CHAPTER 4

172 11 0
                                    

LEE's POV

Awa ng naman ng Diyos at umayos na ang pakiramdam ko ng lunes kaya nakapasok na ako ulit. Maayos na akong nakaka-attend sa mga klase ko at wala ng gumagambala sa akin dahil siguro nakasabit sa ID ko ang isang pin na patunay na miyembro ako ng APE, alam na na kasi nila ang ibig sabihin noon, mess with me and you will have to deal with the whole brotherhood.

Nagsimula na din akong magkaroon ng mga kaibigan sa aking klase pero andoon pa din yung doubt sa isip ko lalo na kapag ang nagpapakita ng kabutihan eh yung mga taong ginawan ako ng hindi maganda dati, ang gagaling lang eh wala man lang sorry parang nagka-amnesia na lang said mga pinag-gagawa sa akin noon.

Mas pinipili ko pa tuloy na dumikit sa mga bagong mukha sa klase, minsan mga irregular, minsan naman ay mga napalipat ng section o di kaya naman ay transferee.

Si Kuya Aaron pa din ang madalas kong kasama every lunch at mga break time kung magkasabay ang schedule namin. Nung nagdaang mga linggo after nung welcome party, sumasama sa amin si Ellie, halatang halata ang badeng na gustong-gusto si kuya Aaron pero medyo nonchalant ang kuya niyo, deadmatology lang siya sa mga paandar ni Accla. Minsan tatawanan na lang para hindi malugi. Straight siguro talaga itong si Kuya Aaron kasi sobrang ganda na ni Ellie, malamang sa malamang kung si Kuya Aiden ang sinubukang landiin ni Ellie ay baka matagal na silang nagka-maigihan.

"Hui Lee, kanina ka pang nakatulala diyan sa pagkain mo sinasaluhan kana ng langaw" bigla akong nagising sa sinabi niya at itinaboy ang langaw na nakadapo sa plato ko pero gayunpaman ay hindi pa rin ako makapag simulang kumain, parang may kulang.

"Kuya, bakit parang may mali rito sa nilagang baka" sagot ko sa kanya at siya naman ay mukhang takang-taka sa narinig

"Anong ibig mong sabihin na mali? hindi ba sarap? eh ni hindi ka pa nga sumusubo." tanong niya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo na para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko

"Parang may kulang Kuya eh, parang may gusto akong idagdag" sagot ko sa kanya kaya agad-agad naman siyang nag suggest

"Ahhh masarap yan pag may patis at calamanai ka na sawsawan, gusto mo gawaan kita? tanong niya sa akin pero parang hindi naman yun ang hinahanap ng dila ko

"Kuya hindi eh, parang hindi yun yung lasa na gusto kong matikman ngayon"

"Toyo?"

"Worcestershire Sauce?"

"Oyster sauce?"

Nag suggest pa siya ng nag suggest pero iling lamang ang isinagot ko sa kanya

"Aba tutoy eh ano hinahanap mo, alangan naman peanut butter na nilaga" sagot niya sa akin at biglang nagliwanag ang mata ko at napansin niya yon

"Talaga ba? sigurado ka" kitang-kita sa mukha niya ang pandidiri sa naiisip kong i-pares sa nilaga kong baka

"Kuya hindi ko din alam pero natatakam na ako iniisip ko pa lang" sabi ko naman sa kanya

"Saan naman tayo hahagilap noon, school cafeteria ito hindi supermarket." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya at napansin niya na biglang lumungkot ang mukha ko

"Subukan ko itanong dun sa nagtitinda malay mo may stock sila dahil nagluluto sila ng
kare-kare minsan." sabi niya na nagpangiti na naman sa akin

"Ikaw ha, ang spoiled-spoiled mo na sa akin" nag-pacute na lang ako ng ngiti kay kuya para tumawa siya.

Maswerte ako dahil meron ngang peanut butter na stock sa cafeteria. Sobrang dami kong nakain at humununi-huni pa ako sa saya habang ngumunguya habang si kuya Aaron naman ay nanonood lamang, titig na titig sa akin at nakangiti pero yung ngiti na may halong ngiwi, halata mong nandidiri sa kinakain ko.

✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon