Natasha Ghianne
"Tagal naman." pagrereklamo ni Aurella.
"Oh ayan nag chat na." Tinignan ko agad sa phone ni Aurella pero inilag niya ito.
"Ay oh, excited ka? HAHHA ito na oh, basahin mo." Pinakita na niya phone niya. At nag chat lang do'n si Sean.
Sean Chardeux Velluego
hoy Aurinola, nasa'n ka?Aurella Eloise Velluego
Bobo nasa likuran mo, kanina pa kami nakatayo dito tagal mo lumabas.Pagkatapos no'n ay nagsuggest na ako na do'n na lang sa covered gym ng campus maglu-lunch para tahimik at walang tao.
Pagkadating namin do'n ay tahimik nga at walang tao kaya dumiretso na kami. Umupo na kami at maglulunch na sana nang may biglang lumapit sa'min.
Isang magandang babae. "Uhm, Sean. Pwede sumabay na sainyo?"
Nakita ko pang tumingin si Sean sa'min pero nasagot na agad ito ni Aurella at pinayagan na nga niya 'yung babae.
And if i'm not mistaken, magkaklase sila. At mukhang close na rin sila ni Sean kahit first day of school pa lang.
Nag-uusap pa sila pero hindi ko na lang pinapansin.
Pustahan tayo, may gusto 'yang babae kay Sean. Eh ampogi ba naman ni Sean??
"Ayiee, selos ka 'no?" pang-aasar ni Aurella sa'kin.
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Baka marinig ka baliw." Tumawa lang siya.
"Gaga, kahit marinig niya 'yung sasabihin ko nahahalata niya rin 'yan. Sa mukha mo ba naman halatang gusto mong manapak eh." Tumawa nanaman ang bruha.
"Gorl, bago mo'ko asarin, tignan mo muna 'yung paparating oh." Tumawa pa siya bago lumingon sa likuran niy kung sino ang paparating.
It was Ethan.
Lumingon pabalik si Aurella sa'kin. "Oh ba't namumula pisngi mo? ang HOT 'no?" Siya naman ngayon ang inaasar ko.
"Ayan sabi-sabi kapa na ayaw mo d'yan ah. Kalma hindi na nanliligaw sa'kin 'yan at sayong-sayo na 'yan" Tinawanan ko lang siya lalo.
"Hi girls, ay andito pala si Sean. Kamusta Pare?" naglahad pa ng kamay si Ethan pero tinignan lang ito ni Sean at nagpatuloy sa paguusap kay Vivienne.
Natawa na lang kami ni Aurella. "Ayan kasi hindi daw kayo bati." pang-aasar ko.
"Oh dito kana sa tabi ko." Umusog ako para mapagitnaan namin ni Aurella si Ethan.
Magkatabi na sila ngayon at magkadikit pa dahil pinagdidikit ko sila. "Usog ka nga do'n, Ethan." Natatawa pa ako.
Tinignan ako ni Aurella ng masama pero tinatawanan ko lang siya ng palihim.
Kinuha na din ni Ethan 'yung baon niya at nagpatuloy na kaming kumain lahat ng lunch.
Si Aurella naman nakita kong palihim na sumusulyap kay Ethan.
"Nakita ko 'yon." Pang-aasar ko sa kaniya. Sinenyas ko lang kahit alam kong nahahalata at naririnig kami ni Ethan.
**
"SHET! GANDA NG SIDE PROFILE NIYA." pagra-rant sa'kin ni Aurella sa call habang nakahiga ako sa kama.
"Wow sis grabe 'yung plottwist. May pa-'wag mo sagutin 'yan ah babaero 'yan. Tapos ikaw pala magse-settle for less." Inaasar ko pa siya.
And hindi naman siguro siya nagseselos dahil unang-una palang alam na niya na never ako nagkagusto kay Ethan. Bestfriend lang talaga kami.
"Eh kasi naman hindi naman siya 'yung standard ko talaga eh. Alam mo naman na standard ko 'di ba 'yung Academic Achiever na greenflag? Eh potangina Red flags 'yon eh hindi pa academic achiever at puro kagagohan ginagawa." Tawang-tawa lang ako sa kaniya.
"Hay nako, sis! Gan'yan talaga kapag nagkagusto kana sa isang tao, mababalewala lahat ng standards-standards na 'yan. Puso mo mag didikta gano'n." Narinig kong napasapo siya sa noo.
"Arghhh!! Self umayos ka, hindi siya standard." Tinatawanan ko lang siya.
"Sis, kung gusto mo talaga 'yung tao. Hindi mo mapipigilan 'yan. Support naman ako sainyo eh."
"Oo na sis. Pero ewan ko ba, need ko mag settle for less?? TF ETHAN ARTHUR SANDOVAL!! ANONG GINAWA MO SA'KIN??"
Natatawa na lang ako sa kaniya.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Genç KurguSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...