"Mommy i'm hungry na po"sambit ni sadie na kakalapit lang saakin, dalawang araw na din kaming andito sa pinas pero hindi ko pa sinasabi kila karina at hayes.
Baka sumugod agad dito, delikado na baka kasama pa nila si tanner.
"What do you want?"tanong ko at pumunta sa kusina, tatlo nalang ulit kami sa condo ni warren dahil binisita niya yung ibang pinsan niya.
Madaming pinsan si warren kaya hindi sapat yung isang araw lang. hinayaan ko siyang gawin yung gusto niya, alam ko naman pag nag work ulit siya ay focus talaga ang ginagawa niya.
Kaya hanggang wala pa siyang work hahayaan ko muna siya mag enjoy, wala na din naman akong kailangan bilhin dahil nag grocery na din ako kahapon.
Wala akong maiwanan sa dalawa kaya sinama ko nalang sila, hindi naman malikot si cam kahapon kaya nakauwi agad kami.
"I want jollibee!!"masigla niyang sagot, pumunta pa ako sa kusina kung jollibee pala ang gusto.
Ngayon nalang ulit makakain si sadei dahil wala naman jollibee sa america, kaya pag bibigyan ko na din.
"Pano yan wala tayong mauutusan bumili ng food mo"nalungkot naman ang mukha niya, mag fofood panda nalang ako para mapadali.
Ang cute talaga asarin si sadie, malapit na din mag isang taon si cam kaya pag hahandaan namin ng mabuti yon. Isang araw lang din agwat ng birthday nilang dalawa kaya ipagsasabay nalang din namin.
"Call daddy mommy"sagot niya at hinawakan ako sa braso. Maki daddy's girl na din ang isang 'to, ang saya lang dahil nararanasan na ni sadie ang masayang pamilya na gustong gusto niya.
Nag order na ako sa food panda at hinihintay lang namin 'yon, habang hinihintay namin ay pinaliguan ko na muna si cam at pinadede.
Hindi naman matagal maligo si cam kaya nung saktong pag tapos ko mag padede sakaniya ay dumating na din ang order namin.
"Here's your order ma'am"sambit ng driver at inabot saakin ang dala dala niya.
Ngumiti ako at pumasok na sa loob, hinanda ko na ang pagkain niya at inabot sakaniya.
Habang kumakain si sadie pinapatog ko si cam, habang nanonood ako ng tv ay nag ring naman ang phone ko.
Malayo yon saakin kaya kailangan ko pa utusan si sadie na kunin.
"Pasuyo naman baby yung phone ni mommy"sambit ko at tumayo naman ito at inabot saakin.
"Who's hayes po?"tanong nito habang pabalik sa pwesto niya kanina.
Marunong na pala mag basa si sadie kaya nabasa kung sino tumatawag.
"Mommy's friend"sagot ko sakaniya at sinagot ang tawag ni hayes.
"Kailan ka ba uuwi?next week na project natin baka palitan ka"sagot naman nito sa kabilang linya.
"Naka uwi na ako, send mo nalang yung location para mapuntahan ko"sagot ko at nilapag si cam sa crib niya.
Nilakasan ko naman ang aircon sa sala dahil sobrang init talaga, ayoko pa naman natutuyuan ng pawis si cam baka ubuhin at sipunin.
"Hindi mo manlang sinabi sakin para masundo ka namin ni karina"nag tatampo na sabi niya, ang korni talaga ni hayes kahit kailan.
"Hindi naman na kailangan, kaya ko naman umuwi"sagot ko naman sakaniya. Kaya ko dahil kasama ko yung future asawa ko.
"Kausapin ka daw ni karina"sambit nito at naramdam kong inabot niya yung phone.
"Hi cheska kamusta si cam?"masigla niyang sambit, ang ingay talaga ng bunganga nitong babaita na 'to.
"Sinong cam?"singit naman ni hayes sa kabilang linya, sinasabi ko na nga ba hindi pa naman alam ni hayes na may anak na ako.
"Wala ka na 'don"naiiritang boses ni karina, kahit kailan talaga napaka ano ng babae na yan. Buti nalang natiis siya ni hayes.
Hindi ko alam kung may label na ba yang dalawa o sex lang habol sa isa't isa e.
"Mommy i'm finish, ako na po mag tatapon"sambit ni sadie habang nag lalakad papunta kusina.
"Omg don't tell me dalawa na anak mo?"oa na sabi ni karina, oa talaga oa na oa siya sa buhay ko.
"Mahabang kwento, next time ko nalang sasabihin pag nagkita na tayo"sagot ko naman.
Ayoko naman mag paliwanag dito baka kung sino pa nakikinig, kahit hindi naka speaker yan.
"Ches pano yan magkatrabaho kayo ni tanner next week, may balak ka bang sabihin sakaniya?"kahit anong mangyayare wala akong sasabihin sakaniya.
"Wala, kaya ko buhayin ang anak ko na hindi humihingi ng tulong sakaniya"ano pa ba kailangan niya kung malaman niya na anak niya si cam, wala siyang magagawa dahil ilalayo at ilalayo ko si cam sakaniya.
"Alam ko naman pero may karapatan pa rin siyang malaman dahil siya yung ama"pamimilit ni karina.
Kahit siya ang tunay na ama nasa akin pa rin ang desisyon, marami akong laban sakaniya.
"Pero hindi niya makukuha sakin si cam"ano ba gusto iparating ni karina, gusto niya mabuo kaming pamilya para maging masaya si cam?andyan naman si warren kaya niyang gawin 'yon para sa anak ko.
"Kailangan ng ama ni cam, pag lumaki yan mag hahanap ng daddy ano sasabihin mo sakaniya?"
"Kaya ko iparamdam sakaniya ang pag mamahal ng isang ama"rinig kong sambit ni warren, hindi ko na namalayan na nakauwi na si warren dahil busy ako kay karina makipag talo.
"Who you?"tanong ni karina sa kabilang linya, hindi niya alam tungkol kay warren dahil wala naman akong sinasabi sakaniya. Ayoko pangunahan lahat ni karina.
"Future husband ni cheska"sagot naman nito, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig nung sinabi niya 'yon.
Wala naman kaming usapan about sa husband husband na yan, bigla nalang niya sinisingit sa usapan.
"Cheska explain"sambit ni karina na naguguluhan, hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.
"Pag nag kita na tayo"sagot ko naman at pinatay ang tawag. "Naka rating ka na pala hindi mo manlang sinasabi sakin"balig kong tingin kay warren. Naka upo na siya at katabi si sadie na nanood aa tablet.
"Busy ka, ayoko naman maistorbo ka"sagot naman nito at lumapit sakin para halikan ako sa noo.
Hindi pa rin ako nag sasawa kahit araw araw niya yan gawin saakin.
"Kumain ka na ba?"tanong ko sakaniya at tumabi, tulog naman na din si cam kaya pwede na ako mag lambing sa daddy nila.
"Yeah, kumain ako kila tita sandy napatagal dahil dumating si tanner kaya nakipag kwentuhan na din ako"hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba nung narinig ko yung pangalan na 'yon.
"Kaano ano mo si tanner?"unang lumabas sa bibig ko, sa tagal tagal kong kilala kay warren ngayon niya lang nabanggit ang pangalan ng lalaki.
"Pinsan ko, sa side nila mommy"sagot naman nito at yumakap saakin.
Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi pwede. Mag pinsan pinatulan ko ayoko masira ang pagiging pinsan nila ng dahil saakin.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...