Halos hindi ako gumalaw sa aking pwesto ng makita ko kung paano maglaban si Darmex at si Mr. Navine.Makikita mong bihasa sila pareho kaya naman habal tumatagal, palakas nang palakas ang sigawan ng tao na nakapalibot sakanila. Habang ako, tulala lang at hindi makapaniwala sakanilang ginagawa.
Gusto kong magtakip ng mata ng matamaan ni Mr. Navine si Darmex gamit ang kaniyang kamao. Hindi 'yon nailagan ni Darmex dahil nagtamo narin siya ng madaming tama. Habang si Mr. navine naman ay putok lang ang labi, tiyak na yon lang ang masakit sakanya. Hindi katulad ni Darmex na halos pumutok ang buong mukha pero masasabi ko parin na malakas talaga si Darmex dahil kayang kaya niya paring tumayo ng tuwid na tila ba walang masakit sakaniyang katawan.
Nang pagmasdan ko si Mr. Navine, malayo-malayo ang kaniyang aura sa una ko siyang nakita sa mall. Sa exhibit. Ang Mr. Navine na kalaban ni Darmex ngayon ay madilim ang mga tingin at mayabang ang pagkakatayo. Kung hindi ko nga siya nakita sa exhibit ay mapagkakamalan ko siya bilang ibang tao.
Tanging ingay at sigaw ng iba't ibang tao lang ang pumapaloob sa loob ng colloseum na 'yon. Hawak ko parin sa aking harapan ang painting na order ni Mr. Navine sa'kin. Iniingatan ko ito dahil masyadong malaki ang binayad niya sa'kin para sa gawa kong ito.
"Walangya! Umilag ka naman, Darmex!"
"Sige pa! Sapak pa!"
"WOOOAA!!"
Napaigik ako na tila naramdaman ko ang pagkakasuntok ni Darmex sa mukha ni Mr. Navine. Sinundyan niya rin iyon ng sipa sa binti ngunit hindi manlang gumalaw ang kaniyang kalaban sa pagkakatayo nito. Bumawi si Mr. Navine ng sipa kay Darmex ngunit sa pagkakataong ito, mukha ni Darmex ang kaniyang pinatamaan. Ngunit sa hindi inaasahan, nahawak ni Darmex ang paa ni Mr. Navine.
"Holy fuck..Anong ginagawa mo, Darmex?" bulong ko sa aking sarili.
Malaki ang tyansa na babaliin ni Darmex ang binti at hita ni Mr. Navine ngunit hindi niya na natapos ang kaniyang balak dahil biglang bumwelo si Mr. Navine at saka ito tumalon, at habang nasa ere siya, mabilis niyang nasipa si Darmex kaya naman nabitawan nito ang kaniyang paa.
Agad akong napanganga dahil sa ginawa ni Mr. Navine na move. Napaatras si Darmex at napahawak sa kaniyang dibdib na tinamaan ng sipa. Halata sa mukha ni Darmex ang pagkapikon at mukhang naghahanda itong bumawi, ngunit ng akmang babawi na siya ay hindi ko na napigilan ang pagsigaw.
"Darmex!" isang sigaw ko at dahil mukhang nadinig ako ng Diyos. Agad na napabaling sa'kin ang mga mata ni Darmex kahit na maraming sumasapaw na ingay sa aking boses.
Napatigil sa pagsugod si Darmex kaya naman napatingin din sa gawi ko si Mr. Navine na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.
"N-Nize.." Kita kong galaw ng mga bibig ni Darmex na kumikibot-kibot dahil sa gulat.
Nakita ko na lumapit si Mr. Navine sa referee saglit at saka pumunta sa side niya sa loob ng ring na pinaglalabanan nila ni Darmex.
Pumunta naman ang referee sa gitna at itinaas ang dalawang puting flag. Agad na umugong ang mga reklamo ng mga tao na nandoon.
"Ano nangyari don??"
"Paano naman yung pusta ko?" dinig kong sabi ng isang lalaki.
"Edi balik taya nalang!"
"May tumawag kasi na babae eh!"
"Oo nga! Ayun yata oh!" nakita kong tinuro ako ng isang lalaki kaya naman nanlaki agad ang aking mata.
"Siya lang naman yung babae dito!" sigaw ng isang lalaki.
"Hoy! Miss! Bayaran mo yung taya ko!"
Napansin kong nakakaagaw nako ng atensyon sa nakararami. Akmang susugurin na ako ng lalaki ng biglang may nagsalita sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...