CHAPTER 31
Pinayagan
Pagpasok ko sa school, ang saya saya ko pa. Pero noong nagkita na kami ni Karim, binigyan ako ng sandwich, nag good morning at hinalikan ako sa pisngi, pumangit na yung mood ko.
Mabuti pa sila Kat, Gavin, at Donovan! Binati ako ng happy anniversary para sa amin ni Karim! Siya na boyfriend ko, hindi! Hindi ba niya maalala?
Kung finals, maiintindihan ko pa sana kasi syempre, busy siya. Baka nakaligtaan lang dahil abala sa pagrereview. Pero ngayong graduation practice na lang, bakit hindi niya inalala?
Naalala ko tuloy yung pag-aaway ng kapitbahay ko. Tabi-tabi lang yung mga tinutuluyan namin kaya lahat, naririnig ko. Yung asawa daw niya, kinalimutan yung anniversary nila. 'Yon pala, may ka-monthsary din na iba.
"Are you okay, Pheebs?" Tanong ni Kat.
Kahit nakasimangot, tumango ako.
"Baby—"
"Huwag mo akong ma-baby baby diyan!" Hinawi ko yung kamay niyang pahawak pa lang sa akin.
"May nalaman 'to," ani Donovan at bumaling kay Karim. "Dude, ano na namang ginawa mo?"
"What? I didn't do anything! Baby, ano 'yon—"
"Ayan! Wala ka ngang ginawa!" Humalukipkip ako.
Ngumuso si Karim at pilit na sumisiksik sa akin pero tinutulak ko lang siya.
"Baby, may mens ka ba? Next week pa dapat 'yon, 'di ba? O napaaga ng dating?"
"Langhiya, kahit mens ni Phoebe, kabisado mo?!" Humalakhak si Gavin.
Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Doon ka nga! Naiinis ako sa'yo."
First anniversary namin tapos kakalimutan niya. Siguro may ibang babae 'to. Tapos hindi niya sineen man lang yung chat ko sa kanyang Happy Anniversary. Nag-alarm pa ako ng saktong twelve para ma-greet siya kagabi pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya nasi-seen!
"You want me to leave? Is that what's gonna make you happy?" Kumunot ang noo niya.
"At aalis ka pa talaga? Siguro may ibang babae ka, 'no?"
Nanlaki ang mga mata ni Karim at napangiwi. "Baby, saan nanggagaling 'yan? I have no other girls but you, Kat, and my mom."
Saktong nagbell na at tumayo na ako. Tinakpan ko yung lid ng water bottle ko at padabog na tumayo.
"Baby..." Humawak siya sa kamay ko at hinawi ko lang din 'yon.
Hanggang sa nakaakyat na kami sa building namin, kinukulit pa rin niya ako. Eh kung sana, inaalala niya yung important dates?
Lahat ay nakapila na dahil pupunta ulit ng auditorium para makapagpractice. Akala ko titigil na siya dahil nasa tapat na ng section 1 pero nakasunod pa rin sa akin.
"Karim, saan ka pupunta? Pupunta na ng auditorium," tawag sa kanya ng president nila.
"Sandali lang!" Iritado niyang sabi sa president. "Phoebe..."
"Pumunta ka na sa section mo!"
"Hindi mo pa ako bati."
"Bahala ka na nga!" Patakbo akong pumila sa section ko, pinagtitinginan tuloy kami.
Tinapik ni Gavin ang balikat namin ni Karim bago siya nagjogging para pumila rin sa likod ng section namin.
"Phoebe, bati na tayo..." Nakanguso niyang sabi at sinusubukang yumakap.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...