CHAPTER 34
Bata
"You handled her really well..." Mahinang sabi ni Karim nang lumabas kami ng kwarto ni Kat dahil maliligo na raw siya.
"Ikaw kasi, dinadaan mo lagi sa init ng ulo."
Ngumuso siya, "I'm just hurt 'cause my sister's hurt. But good thing you're there. You're the opposite of me. Bagay nga talaga tayo."
Naupo kami sa couch sa sala nila Karim. He wrapped his arm around me and his other hand caught mine and intertwined our fingers.
"I love how you are with my family, too. Lalo na kay Kat. Yeah, nakikita ko rin yung nakikita ni Kat sa'yo. For you, you don't treat her just like a best friend, but a sister. That makes me love you even more. Kasi mahal mo rin ang pamilya ko. And they love you just as much."
"Talaga?" Inangat ko pa ang tingin sa kanya at sinandal ang ulo sa kanyang braso. "Okay lang talaga sa akin ang parents mo?"
"Why would they invite you for our family lunches sometimes, then, if they don't?"
Sumandal na ako sa dibdib niya at pinatong ang binti sa tuhod niya. "Hindi lang ako sanay. Alam nilang mahirap lang ako. Hindi naman kasi ganoon ang kinalakihan ko. Parehas kami ni mama na pinagsalitaan ng masasama nila lolo at lola."
"I told you, baby. My parents aren't like your grandparents. They're not superficial. They love you so much. Noong birthday ko nga, sinama ka pa nila mom na magbake, 'di ba? Tinuruan ka niya?"
Palagi akong kinikilig sa tuwing naaalala ko iyon. Dati, takot na takot ako sa pwedeng masabi ng parents ni Karim kapag nalaman nilang boyfriend ko ang anak nila. Pero napakalayo pala ng totoong nangyayari sa naisip ko.
Pinaramdam nila sa akin ang hindi ko naramdaman sa magulang ni papa. Yung pagwe-welcome sa akin mula sa isa pang pamilya. Nang ma-kwento ko kay mama iyon, naiyak pa ako. She cried, too, because of happiness. Dahil unti-unting napapalitan yung mga masalimuot na naranasan at nasaksihan ko noong bata pa ako.
Sa tuwing may training si Kat sa swimming, pinapahatid na lang ako ni Karim sa driver nila at babalikan sila pagkatapos sa school. But this time, may emergency ang daddy nila, may mga papeles na ipapadala mula sa bahay nila sa isang branch ng kompanya nila sa Pampanga kaya medyo matatagalan ng dating, habang sila naman ng mommy nila ay nasa Mindoro, inaasikaso yung mga papeles para sa patatayuan ng bagong branch ng business nila.
Gusto pa akong ihatid ni Karim sa bahay, mag-ga-Grab na lang daw kami para hindi hassle pero sabi kong magstay na lang siya sa school para kay Kat. He tried to insist, naroon naman si Donovan para makasama si Katianna, pero mas nagpumilit akong hindi naman na kailangan. Sa mahaba-haba naming pagtatalo, ako ang nanalo.
Bago umuwi, kumain muna ako sa isang karinderiya na ilang kanto lang ang layo sa school namin. Ipinaalam ko rin kay Karim at mama iyon para alam nila kung nasaan ako.
Karim:
What are you eating?P-in-icture-an ko yung binili kong sisig at inihaw na bangus bago iyon s-in-end sa kanya.
Ako:
Para hindi na ako kumain mamaya sa bahay.Karim:
Pero baka naman magutom ka sa gabi kasi maaga kang kumain? Tell me if you're hungry, I'll have food delivered to you.Karim:
Eat well, baby. Text me when you're on your way home and when you get home, okay? Huwag mo nang ilalabas yung phone mo sa jeep. I love you.Ako:
Noted po. I love you!Mabuti na lang at mayroon pang natitirang MB sa unli ko kaya nakapanood pa ako ng kalahating movie. May access na rin ako noong Netflix account nila Karim at sabi niya, gamitin ko lang daw kapag gusto kong manood. Syempre, yung sa profile ako ni Karim nakikialam.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...