june 19, 2024
hindi mawari kung bakit sa tuwing pagmamasdan mo ang iyong sarili ay hindi mo makita ang ganda.
akala ko ay buwan na ang pinaka magandang bagay na aking nakita subalit noong masilayan kita, tila hindi maihalintulad ang iyong kagandahan sa kahit ano pa man. ang 'yong mga mata'y nagniningning na parang bituin, habang namumukadkad ang iyong bulaklak. kapag kapiling ka ay para akong nasa tabing isla kung saan nagpapahinga. ang sinasabi nila ay walang mga salita ang makakapagpaliwanag ng iyong halaga at kagandahan ngunit sa akin, araw-araw kong isusulat ang bawat detayle tungkol sa iyo. aking kahilingan ay basahin mo ito upang malaman mo kung paano kita pagmasdan nang may paghanga at pagmamahal.
kung alam mo lang, ikaw ang sining na kahit bilyong taon pa ang lumipas ay hindi mawawala ng kahulugan.
kit morrigan