Sean Chardeux
"Ayiee gagraduate na ang lovey ko na 'yan. Congrats, love."
Tumawa naman sina Natasha at Aurella. "Wow ah, gagraduate din naman ako, pero bakit walang gan'yan?" pagrereklamo ni Aurella.
"Oh, do'n ka kay Ethan mag pa congrats." Tumawa naman siya at parang nahiya pa.
"Edi wow, iiwan niyo ako dito?" pagrereklamo ko. "Aww, nag tatampo ang bata." Pang-aasar ni Aurella.
"Hay nako, tara na nga kumain na tayo nagugutom na ako eh." Pang-aaya ko.
"Oh, sa'n naman kayo pupunta?" Biglang sumulpot si Papa. Nakita naming nasa likuran niya lang si Tito Ruvy at 'saka si Tita Rochelle.
"Gagala po kami, Pa. Nag-paalam na ako sa'yo noong nakaraan ah." Tumawa lang siya.
"Oh sige, mag-ingat kayo." Tumango lang kami. "Ay nga pala, 'nak. May sasabihin ako sa'yo mamaya pagkarating sa bahay ni Tita Rochelle mo.
"Ahh sige po." Tumango lang ako 'saka nagpasya nang umalis para maka-gala agad kami.
"Kakain muna tayo!" Pang-aaya ni Aurella kaya tumango lang kami ni Natasha.
Pagkatapos namin ay kumain ay gagala na nga daw kami sa Mactan Shrine.
"Bili muna tayo chips dito bago pumasok sa loob." Suhestyon ni Natasha. "Sige-sige! Foodtrip tayo do'n."
Nang makabili na kami ay pumasok na kaagad kami sa loob. Nagpicture-picture lang kami do'n at itong si Aurella panay utos na picturan daw siya.
"In game nanaman siya sa ganda-gandahan." Pang-aasar ko kay Aurella. "Duh! Normal pag maganda naman talaga."
Tumawa lang si Natasha. "Oh pak, natural beauty. Slay sissy ko!" Kumunot lang ang noo ko sa pinaggagawa nila.
"Mga baliw talaga." Napailing-iling nalang ako. "Hoy anong baliw?? Hali ka dito picturan ka namin ni Natasha!"
Umiling kaagad ako. "Hoy, ayoko! Ang ci-cringe niyo." Tumawa lang sila.
"Pwede ba, 'wag ka ngang KJ! Sayang kapogian mo 'yung profile picture mo sa FB lanta na." Napairap na lang ako. "Oh sige, nambash kapa talaga ng profile picture."
"Oh sige 1..2..3..PAK! Baka boyfriend ko 'yan!" Tumatawa-tawa lang sila habang ako naman sumusunod sa utos nila at may pa side-view pa talaga.
"Tama na nga 'yan!" Natatawa lang ako kasi panay parin sila picture kahit sabing tama na.
Alam nang hindi photogenic 'yung tao eh!
"Oh sige, PAK! That's my mhiemasaurus!" Ngayon si Natasha naman ang pinipicturan ni Aurella.
Todo-posing naman ang girlfriend ko. Hayy, ganda talaga.
"Patingen nga ako." Lumapit na siya kay Aurella para siguro tignan ang mga kuha niya. "Hala shettt, ganda ko d'yan mhie!!"
"Ano ba 'yan. Maganda masyado, marami magkakagusto sa'yo niyan." Nagsasalita ako out-of-nowhere kunware hindi nagpaparinig.
"Ay sus, parang may nagseselos pa yata kahit alam naman niyang sa kaniya pa rin uuwi ang honey-bunch-sugar-plum niya." Natawa na lang ako sa pinagsasabe ni Aurella.
"Hilig mo sumingit 'no? Ano ka ba niya, spokesperson?" Pambabara ko sa kaniya.
"Ay aba ang taray naman niyan at mas maganda pa ang spokesperson?" Sabay flip pa siya ng buhok niya. Talaga, Aurella?
"Ano ba 'yang spokesperson mo, love. Apakasinungaling." Pagpaparinig ko pero tumawa lang si Natasha.
"May sinasabi ka?" Nakataas na ngayon ang kilay ni Aurella. "Obvious ba?" Umirap na lang siya.
Alam naman na niyang wala siyang laban sa'kin eh, LOL!
"Argh, hindi na ako makikipag-argue sa'yo. Tara na nga do'n maganda do'n!" Masiglang turo niya sa isang parte ng Mactan Shrine at nagtatalon pa ang baliw.
Nauna na siyang tumakbo do'n sa tinuturo niya kaya nagkatinginan na lang kami ni Natasha at napa-ilingiling siya. "Hay, baliw talaga 'yang pinsan mo."
"Sinabe mo pa." Tumawa lang ako. Kinuha ko na 'yung kamay niya. "Let's go?" Ngumiti siya sa'kin.
Nang dumiretso na ang paningin naming dalawa sa daanan ay nakapamewang na si Aurella sa harapan namin at nakataas ang kilay.
"Kayong dalawa ah, 'wag niyong sinisira 'yung mood ko. Parang thirdwheel ako dito!" Pagrereklamo niya kaya lumapit na kami.
"Eh kasi naman bakit hindi mo pinapunta si Baby Ethan mo?" Pang-aasar ni Natasha sa kaniya pero kumunot lang ang noo niya.
"Yuckk Ew! Anong Baby? Ang cringe niyo, HEH! Bahala nga kayo d'yan." Pahalatang umiiwas pa sa usapan eh. Tumalikod na kasi siya at pumunta sa isang espasyo.
Umupo na muna kami do'n at binuksan ang mga chips at drinks namin. "Guys, mag camping kaya tayo bukas?? I mean, may alam akong mountain-something dito pwede tayong mag camping do'n." Suggestion ni Aurella.
Ito talagang babaeng 'to puro gala ang alam eh!
"Sige, G ako d'yan. Ikaw ba, love? Sama ka ah!" Tumango na lang ako at ngumiti naman siya.
**
Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pinatawag ni Papa dahil naandon siya sa itaas.
"Sean, may sasabihin daw ang Papa mo. Nasa itaas siya." Sabi ni Tita Rochelle. "Ay sige po, Tita." At umakyat na ako.
Pagkarating ko sa itaas ay bumungad si Papa nakaupo sa kama. "Anak"
"Oh, ano po 'yon?" Mga ilang segundo pa bago ito nagsalita ulit.
"Sa makalawa babalik kana sa GenSan. Kukunin ka daw ng Mama mo at doon kana lang daw mag-aral."
**
:))
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Fiksi RemajaSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...