Prologue

24 4 0
                                    

First Person's POV

I smiled before leaving that place. Ten years.. sampung taon na ang nakalipas, akala ko ay tanggap ko na, sampung taon akong walang balita tungkol sayo, sa loob ng sampung taon kinulong ko sarili ko sa pag tatrabaho, no social media's, no interactions unless work related. Akala ko tapos na lahat, hindi parin pala. Bumabalik ako kada two weeks sa tagpuan kung saan natapos ang ating relasyon. Pabalik balik din ako sa eskwelahan kung saan tayo unang nagkita at nagkakilala. Pabalik balik din ako sa lugar kung saan madalas tayong magkita pag gusto natin mag unwind. Pabalik balik din ako sa lugar.. sa lugar kung saan nangako tayo sa isa't isa.

Kamusta ka na?

Ayos ka lang ba?

Masaya ka ba?

Nasaan ka?

Pagtatagpuin kaya tayo ulit ng tadhana?

Nasa panahon akong paulit ulit kong tinatanong ang kawalan hanggang sa napadpad ako sa panahon na nakita kita.. ulit.

Hindi madali pero kinaya, ten years passed, ikaw parin pala talaga. Heto ako ngayon.. nakatayo at pinagmamasdan ang mukha mo sa billboard, nakangiti.

'You are now successful, my love. and I'm so proud of you.'

"Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa kasong hawak ni Attorney De Villa?", Dinig kong tanong ni Arianne 

Attorney De Villa.. 

"What case?", Tanong ni Ashanti

"Yung balita balita ngayon", Sagot ni Arianne

"I'm sorry I'm late, may tinapos lang akong case", Agad kaming napalingon sa bagong kadadating lang. 

"Attorney Lopez", Sabay sabay naming tawag sakanya

"Hi, sobrang late na ba ako?", Tanong pa niya bago naupo sa sofa

"Hindi naman, uh.. hindi ba pupunta si Attorney De Villa?", Tanong ni Ashanti nakita kong napabuntong hininga si Kenzie

"Hindi eh, busy", Sagot niya. "May bagong kaso siyang hinahawakan, yung sa studyante", Dagdag niya. "Kamusta sa ibang bansa?", Baling niya sakin. 

"Ayos naman", Tipid kong sagot "Kamusta na siya?", Mahinang tanong ko. 

"She's fine, she deals with a lot of major cases", Sagot niya

"That's great.. is she dating with someone?", Tanong ko, tumawa siya na may halong sarkasmo

"She's with Matthew", Sagot niya

Oh.. 

"Nagkatuluyan sila?", Tanong ko

"I don't know, sabi lang sakin ng kuya ni Elle yon, they reaching their dreams together despite of their busy schedules", Sagot niya

Magsasalita na sana ako ng biglang may nag doorbell, nagkatinginan ang tatlo bago binuksan ni Ashanti ang pinto ng kanyang condo.

"Oh my god!", Napatayo tuloy kami ni Kenzie dahil sa sigaw niya, akala namin ay may nangyari nang masama sakanya! 

"Hi, sorry we're late, sinundo pa kasi namin si Ashleigh", Sabi ni Astherielle. 

She's here.. but with Matthew and a kid. 

"Omg it's okay! Come in", Nag beso pa siya kila Astherielle at Matthew bago hinalikan sa pisnge ang bata. 

"Come here, love", She called the kid with her soft voice, agad namang lumapit sakanya ang bata. "Pa cr Doc, paliguan ko lang si Ashleigh", Nakangiting tumango si Ashanti sakanya

"Go lang Attorney!", Nakangiti niyang sabi, "Bro tara dito", Hinatak niya si Matthew at pinaupo

"Dude I need to assist Elle", Nakakunot noo niyang sabi

"Hayaan mo na yon! Hindi yon iinom kaya ikaw na lang ang aayain namin uminom", Natatawang sabi ni Ashanti

"Hey wag niyong lasingin yan, may lipad yan bukas", Sigaw ni Astherielle

"Kj te, minsan lang eh", Sagot ni Ashanti binatukan siya ni Astherielle

"Pag sinabi kong wag, wag. Kakasuhan kita", Sinamaan niya ng tingin si Ashanti bago humarap kay Matthew. "Asan ang damit ng anak mo?", Tanong niya

"Nasa bag niya po, Attorney", Tumango na lang sakanya si Astherielle at pumasok sa kwarto

She's here already.. nakita niya kaya ako? Masaya akong nakita ko siya ulit pero bakit parang ang sakit? 

"Tita mommy..", Napalingon kami sa nagsalita, kanina pa kami nag iinuman dito dahil sabi ni Astherielle ay tulog na ang bata

"Baby!", Agad na napatayo si Astherielle at binuhat ang bata

Tita mommy.. stepdaughter niya? 

"Hindi niya anak yan", Nagugulat akong napalingon kay Matthew. 

"Ha?", Tanong ko

"Si Ashleigh.. hindi niya anak yan, ako ang daddy niyan pero hindi si Elle ang mommy niya", Sagot niya. "She just don't want the kid to feel that she don't have a mother, she became a mother figure to her", Dugtong niya

"Walang jowa si Astherielle, she's busy with the cases she handles. Wala siyang panahon para humanap ng bago.", Sabi ni Ashanti

"What are you doing here?", Takang tanong ni Astherielle, nasa balcony kasi siya.

"Can we talk?", Tanong ko

"We're already talking.", Walang emosyon niyang sabi, "About what? About our past?", Sarkasmo niyang tanong

"I'm proud of you..", Mahinang sabi ko. "Attorney De Villa", Lumingon siya sakin

"I didn't expect you to tell me those words, kasi ikaw na mismo nagsabi sakin noon na hindi ka kelan man magiging proud sakin", Mapait na ngiti anh binigay niya sakin. "Don't be proud of me, nag uumpisa pa lang ako", Dagdag niya

"I.. I'm always proud of you, Astherielle", Mahinang sabi ko. "Pwede ba tayong mag simula ulit?", Tanong ko

Nakita kong tumalas ang tingin niya sakin, bigla ay kinabahan ako.

"You hurt me twice", Sinabi niya iyon na matalas parin ang tingin sakin.

"I love you.. please", Napaiyak na lang ako sa harap niya.

I still love you, Astherielle.

Ikaw at Ako, PalagiWhere stories live. Discover now