prologue

4 0 0
                                    

nagkayayaan nanaman kaming mag kakaibigan pa club hindi ko alam kung bakit nag pa hatak ako sa mga 'to. sa bagay minsanan lang din naman kaya sumama na rin ako.hindi rin naman ako masyadong iinom pagtapos ng pangyayaring 'yon ilang taon na rin pala ang lumipas pero andito parin sya't hindi ko malimutan. kamusta na kaya s'ya ok lang ba s'ya, kumakain ba s'ya ng maayos. hindi ko parin maiwasang isipin s'ya. dahil marami rin kaming pinag samahan

''huy maxene gaga ka tinutunganga mo d'yan, tunaw na 'yung yelo oh baka lasang tubig na 'yan'' natatawang sabi ni ling at tinuro pa yung baso ko

''sinasadya ko 'yan gaga bakit mo naman pinansin'' pagsisinungaling ko. ayaw pa naman netong babae na'to na bumabalik at iniisip ko nanaman yung past. s'ya rin kasi ang kasama ko noong wasak na wasak ako. shinot ko na yung nasa baso ko. habang nag kakasiyahan kaming magkakaibigan ay parang may pamilyar na mukha akong nakita. pinikit ko pa ng madiin yung mga mata ko at dinilat ulit hindi ako nagka mali sya nga. tumayo ako kaagad at nag mamadaling pumuntang restroom. hindi ko na sinabihan sila ling dahil enjoy na enjoy ang mga gaga na para bang wala nang susunod na araw. hindi ko alam ang nararamdaman ko halo halong emosyon. sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang gusto nang lumabas nito. tningnan ko ang sarili ko sa salamin.

''paano? bakit s'ya nandito, anong ginagawa n'ya dito'' sabi ko sa sarili ko habang malalim ang paghinga at napapasabunot na sa sarili hindi ko nga alam kung lalabas paba 'ko ng restroom o dito nalang ako matutulog e. ''enhale, exhale, enhale, exhale'' paulit ulit kong bulong sa sarili ko sabay tingin sa salamin. ''maxene, past na 'yon ano ba umayos ka'' para akong baliw na inaaway ang sarili. pagka hawak ko sa door knob ay huminga muna ako ng malalim sabay tuloy tuloy na lumabas ng cr. may naka banggaan pa nga ako sa sobrang pag mamadali.

''hala sorry, sorry''
sabi ko ng hindi lumilingon at tuloy tuloy nang bumalik sa table namin dahil parang tinatamaan na rin ako ng alak at kanina pa nahihilo dumagdag pa yung isipin ko.

''max! max! tara dali! reto kita dun sa kabilang table puro pogi mga andon'' tawag sakin ni abby na hindi na kayang tumayo ng deretso dahil nga kanina pa kami nag-iinom.

''ano?! dito na tayo! nahihilo na'ko!'' nag sisigawan na kami dahil malakas rin ang tugtog. lumilingon lingon pa'ko sa paligid baka sakaling makita ko s'ya ulit at nang maiwasan na. tumayo ako at nag pa gewang gewang pa nga dahil sa sobrang hilo naka heels pa'ko kaya hirap na hirap ako mag balance. nagulat ako nung may biglang humawak sa bewang ko para hindi ako matumba nung nadulas ako dahil nga sa heels. sumingkit ang mga mata ko dahil hindi ko makita yung mukha n'ya dahil medyo madilim na at ilaw lang ng club yung naka bukas sinabayan pa ng hilo ko.

''are you ok? kaya paba?''

nanlaki ang mga mata ko at tumayo na ng maayos dahil pamilyar yung boses n'ya. shet anong gagawin ko!

''h-huh? o-oo! haha ayos lang!'' ngumiti pa'ko na parang hindi halatang peke lang

''do you want to take some fresh air?'' sabi n'ya sabay turo sa labas

''uh..sure'' awkward na sagot ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin! natataranta ako! omg!

nag lakad lakad muna kami habang nag hahanap ng convinience store para bumili ng tubig dahil hindi ko kinakaya! charot nahihilo na kasi ako.

''so....how are you maxene? it's been a while'' nakapamulsa at nakayuko s'ya ngayon.

''hmm, ayos lang. ikaw ba jaylebrix kamusta?''

''wow...we're not calling each other's nicknames anymore haha it feels weird now.......well i'm ok. i am always ok'' at bahagyang ngumiti hindi naabot ang mga mata n'ya

tiningnan ko rin s'ya at binigyan din ng ngiti ''hmmm mabuti naman''

huminto na rin kami sa tapat ng convinience store sabi n'ya ay umupo nalang ako sa may bench ay s'ya nalang ang bibili. napaisip ako kung ano bang nararamdaman n'ya ngayon kung katulad ko rin ba s'yang sobrang natataranta hindi ko alam kung ok lang ba sakanya na andito ako, kung hindi ba s'ya naiilang sa presensya ko

''here'' inabot n'ya sa'kin yung binili n'yang mogu-mogu strawberry flavor sakanya naman ay tubig lang. napangiti pa'ko ng bahagya dahil naalala pa pala n'ya 'yong favorite drink ko

''thankyou'' nginitian ko s'ya at binuksan na 'yung mogu-mogu para inumin.

parehas lang kaming naka tingin sa harapan ang awkward tuloy anong oras na pala at baka kung ano ano ng ginagawa nung mga gaga doon baka kunh kani kanino nanaman sumama tumayo na'ko at nagsalita

''uhm, sige una na'ko medyo nakapag sober up na rin e, baka hinahagilap na rin ako nila ling thankyou dito jb'' sabay taas nung inumin ko. tumango lang s'ya. pag balik ko ng club kung ano ano ng ginagawa ng mga babae na'to buti nalang onti nalang ang tama ko dahil nga sa pag kikita namin ni jb

''maxeneeee! alam mo ba nakita ko yung gagong ex mo dito! asan na 'yong letche na 'yon ng masabunutan ko!'' sigaw ni ling, lasing na lasing na ang gaga mahubad hubad na yung tube dress. si abby naman nasa sahig na nakaupo naka patong pa yung baba sa lamesa habang hawak hawak yung bote ng beer. si lila naman sumasayaw dun sa gitna ginawa pang mike yung bote na hawak n'ya. hindi ko alam kung sasamahan ko ba sila sa mga ginagawa nila dahil ako ang napapagod e buti nalang talaga at mga lasing na ang mga tao dito dahil nakakahiya! akbay akbay ko na si ling sa braso ko at pinaupo ko muna dahil nangangalay na'ko napasapo nalang ako sa ulo. naisipan kong tawagan si warren dahil hindi ko keri ang mga bakla!!

''war please help me huhu''

''ano? bakit? nasan ba kayo?'' buti nalang at alam n'ya na kaagad ang dahilan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

enemies to loverWhere stories live. Discover now