Chapter 1

4 0 0
                                    

"Ang tanga mo naman Hansel!", bulyaw niya sa mismong mukha ko kaya napaatras naman ako ng bahagya.

"Leche! Kung di lang talaga kita kaibigan matagal na kitang nasampal!", nakasimangot kong sabi. Sinabihan na nga akong tanga, sa mismong mukha ko pa.

"Hehe. Of course you love Sasha very very much diba? Kaya ittreat mo'ko ng food?", pacute pang sabi niya na inirapan ko naman ito.

"Sa yaman mong yan, ako pa talaga manlilibre?"

"Ihhh! I'm hungry mommyyy!", asar pa niya sa'kin kaya inirapan ko'to na ikinatawa naman nito ng malakas.

"Baliw ka na!"

"Sus! Tara na kumain tayo sa labas!"

"Ayoko tinatamad ako! Magpa grab ka nalang!"

"Fine!"

Pinanood ko na siyang magpindot pindot sa kanyang phone na may kunot-noo na kinatawa ko. Daig pa nito ang may bipolar, mabilis magbago ang mood.

"Wag ka na umorder ng drinks, bili nalang ako sa labas."

"Tinatamad daw lumabas pero lalabas para bumili ng drinks.", dining kong bulong nito habang papalabas ako ng bahay na ikinatawa ko.

Malapit lang naman kasi ako sa grocery ni tita Tessa na dating may-ari ng bahay na tinitirhan ko. Nagttrabaho kasi ako noon sa kanya noong bago pa lang ako dito at nagboboarding house lang pero nagkataong binebenta nila ang bahay nila kaya nakiusap akong kung pwede sa akin at hulugan kong babayaran na agad naman siyang pumayag. Ayoko rin kasi sa boarding house kasi siksikan kami doon at masuwerte na rin ako kasi may 50% discount ako. Ang totoo nga niyan, nais pa niyang ibigay nalang sakin pero may hiya pa naman ako kaya pinagpilitan niya na kahit 50% discount daw.

Mabilis akong nakarating sa grocery at wala si tita dahil minsan lang siya dumalaw dito. Tinanguan ko lang ang guard na binati ako at dumeretso na sa office ng manager namin dito dahil ito talaga ang sadya ko rito.

"Hi tita!", bati ko dito at naupo sa isang sofa sa harapan niya. Siya si tita Sunny, kapatid siya ni tita Tessa na napamahal din sa'kin. Siya rin kasi ang manager nito dahil busy si tita Tessa.

"Hi Hansel! Napadalaw ka?", nakangiting tanong nito na kahit may ginagawa ay itinabi pa para lang makausap ako.

"Malapit na ang pasukan tita, baka balik na ulit ako sa dati na schedule ko.", halos sa weekends at holidays lang kasi ako pumapasok dito kapag nag-aaral ako.

"Oo naman Hansel. Yun lang ba ang ipinunta mo dito?", nakangiti pang tanong nito. Masuwerte talaga ako dahil sobrang bait nila sa akin. Parehong kasi silang walang anak ni tita Tessa kaya nung nag-aapply palang ako dito ay tinanggap na agad nila dito lalo na at ako lang ang pinakabata dito.

"Opo tita."

"Naku Hansel, kaya gusto kitang amponin dahil sa napakabait at napakaresponsable mong bata. Hindi ako nagsisising tinanggap ka namin dito.", tuwang-tuwang ani pa nito dahilan upang makaramdam ako ng hiya pero nangibabaw ang saya.

"Baka magtampo si tita kapag sayo ako magpa ampon.", biro ko dito at natawa naman siya.

Nagkulitan pa kami ng ilang saglit bago ko naisipang may asungot nga pala ako sa bahay kaya nagpaalam na ako at bumili ng soft drinks at ilang chichirya bago bumalik sa bahay at naabutan ko siya sa pintuan na nakakunot pa ang noo na agad kong tinawanan.

"Ang tagal mo!", nakangusong sabi pa niya.

"Kinausap ko pa si tita."

"Oo at nakalimutan mo na ako!"

"Ang OA mo haha! Dumating na yung foods?"

"Oo kanina pa!"

"Ang dami naman!?", gulat kong tanong nang madatnan ko ang lamesang nasa sala sa may harap ng TV.

"Kailangan mong magpalakas dahil may pasok na tayo sa Monday!"

"Malakas naman na ako ah?"

"Oh edi para tumaba ka! Tignan mo nga yang katawan mong napakapayat!", aniya at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Leche ka talaga!", inis kong singhal dito sabay nguso na tinawanan naman niya. Hindi naman ako sobrang payat ah!

"Oh siya halika na at kanina pa naghihintay itong pagkain natin.", aniya kaya sabay kaming kumain. Matakaw kami parehas pero ako talaga yung kahit anong kain ko hindi ako tumataba. Payat din naman siya pero atleast may laman siya.

Naubos nga namin lahat ng inorder niya at nanood pa kami ng mga paborito niyang kdrama hanggang sa nagpaalam na siyang uuwi dahil hinahanap na siya ng mommy niyang kadarating lang galing sa business trip. Pinipilit pa nga akong sumama dahil kilala naman nila ako at parang anak na rin ang turing nila sakin lalo na at nag-iisang anak lang si Sasha pero idinahilan kong masakit ang katawan ko.

KINABUKASAN, pagkagising ko ay kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko pati ng buong katawan ko.

Leche! Nagkatotoo nga ang dinahilan ko kay Sasha kahapon!

Napasandal nalang ako sa kama ko at napatitig sa kabuoan ng kwarto ko. Simple lang naman ang kwarto ko at katamtaman ang laki, nasa gilid ang kama ko katabi ng malawak na bintana , sa paanan ko ay may maliit akong closet, sa tabi naman ng kama ko ay study table, pati na rin yung mga ibang gamit ko.

Isang floor lang kasi ang bahay na'to pero medyo may kalawakan lalo pa at dalawang kwarto ang meron dito, kusina at doon na rin ang dining area, bathroom/comfort room, at ang may kalawakang sala. Ilang libo na rin ang bayad ko dito at katatapos ko lang bayaran ito ng buo pagkataoos ng halos dalawang taon na ipinagpapasalamat ko dahil masasabi kong bahay ko na talaga ito.

Ang totoo nga ay gusto pang bayaran ng mommy ni Sasha ang bahay na'to bilang regalo sa'kin pero hindi ako pumayag pero mga gamit naman sa bahay na ito ang pinalitan niya na tinanggihan ko pa pero nagpumilit sila kaya wala akong nagawa. Sobrang bait nila sa akin at hindi ko alam kung bakit, ang totoo pa nga ay sagot nila ang scholarship ko na may kalakip pang monthly allowance at alam kong hindi lang ako dahil may iba pang inisponsoran nila kaya napanatag ako at nagpasalamat nalang.

Hindi rin masama ang tumanggi sa grasya hehe! At isa pa kailangan imaintain ko rin ang grades ko.

Bumangon na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto ko at kahit nahihilo pa ay nagawa kong maghilamos.

Agad kong hinagilap kung may gamot pa ako pero wala kaya mabilis kong kinuha ang wallet ko at lumabas. Buti nalang talaga at kapit-bahay ko lang ang grocery dito.

"Hansel, ayos ka lang?", nag-aalalang tanong ni kuyang guard at lumapit pa sa'kin upang alalayan akong makapasok pero pinaupo pa muna ako sa isang upuan malapit sa pintuan.

"Salamat kuya, ayos lang po ako. Bibili lang ako ng gamot."

"Naku Hansel, sana tumawag ka nalang para dinalhan nalang kita ng gamot mo. Oh siya maupo ka lang dyan at ako na ang kukuha ng gamot mo.", deretso pang aniya at nilayasan ako.

Grabe parang lumala ang pagkakahilo ko! Ang malas ko naman may pasok pa naman bukas! Alangang absent ako sa first day of school. Hayst.

"Oh eto na Hansel, sasamahan ka ni Lyca muna sa bahay mo dahil kailangan ko pang magbantay dito."

"Halika na Hansel", inakay pa ako ni ate Lyca hanggang sa bahay at dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay nakatulog ako sa sofa nung sinabi niyang magluluto muna siya.

Napangiti nalang ako dahil kahit minalas man ako sa pamilya, sobrang suwerte ko naman sa ibang tao dahil pinaparamdam nila sa akin kung gaano ako kahalaga at na may tao akong maaasahan sa lahat ng oras.

Safe PlaceWhere stories live. Discover now