Start and End

51 2 1
                                    

Paano kung ayaw mong bumitaw sa nakaraan?

Paano kung ikaw nalang yung nabubuhay sa past?

Paano kung hindi mo makalimutan yung taong nagbigay ng ngiti sa malungkot mong mata?

Paano kung umaasa kang babalik pa sya kahit alam mong hindi na maaari?

Paano ka sasaya kung sya ang happiness mo?

Paano na yung mga pangakong binitawan natin sa isa't isa?

Paano ka ulit magmamahal kung sobrang pagod ka ng masaktan?

Paano na yung forever na papatunayan natin?

At ang huling katanungan

Paano na ko ngayong wala ka na?

Mga "PAANO" na gumugulo sa isip ko. Sobrang hirap, sobrang hirap masaktan at maiwan sa ere. Yung tipong nandun palang kayo sa stage na sobrang 'inlove' kayo sa isa't isa pero panandalian lang pala ang lahat ng iyon.

Hirap bumitaw sa taong ayaw mong bitawan pero kailangan. Para kang humawak sa Barb Wire, kahit alam mong masasaktan
ka , hahawakan
mo pa din para makatawid sa kabilang daanan.

Umaasa na babalik pa sya kahit wala ng pag-asa. Para kang nag hihintay na masuspend yung klase , kahit alam mong hndi naman umuulan at tirik na tirik yung araw.

Minsan naiisip ko nalang, anong kulang? Saan ako nagkulang? Anong meron sya na wala ako? Ginayuma ka ba nya? Nirape? Ginagawa ko naman lahat pero bakit nagawa mo pa ding magsinungaling.

Ang sakit lang talaga isipin na kahit anong gawin ko at mo, hindi na talaga naten maibabalik ang ikaw at ako. Kahit ilang beses pa tayong tumambling, wala na tayo magagawa sa nakaraan.

Sa isang pagkakamali mo lang, may masasaktan ka talaga at may dapat kang iwan.

At "AKO" ang dapat na iwan.

Unfair naman ni Lord sakin :'( eto ba ang itinadhana nya sken? Ngayon na nga lang ulit nagmahal ang pusong bato (punyeta) pero ano, eto nanaman ako, nasaktan lang ulit. Ano to? Cycle? Paulit ulit lang? Ang pinaka wow, may add ons pa.

Sumobra na sa sakit to the point na nakakadala na magmahal. At ang pinaka tumatak sa isipan ko kaya sobrang hirap nyang kalimutan, eh yung sinabe nya sken na "SANA, IKAW NALANG YUNG UNA KONG NAKILALA" </3

4 na buwan kameng magkakilala, sa maikling panahon na yun, nakilala namen ang isa't isa. Halos sakanya na umikot ang mundo ko.

Lagi kameng nagkikita at magkasama then dumating pa yung time na sinabe nya sken na "Ampunin mo nalang ako, Stress na stress na ko". May ibang meaning na pala yung sinabi nya :<

Nagbirthday ako at tinupad nya yung promise nya sken na magkasama kameng icecelebrate yung birthday ko, pinakilala ko sya sa family and friends ko. And that was the moment na sobrang happy ako.

But I saw his face, he's happy pero nababalot ito ng doubtfulness , parang may gumugulo sa isip nya sa tuwing tinatanong sya, pagkatapos ng dinner na yun tinanong ko sya bago umuwi "May problema ba? You look so stressed"

But he gave me a fake smile and said " Tinupad ko na yung pangako ko ha? Masaya ako, masaya ka ba? Then tumingin sya sken, nakatitig lang.

I answered him, "Sobrang saya ko, magkasama kase tayo" then he gave me a tight hug and he kissed me :'(

That was the last time na sobrang saya namen, at dumating na yung time na nagkakalabuan na kame, hndi ko na sya maintindihan, nag aaway na kame parati. Halos hindi na nya ko itext at ako pa ang nagsosorry kahit sya ang may mali. Ang gulo na.

Then, one of his text bothered me "Marami ka pa kaseng hndi alam saken !" parang tumigil yung mundo ko nung nabasa ko yun. Tama nga nman sya, 4 months is just 4 months, maikling panahon para makilala ko sya. Pero,

I replied " Ano ba kaseng hndi ko alam sayo? Sabhin mo para malaman ko!"
He replied back, " Masasaktan ka lang, hndi ko sinasadya "

Mangiyak ngiyak na ko habang nagrereply saknya " sabhin mo na please, para hndi na ko magmukhang tanga dito "

Then he answered back " MAGKAKA ANAK na ko, 4 months, sorry :'("

Hndi ako naniwala sabe ko "Joke ba yan, ginugoodtime mo nnman ba ako japo, ayoko ng ganyan"

He replied " Sorry, sorry talaga, hndi ko alam, hndi ko sadya sorry :( "

At wala na kong maireply sakanya umiyak nalang ako, gusto kong magwala, gusto ko na din mawala pero hndi pede, " Ang tanga tanga ko, hndi ko napansin yon? , tangina, Nakakahiya sa family ko, scholar pa man din ako bobo naman " yan nalang ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Pero naisip kong dapat magreply ako sakanya , last text kumbaga " bakit d mo sinabe agad? Putangina, hinayaan mong mahalin kita ng sobra, Pero hayaan mo na, wala na kong magagawa, salamat sa lahat, masakit man pero kailangan :'( maging mabuti kang ama sa magiging anak mo, hndi na tayo pabata japo, patanda na tayo, mahiya ka sa magiging anak mo. Maraming salamat sa 4 na buwan. And I think, this will not be the last pero mas makakabuti kung ako na mismo lalayo. Thank you for everything japo :'( "

The last message I sent to him. Ang sakit, ang hirap at ang ridiculous. Parang at any moment mahihimatay na ako at pede na kong isugod kay Lord ay este sa hospital pala.

Tulala buong araw at hangang ngayon iniisip ko pa din sya :'( Hirap mag move on, hirap kumawala sa nakaraang ayaw mo pa ding bitawan. Hindi ko pa din masagot ang katanungang...........

PAANO NA AKO?

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon