LEE's POV
Napadalas na nga na magkasama kami ni kuya Aaron tuwing breaktime namin. Lagi lang naman kami sa org room tumatambay. Marami-rami na rin akong nakilalang mga brad at gaya ng sabi ni kuya, lahat ay tinatrato akong kaibigan. Ganun pala pag miyembro ka, kahit unang beses mo palang sila nakilala parang close agad, may connection agad. Unang beses ko maramdaman yung ganung sense ng pagiging welcome and I must say, I love it.
Namaalam na ako kay tita na lalabas ako ngayong sabado ng gabi at uumagahin na ng uwi, as usual, arangkada na naman ang armalite niyang bunganga kaya tango na lang ako nang tango para hindi na humaba. Tinapos ko talaga lahat ng labada ng maaga para matuyo na kaagad at matiklop na dahil pag naulanan ay siguradong bunganga ang sasalubong sa akin bukas ng umaga.
Nilinis ko na din ang buong bahay ultimong langaw madudulas na sa kintab at pati ang mga bedsheets sa mga kwarto napalitan ko na."Ganadong-ganado ah, makikipagkita ka sa lalaki mo no?" side comment na naman nitong tiyahin kong hindi na lang matuwa na malinis na ang bahay.
"Tita may event po sa school" sagot ko naman sa kanya habang pilit na tinatago ang inis ko. Bakit nakakairitang pakinggan yung mga ganung salita.
"Sows bakit hindi ba pwedeng andun din yung papa mo sa school event na yan?" dagdag pa niya, hindi na ako umimik at ngumiting aso na lang sa kanya para wala ng kasunod.
Alas sais na ng hapon at oras na para maligo dahil susunduin ako ni Kuya Aaron. Maha-haggard daw ako agad kung magco-commute ako eh may mga chicks daw mamaya dahil hindi lamang APE members ang imbitado sa event. Welcome din daw dumalo ang mga ibang grupo at pwede daw magdala ng friends ang members. Diyos ko lord, ano namang gagawin ko sa chicks, kulutan ko, bet?
"Tita aalis na po ako andiyan na po yung susundo sa akin" paalam ko kay tita pero nagulat ako nang bigla-bigla niya na lang idinungaw ang ulo niya sa pinto na tila ba nai-intriga kung sino ang susundo sa akin.
"Tang ina lakas ah" sambit niya habang bigla akong minasa-masahe sa likod na akala mo mafia boss. "Yaman ata ng nabingwit natin ah, galingan mo pagsubo diyan at nang hindi kana makalimutan" pahabol niya pang sinabi, minsan talaga kakaiba rin tabas ng dila nitong tiyahin ko na ito, halatang halata mong walang natapos sa kababuyan ng bunganga.
"Tita, kaibigan ko lang po iyan" sagot ko sa kanya
"Aba, ay ano pa hinihintay mo, pikutin mo na at nang makalayas kana dito" nagdere-deretso na lang ako ng lakad at hindi ko na kayang pakinggan pa ang mga sinasabi niya. Dumeretso na ako sa kotse ni kuya Aaron at binuksan ang pinto sa likod.
"Aba naman tutoy, ano ako driver mo? dito ka sa unahan" natatawa niyang sambit
"Sorry naman kuya akala ko may babae kana diyan eh" natatawa din naman akong sumagot. Pumunta na nga ako sa unahan at umupo, nagkatinginan kami ni kuya Aaron na para bang nagaantayan kumilos pero hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko, hanggang sa lumapit na nga si kuya sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko dahil halos magdikit na ang mukha namin, pulang pula na siguro ako ngayon.
"Mag Seatbelt ka, parang first time mag kotse ah" Shuta, seatbelt lang pala kala ko kung ano na, pa-fall kaba kuya?
"Sorry kuya, hindi sanay, taga-bundok eh" sagot ko na ikinatawa niya naman
"Hindi kaba takot sa maraming tao?" tanong niya sa akin
"Hindi naman po kuya, bakit po?" sagot ko sa kanya
"Naisip ko lang gawa ng history mo baka nagdevelop kana ng social anxiety, kasi pag andun na tayo baka magkahiwalay na tayo eh" sambit niya
"Okay lang ako kuya promise, enjoy mo lang gabi mo" sagot ko sa kanya at nginitian niya lang ako
BINABASA MO ANG
✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)
RomanceBullied all his life because of his feminine characteristics, Lee made the rash decision of joining a fraternity in hopes of acquiring brothers and friends that can protect him against his perpetrators. Pero gumuho ang kanyang mundo ng kanyang malam...