalimutan mo, pero kanina ka pa yata pindot ng pindot diyan"

"Alam niyang uuwi tayo ngayon, Diana"

"Yes, pero sana pinaalam mong nasa byahe na tayo ano" sabi ko at inirapan niya lang ako.

"You better sleep medyo mahaba ang byahe" sagot niya saakin.

Inilgay ko nalang ang earphones sa tainga ko at ipinikit na ang mga mata. The last thing I heard is Chris Daughtry's Home before I drifted to sleep.

Have you ever loved?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon