CHAPTER 33
Universe
"My name is Nova Rianna Salvador, but you can call me Nori. I'm a new student and I came from Dasmariñas, Cavite. I don't have many talents but I'm good at playing keyboards and piano.
Grade eight na kami at tulad noong grade six at seven, hindi ko ulit classmate si Karim. Pero kasama ko na si Kat ngayon. While Gavin, Karim, and Donovan are in section 2.
Tatlong taon na. I can't believe our friendship has been stronger than ever. Kami rin ni Karim, kaka-celebrate lang ng second anniversary three months ago.
Hindi naman mawawala ang mga away, pero masaya ako na hindi na namin napapalala dahil napag uusapan kaagad at nososolusyunan. Kaya tingin ko rin dahil maganda ang foundation namin ni Karim sa relationship, magtatagal kami. I don't want to lose him and he says he doesn't want to lose me so we'll work hard to keep this.
"Class, I will be passing this sheet of paper. Write down your names and ID numbers," ani ng teacher at binigay ang papel sa harapan.
Nang nasa akin na ay sinulat ko ang pangalan ko at yung ID number na tiningnan ko pa yung ID ko para i-check kung tama ba at pinasa ko sa katabi ko.
"Thank you!" Maligayang sabi niya at kinuha ang bag. "Oh, shit... Wala pala akong dalang ballpen."
Nilahad ko sa kanya yung ginamit kong ballpen. "Ito, hiramin mo muna. May extra naman ako rito," Nakangiting wika ko.
"Thank you!"
Kinuha niya ang ballpen at nagsulat na sa papel, tulad ko, tiningnan niya yung ID niya. Pagkatapos ay binigay niya sa katabi niya at bumaling sa akin nang nakangiti kaya nginitian ko rin.
"Hi, ako pala si Nori."
"Phoebe," Sagot ko. "Bago ka lang, 'di ba?"
She wrinkled her nose. "Oo. Ano kasi... " Bumuntong hininga siya, "...Kalilipat ko lang dito sa Manila."
Naalala ko, sabi niyang sa Cavite siya nanggaling.
Ngumiti ako nang tipid at tumango. "Welcome sa Northern West!"
"Nakakahiya nga, eh. Parang lahat kayo, magkakaibigan na. Kaunti lang yung new student this year, 'di ba? Lima lang yata kami. Yung iba, nasa ibang section din."
"I can be your friend..."
Her face lit up and she smiled wide. "Talaga?"
"Oo naman! Alam kong marami ka pa ring makikilala dito pero count me as your first friend."
How the tables have turned. Dati, ako yung mag-isang naghahanap ng kung saan pumupuwesto ang grade five. Ako yung nilapitan at winelcome sa grupo nila. Ngayon, ako na yung lumapit at nag-alok ng pagiging magkaibigan.
Nang maglunch na ay dala ko lang ang lunch bag ko na regalo ni mama sa akin noong Pasko. Binilhan na rin niya ako ng maayos namang container para sa pagkain at may case pa ng kutsara't tinidor. Mayroon na rin akong tumbler, hindi man kasing mahal noong kina Karim, ay at least, may maiinuman na ako na hindi lang plastic bottle.
"Pheebs, they're outside na," Lapit ni Kat sa amin.
Bumaling ako kay Nori na kinukuha ang wallet niya sa bag. "Nori, gusto mong sumabay na sa amin sa lunch?"
"Hi!" Hindi pa nakakasagot si Nori ay sumingit na si Kat. "I'm Katianna Dior. Everyone calls me Kat. You're the new student, right?"
"Ah, oo... Hello, Kat!"
"Yeah! Pheebs is right. Do you want to go with us for lunch? We'll introduce you rin to our other friends!"
"Sige!" Mukhang natuwa naman si Nori sa suggestion namin.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...