Sean Chardeux
"Hoy, Sean! Gising kana nga kasi! Naandito na si Natasha." nakakainis na sambit ni Aurella.
"Sinong inuuto mo." sambit ko nang nakapikit at naiirita pa.
"Hello, Sean."
Nanlaki kaagad ang mata ko nang ma recognized ko kung kaninong boses 'yon. It was Natasha's voice.
Napataklob kaagad ako ng kumot sa hiya. Ano kaya itsura ko ngayon. Nakakahiya!
"Hoyyy, gising kana d'yan!" sigaw ni Aurella sa pintuan. "Ayokoooo!" sigaw ko habang nakataklob sa kumot.
"Oo na alam ko nahihiya ka kay Natasha. Sige na bababa na muna kami. Sunod ka sa baba ah." sabi ni Aurella.
Dahan-dahan kong sinilip kung may tao pa ba do'n at nang nakita kong wala na ay tumayo na ako at pumunta sa CR sa second floor para maghilamos.
Kumuha na rin ako ng tuwalya para makaligo.
Habang naghihilamos ako ay nakatitig ko sa salamin. "Shit, bakit kaya siya nandito? Anong ginagawa niya dito?"
Nang makatapos na akong magbihis ay bumaba na ako at nakita kong sila Natasha at Aurella lang ang nasa baba. "Asaan sina Tita Rochelle?" tanong ko.
"Pupunta daw sa bahay ni, Lola. May kukunin ata sila pero ayon umalis sila." Sagot ni Aurella kaya tumango na lang ako.
"Mag-almusal ka na lang d'yan." tumango lang ako at dumiretso sa kusina.
Nakita kong may ulam na do'n. Isang sunny-side up egg at isang hotdog. "Kumain kana, Ella?" tanong ko habang naghahanap ng pansandok sa kanin.
"Oo, kumain mo nalang d'yan. Tagal mo gumising eh. 'di mo tuloy naabutan sina Mama tsaka Papa mo." sambit ni Aurella.
Umupo na ako at kumain habang silang dalawa may pinag-uusapan. "Kaya nga eh, kasama ba nila si Jacoby?" tanong ko.
Tumango naman siya. "Oo, ikaw nga daw sana ang isasama kaso tulog kapa daw kaya ayon."
'di na ako umimik at nagpatuloy na lang sa pag kain. Ngayon kasi ang flight ni Mama pabalik ng GenSan kaya hinatid na siya nina Papa at Jacoby.
Nang matapos na ako kumain ay niligpit ko na ang kinainan ko at naghugas. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko pa huhugasan 'tong kinainan ko.
Paakyat na sana ako sa itaas nang biglang nagsalita si Aurella. "Oy, Sean. Sa'n ka pupunta?"
Kumunot ang noo ko. "Sa itaas, why?"
"Dito ka muna, magpapatulong si Aurella. May sira daw laptop niya, Marunong ka ba?" Tanong ni Aurella.
Tinignan ko lang muna sa mata si Natasha na direktang nakatitig sa'kin. Ilang segundo ay yumuko siya kaya napa-smirk nalang ako.
Lumapit na ako sa kanila at umupo na sa couch para tignan kung anong sira ng laptop niya.
"Patingen ako." Iniharap niya ang laptop niya sa'kin.
Biglang nagsalita si Aurella. "Ano ba 'yan, Sean. Mahihirapan kayo niyan mag ayos. D'yan kana umupo sa tabi ni Natasha oh."
Nakikita ko sa pagmumukha niyang inaasar niya lang si Natasha kaya sumunod na lang din ako. Umupo ako sa tabi niya at nakita kong kinurot ni Natasha si Aurella sa tagiliran. "Aray."
Natatawa nalang ako. "Ano ba sira nito?" tanong ko sa kaniya. "E-eh parang may uh-unnecessary ads eh. Minsan b-bastos pa."
Nakita kong natawa si Aurella at napahawak sa t'yan niya habang hinahampas-hampas sa balikat si Natasha.
"Hoy, gaga ka talaga! Hindi ako nanonood ng mga gan'yan 'no!" Pagde-defend ni Natasha. Napailing-iling nalang ako at patagong pinipigilan ang tawa.
Habang si Aurella naman ay naka-high pitch na ang tawa at parang uwak. "Ahh, virus na siguro 'to. For sure naka enter ka sa isang website na hindi safe." Sabi ko.
"Hoy, hindi naman ako nanonood sa gan'yan eh." pagdedefend ni Natasha sa'kin.
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. 'yung mga unsafe websites ang tinutukoy ko. Napakedefensive mo naman, nahahalata ka tuloy." napa-smirk ako sa huli at nagpipigil ng tawa.
Mas lalo lang napalakas ang tawa ni Aurella sa sinabe ko at hinahampas-hampas na niya 'yung couch. "Ayoko na!! Kapagod tumawa HAHAHAH piste nahahalata ka, Natasha."
Nang sinulyapan ko si Natasha ay parang mangiyak-ngiyak na ito. 'yung feeling na hindi ka naman talaga guilty pero ayaw talaga nilang maniwala sa'yo.
"So ano na gagawin ko d'yan?" tanong niya. "Ewan ko, nood ka nalang ng tutorial sa youtube kung paano tanggalin 'yan. And pag natanggal mo na, 'wag kana manuod ulit ng gano'n."
Nginitian ko lang siya habang siya naman ay tinitignan niya ako ng masama. Napa-takip nalang siya ng mukha habang si Aurella ay gano'n parin tumatawa na parang nasasapian.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...