Sean Chardeux
"Sa inyo nalang ako mag s-study?" tanong ni Natasha kay Aurella habang nasa school kami.
"Oo, study together tayo do'n. Mga 8pm ka na lang umuwi gano'n." sagot ni Aurella.
"Sige, magco-commute nalang ako pauwi." Tumango naman si Natasha.
Sabay na nga kaming umuwi sa bahay. 5pm na kami nakauwi dahil gumala pa kami kung saan-saan. Pagkadating namin sa bahay naandon na sina Papa, Tito Ruvy, Tita Rochelle at si Jacoby.
"Oh, nakauwi na pala kayo." Bati ni Tita Rochelle. "Hali kayo, pasok kayo." At 'saka pumunta sila sa kusina at kami naman sa sala.
Pumasok naman kami at umupo na si Natasha. Kami naman ni Aurella ay umakyat na para kumuha ng laptops namin dahil malapit na rin ang examinations.
Ngayon kasi na nasa kalagitnaan na ng schoolyear ay medyo madami-dami na rin ang need i-review at i-study.
Nang makababa na kami ay nasa sala lang kami naka-upo tapos magkatabi pa kami ni Natasha.
Bigla nalang tumili si Tita Rochelle tapos narinig ko pa 'yung sinabe niya'ng... "Hala kuya, tignan mo anak mo. Jowa niya na ata 'yan. OMG!!" Tumawa naman si Papa.
Napatingin nalang kami ni Natasha kay Tita Rochelle. Maya-maya pa ay nagkatinginan kmi ni Natasha at agad na umiwas ng tingin. Kaya napatili ulit tuloy si Tita Rochelle.
Nakita ko si Aurella sa gilid tumatawa pa ang baliw. "Hoy, magjowa na kayo?" Biglaang sigaw ni Tita Rochelle mula sa kusina.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Natasha at napa-"HA?". Kaya mas lalo tuloy akong natawa sa reaction niya, pinipigilan ko lag baka ma-misinterpret nila sasabihin kinikilig ako.
Aaminin ko.
Oo.
Medyo lang naman.
"Hay nako, deny-deny niyo pa. Alam naman namin!" Pang-aasar ni Tita bago kumagat sa kinakain niyang shawarma.
"Hindi nga po kasi, Tita. Wala naman pong namamagitan sa'ming dalawa. Magkaibigan lang." Pagca-clarify ko pero parang hindi siya kumbinsido.
Nakita ko namang yumuko si Natasha. Parang dismayado pa 'yung mukha niya.
Eh ano gusto mong sabihin ko? Sasabihin ko na may tayo kahit wala naman? chill ka lang kasi, love.
Jokelang, hindi ka pala akin.
"Hay nako, Tita. Getting-to-know-each-other stage palang kasi silang dalawa. Pero minsan po naglalandian sila sa harap ko." Pagsusumbong ni Aurella.
"AHHHHH!!" Kinikilig naman ang baliw kong Tita at hinahampas pa ang nananahimik niyang kapatid na si Tito Ruvy.
"OMG, kuya!" sambit niya kay Papa. "Gan'tong-ganto mga napapanood ko sa K-Drama." Tinawanan lang siya ni Papa.
Noong tinignan ko naman si Papa ay ngumiti siya sa'kin. Naasar lang ako kaya hindi ko 'yon pinansin.
Syempre, pass sa halata. Kaya 'wag magpahalata.
Tinignan ni Natasha ng masama si Aurella na tumatawa pa rin.
Hay nako, bahala nga kayo d'yan.
Maya-maya pa nang matapos kami sa pag-aaral ay umakyat na kaming tatlo sa itaas. Nadatnan ko si Papa sa kwarto naming kapatid ko na naka-ngiti.
"Girlfriend mo na 'yon, nak?" Nakangiti niyang tanong. Napa-buntong hininga na lang ako. "Hay nako."
Tumawa lang si Papa. "Ay sus, okay lang naman 'yan eh. As long as alam niyo naman limitations niyo at hindi niyo pa ginagawa ang mga gan'yang bagay ay wala namang prob-"
"Pa!" Tumawa naman siya. "Oh bakit? Nagsasabi lang naman ako ah."
"Kilabutan ka nga!" Sambit ko tapos siya naman ay natatawa pa rin. "Hindi, anak. Totoo naman 'yon eh. Normal lang na magjowa-jowa pero as long as alam niyo boundaries niyo, okay lang 'yon." Seryosong sambit niya.
"Opo, alam ko po 'yon. Pero alam ko man o hindi, walang namamagitan sa'min."
"Wala pa, baka bukas meron na." pagco-correct niya. Napatakip na lang ako ng mukha. "Ay ewan ko sa'yo pa!"
Tumawa lang siya. "Hay nako, anak. Dati napakaliit mo pa lang umiiyak kapa pag naiwan ka ng Mama mo dati lalo na kapag hindi ka sinasama sa Mall. Ngayon tignan mo naman, binata kana."
Napatawa na lang ako. "Hay nako pa. Ang cringe talaga promise!" Tumawa lang din siya.
Maya-maya pa ay pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman ay kumuha ng tuwalya para mag-half bath.
Nang matapos akong maghalfbath ay nagstay lang ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop. Gagawa pa kasi ako ng Chapter 3 sa Thesis para wala na akong gagawin later on or bukas.
Maya-maya ay may biglang kumatok sa kwarto ko kaya tumayo ako para pagbuksan iyon.
At hindi ko inexpect kung sino ang nakita ko....
It was Natasha.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Подростковая литератураSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...