After David and I got home, I arranged my things for school tomorrow. I'm still nervous going to school because of what happened yesterday, baka kung ano na rin ang iniisip nila sakin.
From Aly
Tin, meron tayong overnight bukas sa church. May konting samahan lang sa mga kabataan pero kapag matutulog na hiwalay na yung kwarto, doon tayo ulit sa master room! Magkukwentuhan at magcecelebrate dahil first day of school.Sineen ko nalang siya at inayos na mga damit ko para bukas. Daming aayusin para sa bukas, parang gusto ko nalang muna mawala kahit saglit lang tapos balik nalang ako ng Monday.
" Ma, pasok nako. " Paalam ko kay mama.
" Tin, lunchbox mo pala. " Baste ran to me and handed me a lunchbox. Ano kaya nakain neto? Salamat kamo sa nakain niya at hindi sa kanya.
" Wala akong lima. " I said looking at him bored.
" Hindi ko naman kaylangan yun, may sais ako dito sa bulsa ko. Para sayo talaga yang lunchbox kasi mahal pagkain sa school niyo kaya magbaon ka nalang. Masarap yan. Promise walang halong ihi. " Ang baboy ahh!
" Yuck pero thankyou " I gave him a sweet smile and went out to school.
Pagkapasok ko wala pa naman masyadong tao at iilan palang kami dito sa classroom. Napansin ko agad yung mga tingin nila sakin, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti yun pero bumabalik ulit sakin yung nangyari dati.
Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik nalang ako sa pwesto ko kahapon pero may biglang lumapit sakin na classmate ko. Mukhang may sasabihin siya at di niya lang masabi.
" Tin right? " she asked me so I nodded without looking at her. " Uhmm... nagpast out ka kasi yesterday kaya hindi mo pa alam. I'm Cassie pala btw and hindi na dyan yung upuan mo kundi doon sa may 2nd row pang lima na upuan sa left side. " turo niya doon kung saan ako uupo.
" Thankyou, Cassie. " Sabay kuha sa gamit ko at pumunta na sa pwesto ko. Kung minamalas nga naman at doon pa napunta.
Habang wala pa ang teacher at naghihintay sa mga ibang kaklase nagcellphone nalang ako at nanonood ng kung ano ano nang may biglang mag message sakin.
From Andrei
Nakauwi nako, Tin. See you later!To Andrei
Yayyy! Miss uuuuuu >:)
Make sure mo na nandon ka ahh kasi magtatampo me sayo :(Napangiti agad ako dahil nakauwi na si Andrei at may kukulitin nako ulit. Ang boring kasi nung wala siya pero ngayon okay na at sobrang masaya dahil kasama rin siya mamaya para sa overnight.
Dumating na kaagad si Ma'am Lucero kaya di nako nakareply kay Andrei. Mahaba haba ding introduction para sa mga subjects namin, parang suko nako agad but I'm not Cristel Augustine Serez for nothing kaya I can do this!
Recess na kaya nagplano na kami nila Serenity na magkita sa court para doon tumambay.
" Alam niyo ba ang hassle maging pang hapon! Walang masakyan pauwi. " reklamo ni Serenity.
" Jusko ka Serenity, hatid sundo ka nga ni Andrew. " sabi ko sa kanya kasi nakakaduda sila ni Andrew!
" What is the real score between you and Andrew ba? Are you guys lovers? " tanong ni Andrew. Napaghahalataan na nga tong dalawa eh, kala koba tropa tropa lang.
" I told you mag- "
" I'm courting her. " Andrew cut her off.
" Kadiri. " Lucas and I said.
" Andrew kala koba sasabihin natin sa kanila kapag tayo na? " She suddenly hit Andrew, nahihiya but Andrew’s face is still serious.
" Serenity, kinakahiya mo bako? " Biglang natahimik si Serenity at kaming dalawa ni Lucas ay nandidiri sa sitwasyon nilang dalawa. " Ako kasi hindi. Kaya kong ipagsigawan sa school na to na ikaw lang ang gusto at mahal ko. "
YOU ARE READING
Beyond the Shadows ( Congregation Series #1 )
RomansaCristel was a kind and gentle soul, always eager to help those in need. She was a devoted member of her church community, where she met a charming and charismatic man named David. David was handsome, intelligent, and charismatic, and he quickly cau...