CHAPTER 32
Twenty
May pamilyar na sasakyang huminto sa kanto kaya lumapit na ako roon. Lumingon pa ako sa kalye at nakitang nasa tapat ng hagdanan ng building na tinutuluyan namin sila Letlet at ang mga kaibigan niya, pati na ang kuya niya.
Agad na bumaba si Kat, may suot suot na backpack. "Pheebs! Oh my gosh! I miss you!" Niyakap niya ako.
"H-Hello..."
"You okay?" Sinilip niya ako.
Sinubukan kong ngumiti at tumango.
"Baby," Tawag ni Karim at humalik sa pisngi ko. "Namumutla ka. Are you okay?" Humawak siya sa baba ko at pinasadahan ng haplos ang labi ko.
"O-Okay lang ako."
"I think her lips need a kiss from you, big bro," Ngumisi si Kat sa aming dalawa ni Karim.
"I'll kiss you later," Kinindatan niya ako.
"Where's Gavin and Donovan na ba kasi? They're so bagal!" Nilabas ni Kat ang phone sa bulsa.
"Kat, huwag mong ilabas yung phone mo rito. Baka... ma-snatch-an ka," sabi ko.
Hindi lang naman ang mayayaman ang masama. Mayroon ding mga mahihirap na ganoon. Wala naman talaga sa pagiging mayaman o mahirap 'yon. Nasa tao pa rin.
"Phoebe's right. Keep it. Padating naman na yung mga 'yon," Ani Karim at inakbayan ako.
"Okay. But can we make silong first? It's so hot."
Tinuro ko yung tindahan na tinakbuhan ko kanina. Wala naman na yung matanda roon na nagwawalis.
"Can we buy drinks? I'm thirsty na, eh. Karim?"
Tumango siya at kumalas muna sa akin para kunin ang wallet.
"'La, pabili po," Ako na ang nagsabi.
"Ano 'yon?"
"Um..." Sumilip si Kat sa loob ng tindahan. "The Coke po na nasa small bottle."
Napalingon naman ang matanda sa tinuro ni Kat. Ako, napatikom ng bibig at si Karim, nakangising umiiling.
"Ah, mismo?"
Ngumuso si Kat, "Yes, I miss him na po. Wait! Pheebs, are you making chika about Alceo?" Kinunutan niya ako ng noo.
"Kat, 'yon ang tawag doon sa tinuro mong inumin," Paliwanag ni Karim.
"Oh! I'm sorry... the mismo po..." Nahihiyang sabi ni Kat at yumuko nang kaunti.
Natawa na ako nang tuluyan nang natawa rin yung tindera. Pagbibigyan na. Hindi naman sanay si Kat sa mga ganito. Puro convenience store at grocery kasi siya.
"Ikaw?" Baling sa akin ni Karim.
"Yung Coke na rin."
"Mismo?" He asked with a wide smirk.
"Sobra," I mouthed and nodded.
Tinago niya sa bulsa ang wallet at hinapit ako sa baywang. "Tatlong Coke mismo po," Sabi niya sa tindera at nag-abot ng dalawang daan.
"Himala, may mas maliit pa sa five hundred kang pera?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"We bought food, right?"
I wrinkled my nose. Oo nga naman!
"Nasaan yung pagkain?"
"It's with the driver pa," Turo ni Kat.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...