Kabanata 11

2.6K 191 105
                                    

KABANATA 11

Nanatiling malinaw sa isip ni Sandra ang gabing kinasapat siya ng mga Honradez...

"At makakamit lang ang hustisya kung matutulungan mo kami, Lyssandra. Hija, tulungan mo kami. Ikaw lang ang makakakuha ng ebidensya!"

"P-Po?!"

"Inamin ng tauhang iyon na isang Valleroso ang nag-utos sa kanya. Isang Valleroso! Isang traydor na kaibigan! Si Estefan ang nag-utos na paslangin si Uriah!"

Nagparte ang mga labi ni Sandra.

"Tulungan mo kami, hija!" pagsamo ni Tiya Udelia, nanlalaki at namumula ang mga mata dala ng pagtangis. "Marapat na managot ang mga Valleroso! Kailangang makulong ni Estefan! Huwag natin siya hayaang magtagumpay nang tuluyan!"

Suminghap siya na animo'y galing sa ilalim ng tubig. Umiling-iling si Sandra. "T-Tiya, n-napakabigat ng ipinaparatang niyo... At si Estefan?"

The face of the most supportive friend appeared inside her mind. Huling pagkikita nila nito ay noong inilibing si Uriah, at kaparis niya'y hindi maampat ang mga luha ni Estefan para sa pagkawala ng matalik na kaibigan.

"Napaka-imposible, Tiya!" pagtatanggol niya sa binata. "B-Baka nagkakamali lang po ang t-taong nahuli ninyo. Napakadali lang pong magturo ng tao. Subalit h-hindi po kayang gawin iyon ni Estefan kay Uriah. Ni hindi ho masisikmura ni Estefan na manakit ng hayop."

"Lyssandra, mabuti lang ang isang tao base sa kung anong nais niyang ipakita sa karamihan!" hiyaw ng ginang.

Napangiwi na siya nang maramdaman ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang mga braso. "T-Tiya... S-Sila po ang pinakamatalik na magkaibigan. Ako ho ang pinakamalapit na saksi k-kung gaano katatag ang kapatiran nina Estefan at Uriah sa isa't isa! Ang pagluluksa ni Estefan ay kaparis nating lahat. He lost a brother in Uriah! A family!" hikbi niyang tumuloy sa pagpatak ng mga luha.

Lumuwag ang kapit ng ginang sa kanyang mga braso. Napuno ang silid ng walang katapusang luha ng kabiguan mula sa naulilang ina at naiwang nobya ni Uriah.

Hindi pa muli sila nagkikita o nakakapag-usap ni Estefan. Nitong mga nakaraang araw pa lamang siya bumabalik sa sarili, subalit sa tingin niya'y mawawala na naman siya.

Nangungulilang lubos, nais na ni Sandra kitilin ang sariling buhay. Umaasa siyang iyon na lamang ang tanging solusyon upang magkasama muli sila ni Uriah.

Ngunit kung gagawin niya iyon, nasa imahinasyon niya agad ang malungkot na mukha ng yumaong kasintahan.

"Udelia! Lyssandra, anong ginagawa mo rito?"

Sabay silang napaangat ng tingin ng ginang sa may pintuan. Nakatayo roon ang ama ni Uriah.

Mabilis na tumakbo palapit si Tiya Udelia sa asawa, yumakap nang mahigpit. "Hustisya, Manolo! Hustisya ang nararapat na makamtan ng ating anak. Hindi ako makakapayag na nagwakas ang napakagandang buhay ni Uriah nang ganoon-ganoon na lang!"

Napatayo si Sandra at napayuko ng ulo.

"Sabihin mo sa kanya, Manolo! Sabihin mo nang buo kay Lyssandra ang isiniwalat sa 'ting katotohanan ng taga-pagpatay ng mga Valleroso!"

Napapikit siya nang mariin habang pinapalis ang mga luha. Itinikom niya ang bibig upang hindi na makawala ang mga hikbi. Uriah's mother was starting to talk insanely.

"Udelia! Sinabi mo sa kanya ang dapat ay tayo lang muna ang makakaalam? Mapagkakatiwalaan ba natin ang isang Salamanca?! Ang kanilang angkan ay malapit sa mga Valleroso!"

Buhat doon ay gulat na napaangat ng mukha si Sandra sa ginoo.

Dr. Manolo Honradez has always been strict and doesn't talk nonsense. Kung nakakaringgan niya ito ng ganoon...

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon