CHAPTER 49

48 3 22
                                    

NAPASANDAL ako sa balikat ng fiance ko. Ang gandang pakinggan ang salitang yan.

Sa oras na ito sarili ko muna ang iniisip ko hindi yung ibang tao, kaligayahan ko muna ngayon ang bumabalot sa isipan ko.

"Baby, hindi ka ba nagsisi na sinagot mo ako?"bigla itong napatanong kaya tumingin naman ako dito.

Nanatili naman itong nakatingin sa kagandahan ng buwan. Kumikislap na mga bituin. Maaliwalas na kalangitan na hindi pwedeng pagsawaang titigan.

"Why would I."

Ang tangos ng ilong niya, kinikilig pa ako sa inisip ko dahil sa ngayon magiging asawa ko na siya. Kanina lang nakipag sagotan pa ito kila Kuya.

Oo, Tama nga kayo. One versos five pa talaga sila.

Lalong lalo na yung dalawa kong OA na Kuya number one si Kuya Lerk. Hindi nga niya sinabi kila Mommy na may asawa na siya tapos kanina halos barilin na niya yung Baby Lloyd ko.

Ehhee! Ene be eng cute kese kepeg baby yung endearment ninyong dalawa.

Walang jowa-jowa ang relasyon ko, fiance agad para walang iwanan.

Tapos si Kuya Limmier umiiyak pang nagsasabi sa asawa ko na.

"Huwag mong saktan ang kapatid ko kung ayaw mong putulan kita ng ulo."

Oh! Diba saulo ko pa. Tuwang-tuwa naman kami nila Mommy at iba ko pang kapatid dahil sa inasta nilang dalawa. Mas lalo akong naging masaya dahil sa regalo na binigay sa akin ni Daddy.

Yun din pala yung regalo niya sa akin kung saan ibibigay ko din pala sa magiging asawa ko. Kung baga binigay niya sa akin yun at ipapasa ko din sa magiging asawa ko dahil sa binigay niya na regalo para na'din niya akong binabasbasan na maging asawa ni Lloyd.

May binigay din namang regalo si Lloyd sa'kin yun ay yung sing-sing kung saan niya ilalagay sa daliri ko.

"I'm so happy to have you right now. Hindi na tumatago sa mga Kuya mo para bisitahin ka."natawa ako doon.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ang gwapo talaga niya.

"Stop staring me like that, baby. You might wanna kiss me."

Hindi ako sumagot sa kaniya, bagkos nanatili pa'din akong nakatitig dito. Kahit kailan hindi ko kayang pagsawaan ang ganitong saya na pinaparamdam niya.

"Thank you for choosing me as your fiance."napaluha pa ako doon." I love you."I sincerely said.

Napatingin ito sa akin na may kislap sa mga mata at para na'din akong nakatitig sa mga kumikislap na mga bituin.

"I love you so much baby."

Bigla akong yumakap sa mga leeg nito at hinalikan siya. Akala ko hindi siya tutugon sa halik na ginawa ko, dahil isa pa hindi ako marunong humalik.

It's my first kiss. I give my first kiss to my first boyfriend, no I'm wrong it's my fiance.

Kumawala na sana ako sa halik namin dahil baka ma turn off na siya dahil hindi ako marunong humalik sa kaniya. Pero mas diniin naman nito ang labi ko sa labi niya.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now