3

7 0 0
                                    

Ty

"Kilala mo pala, kakutsaba ka siguro non--- that explains why he likes going to your cafe!" Nanlaki ang mata ko dahil sa realisasyon.

He let out a huge bark of laughter.

"Kaklase ko lang siya sa Judo dati, Malay ko ba kung gustong-gusto niya pagtimpla ng kape ni Haniel o ni Mike" Laughing every chance he get.

His brows furrowed when the wind blew stronger.

The land lady appeared with an umbrella. "Gabi na, pauuwiin mo na yan. Masamang buksan din itong gate ng dis oras ng gabi"

She's so rude. "Nagpapatila lang po" Sagot ko.

Baka sa kanya ko maibaling ang inis ko. Kita na nga niyang umuulan tapos papaalisin niya?

"Sa loob ng unit mo siya pag hintayin, huwag dito sa gate" Huling litanya niya bago umalis. Paladesisyon naman!

"I'll just go-"

"Sa unit ko na tayo, mag surrender ka nalang ng ID sa kanya" I rolled my eyes and hugged the paper bag.

Ipinarada na niya ang motor sa maliit na parking lot. Kahit kailan hindi ko naipark ang sasakyan ko rito. Naglakad kami papunta sa mini tindahan ng matanda. Ibinuka ni Severiano ang wallet niya sa harap ko. Dalawang ID ang inilapag niya, namili pa.

Dylan Severiano E. Maldova

He has a first name?

Hindi bagay sa kanya ang Dylan.

He's more of a Joseph kind of guy. Na yung nickname ay Josh. "Dylan" Natatawang tawag ko.

Napakunot ang noo niya. "Don't call me with that name" Halatang nasura sa pagtawag ko.

"Tara na sa unit ko, Dylan" I ignored what he said.

Natatawa akong pumanhik. He silently followed me.   And when we arrived in front of my unit. His face looks serious while standing, waiting for me to open the door.

"Dyla-"

"How was the coffee beans?" He cut me off.

Naalala ko na naman ang nasira kong coffee grinder!

"Hindi ko pa natitikman, nasira ang coffee grinder ko" Sabi ko bago ibaba ang paper bag.

Nalungkot na naman dahil naalala ang sirang grinder.

Inalabas ko sa lamesa ang laman ng paper bag. Tatlong styro container 'yon. Fries, Footlong, at Salad. Natakam naman ako pero naudlot dahil kinuha agad ni Dylan ang isang styro ng fries.

"Hey! Bigay ni Julian sa akin 'yan!" Pambabawal ko sabay kuha pabalik ng fries. Binigay naman niya at itinaas kaagad ang dalawang kamay niya na parang tinutukan ko siya ng baril.

Kumuha lang ako ng kubyertos sa kusina. Pagbalik ko, nasa hapag na ang coffee grinder ko. Nakasuot na ang specs niya at sinimulan ng tignan ang makina.

"Subukan kong buuin" Habang seryosong nakatingin sa makina.

"Kung libre lang, ayos lang pero pag may bayad. Huwag na, Dylan" Biro ko.

He lost his focus and stared darkly at me. "Isa pa, Ogawa"

He lowkey scared me but I'm an Ogawa, I don't back down from anything. "Dylan" Bulong ko na sapat lang para marinig niya.

Nakangisi pa ako sa kanya pero bigla nalang siyang tumayo, sabay kuha sa helmet at jacket niya sa lamesa.

At dire-diretsong naglakad palabas sa unit ko.

"Hoy!" I called him but he walked so fast out of my unit that i didn't have time to even wear slippers.

Hinabol ko siya sa hagdanan, nakasuot na ang jacket.

Malakas na ang ulan, malakas din ang pagkulog kaya hanggang langit ang pag aalala ko nung seryoso siya sa pag alis niya sa kalagitnaan ng ganitong panahon!

He's close to his motorcycle, nagsusuot na ng helmet.

"Severiano! For God's sake, what is your problem? It was a joke-"

He cut me off. "I told you many times that i don't wanna be called with that name but you didn't listen."

Tumayo ako sa gate para hindi siya makalabas.

"I'm sorry, Okay. Please don't leave. Baka maaksidente ka!"

Pinaandar na niya ang motor niya. "Get out of the way" Malamig ang boses na utos niya.

"Paaalisin mo na nga yan! Ang ingay-ingay ng motor niyan, kung gusto umalis eh hayaan mo siyang maaksidente" Pagsawsaw ng land lord ko.

Pigil ang inis kong umalis sa pagkakaharang sa gate.

Ako na ang nagbukas ng gate. "Text me once you get home" Bilin ko.

Basta lang niyang pinaharurot ang motor niya...

Alas onse na ng gabi pero wala pa rin siyang reply, nakailang message na ako. Tumawag din ako pero hindi sumasagot.

Kaya tinignan ko na sa messenger kung online.

He's online!

Alder Jeo Ogawa:
Nakauwi ka na ba? I'm sorry, I went out of line. I promise I won't call you by that name anymore.

Nag-seen!

Alder Jeo Ogawa:
Please reply kahit like sign lang if nakauwi ka na. I'm so guilty and worried🥲

He didn't reply.

Kaya dumating ang lunes na wala akong tulog. Nilamon na ako ng konsensya ko kagabi kaya lantang gulay na naman ako.

My coffee grinder is left untouched. He started disassembling it last night right before he left.

"Independent study muna ako" Sabi ko.

"Kailan ba hindi? Basta pahingi nalang kami ng notes. Love you!" Humalik pa sa pisngi ko si Elene bago sumakay sa kotse ng boyfriend niyang si Asher na nakangiti lang sa akin.

I know it may be weird that Elene kisses my cheek in front of his boyfriend but Asher also kisses me on the cheek... Ewan ko ba sa magjowang 'to.

Oo, magjowa na sila. Two weeks ago pa. Ayaw lang ipagsabi at sosolohin muna raw.

Nagpaalam na rin ako sa ibang kaibigan ko. May kailangan pa kaming i-memorize para sa laboratory class bukas kaya nauna na ako para manuyo bago mag aral.

Mahihirapan ako dahil bothered pa rin sa nangyari. Ako ang may mali, kaya wala akong karapatan mainis!

Alder Jeo Ogawa:
Julian, nasa cafe ka ba ni Sev ngayon? Kung oo, andyan ba si Sev?

Nakatayo lang ako sa paradahan ng tricycle. Sisiguraduhin ko munang andon ang susuyuin ko para hindi masayang yung pagkain na ipapadala ko.

Julian Maldova:
Wala pero tanungin ko si Kuya Jul, andon siya ngayon.

I thanked her and waited for her reply. Nandon daw.

Mabait ang Diyos.

Alder Jeo Ogawa:
Alam mo ba kung ano favorite na food ni Sev? Na-badtrip kasi siya sa akin kahapon, padalhan ko ng peace offering.

Julian Maldova:
Anything from Burger King.

Sumakay na ako sa tricycle pauwi sa unit ko. Habang nasa biyahe, nag-order na ako ng lunch nai-papa-deliver ko sa Six Seven Nine.

I instructed the rider to put an "I'm sorry" Note.

Kung wala lang akong kailangan aralin, baka pumunta na ako roon.

I tipped the rider and went inside my unit.

I didn't eat lunch because I was so swamped with studying.

Kinuha ko ang phone ko na naka-charge dahil tumunog.

Severiano Maldova:
Ty

The Correct Way To Drink An AffogatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon