KABANATA 10
Pinapanood ni Sandra ang ulan sa labas ng bintana. Nakaupo siya sa tapat niyon habang yakap-yakap ang mga binti.
Kung ilang oras na siyang tahimik lamang na nakatulala roon, hindi niya sigurado dahil sa mga iniisip. Kaninang makita niyang humarang ang madidilim na ulap, umupo na siya roon at hindi na gumalaw pa.
As she kept on thinking, there's only one emotion inside her heart right now that kept her alive. There's this one mission that gave her the fuel to move.
"Anak, maaari ka bang makausap?"
Napakurap siya at sa paglingon, nandoon na pala ang ama!
"Papa! K-Kanina ka pa ba riyan?" Ibinaba niya ang mga binti at inayos ang pagkakaupo.
Umupo ito sa kabilang dulo ng bangko at saka tumanaw rin sa labas ng bintana. "Umuulan noon nang isinilang ka."
Tumango siya. It was one of her father's old tale. "Kaya marahil ay kakaiba ang pagkagiliw ko sa ulan, Papa."
"It was raining when your mother died, too."
Uriah, too... Yet still, Sandra favors the little sky drops.
Napatitig na lang siya sa ama. Hindi nakakibo. It was rare for them to talk about the mother she had no memories about. Sandra only knew her through her father's stories.
"Kaya nga't sa tuwing uulan ng ganya'y hindi ko matukoy kung anong damdamin ang mangingibabaw," patuloy ng ama.
Nakahalukipkip ito habang nakatanaw sa labas ng binata. Fine lines in his forehead and on the corners of his eyes appeared when he squinted.
"May mga panahong wala na lang sa 'kin kung uulan. Lalo na't tuwing abala ako sa trabaho. Subalit sa mga oras na katulad nito'y bumabalik sa 'kin ang mga alaala na tila kahapon lang nangyari ang lahat.
"Ipinanganak ka at pagkalipas lamang ng ilang buwan..." Nagkibit-balikat ito. "Hindi mo masasabi kung kailan natatapos ang pighati sa pagkawala ng taong minamahal, anak. Ilang taon na subalit sa tingin ko, araw-araw pa rin akong nagdadalamhati sa pagpanaw ni Donna," tukoy nito sa kanyang ina. "Natuto na lang ako kung paanong mabubuhay sa kabila niyon."
Tumango si Sandra. Inabot nito ang balikat niya.
"Anak, ako ang pinakanakakaintindi sa 'yo sa puntong ito ng iyong buhay. Napakahirap lahat sa umpisa, at hinding-hindi ko masasabi kung kailan gagaan ang lahat. Subalit sana'y magtiwala ka sa 'kin kung sasabihin kong wala kang kailangang katakutan o madaliin para sa hinaharap."
Napakurap si Sandra. Unti-unti ay nakukuha na niya kung saan papunta ang usapan nilang iyon...
Hinuli ng ama ang kanyang mga mata. "Sa iba't ibang paraan man tayo nagdadalamhati, tinitiyak ko naman sa 'yong hindi... hindi ang agarang paghahanap muli ng iibigin ang pinakamabisang daan—"
"Papa, ikaw mismo ang nagpapaalala sa 'kin noon at natatakot sa sumpa ng tradisyon," putol niya rito. Napayuko siya ng ulo.
Hindi na siya maaaring umatras.
"Ngayong naniniwala na rin po ako roon, paanong isa na rin kayo sa pumipigil upang hindi na 'ko magdusang muli?"
"Hija, mas nakakatakot kung ginagamit mo lang ang tradisyon para sa makasariling layunin," marahang babala nito.
Nalamukos niya ang suot na palda sa may bandang kandungan. "Ikaw na ang nagsabi, Papa. Ikaw ang pinakanakakaintindi sa pighating pinagdadaanan ko. Mali po bang gumagawa ako ng paraan upang humupa lamang ito?"
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Espiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.