Hello

11 3 0
                                    


Dear Future Readers,

Hi, I'm Nyra Esteban. I wasn't supposed to write this because I'm terrible at writing love stories, but I'll try my luck on this one.

It actually hit me when I accidentally looked at my hands, palm facing upwards, tapos bigla kong natanong sarili ko, "When will someone hold my hand without even trying to let go?" Alam ko, that was a silly question from a stupid person. May ilang tao pa nga nagsasabing manhid ako—akala siguro nila hindi ko alam yung salitang "love". Akala siguro nila hindi ko pa na-e-experience yun.

Alam niyo tama sila, sana nga hindi ko na lang na-experience yun. Masakit eh, sooobra! Kaya din siguro mas pinili kong balewalain na lang 'yung feeling na 'yun. Psychologically speaking, it only takes four minutes to fall in love with someone. Yet frankly speaking, it will take years to move on from a broken heart.

Despite how excruciating it is to fall in love, sinabi ko pa rin noon sa sarili ko na mag-aasawa ako once makapag-publish ako ng libro. Ang kaso, 24 years old na ko WALA PA AKONG LIBRO. Ang masaklap pa WALA RIN AKONG NOBYO. Kaya ngayon, kailangan kong mamili—maghihintay ba ko na may magkamaling manligaw sa'kin (na hindi ko alam kung kailan dadating, kung may dadating man) o sisimulan ko nang magsulat (na hindi ko alam kung maipa-publish ko ba, kung may babasa man).

Pero nakapagdesisyon na ko. I think pwede namang BOTH ang piliin ko— hihintayin ko siya habang nagsusulat na. Who knows? Baka habang ginagawa ko 'tong story na 'to, papunta na rin sa'kin 'yung hinihintay ko.

P.S

This is not a typical story of being in love and experiencing pain until having a very happy ending. This is the compilation of songs I happened to relate to. I'm, likewise, hoping that you'll relate with me too.

Ang alaala masarap balikan, 'wag mo lang gagawing tambayan para di ka masaktan. Dumating man ang pag-ibig sa'yo na parang bagyo para guluhin ang puso't isip mo, wag mong hayaang wasakin nito ang buhay mo. Bumangon ka, tuloy ang buhay.

Love songs are psychokillers; they torment you mentally and drain your life in a subtle way. Nakamamatay ang lungkot kaya wag kang pumayag maging buhay na patay.

Nyra =)

He's My PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon