TRIGGER WARNING: Some scenes may have homophomic remarks. Reader discretion is advised.
-----------
KAIRON
Sabi nila ang Highschool life daw ang pinakamasayang phase ng buhay ng isang teenager na tulad ko. Siguro dahil dito natin mas nadi-diskubre ang mga bagay-bagay tungkol sa paligid natin at tungkol din sa ating mga sarili.
Pero para sa akin na isang graduating senior student, isa lang ang nagbigay sa akin ng dahilan para maging pinakamasayang parte ng buhay ko ang highschool. Bukod sa mga activities or contests na palagi kong naipapanalo ay mas ginawang memorable ng crush ko ang aking highschool life.
Siguro lahat naman tayo ay nagkaroon na ng crush pero hindi lahat ay nabibigyan ng chance na magpatuloy sa next level ng relationship dahil hindi naman lahat ay ginugusto rin. Pero isa sana ako sa mga excepted sa mga ganyang unfortunate events dahil ayoko nang magpakatorpe pa.
Tutal ay matatapos na ang school year at ga-graduate na kami ay mas mabuti na sigurong umamin na. Wala namang mawawala bukod sa friendship namin na halos three years lang naman.
I've been friends with Clair since our sophomore year. She was a transferee back then and I was the classroom President. She's smart but I think I'm a little smarter, 'wag mo lang akong itatapat sa mga math wizards ng school na 'to.
Kaya ko naman ang math pero hindi ako tulad ng mga nerds na sinisisiw lang ito, hindi ako ganoon kagaling sa subject na iyan pero kung English ang pag-uusapan, hay nako, umuwi na kayo.
Today is February 14, valentines day. Katabi ko si Clair na bising-busy sa pagsusulat ng love letter para sa crush niya. I wonder kung ako 'yon.
Sana ako.
"Bawal basahin!" Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Clair. Tinakpan niya ang papel na kanyang hawak para hindi ko mabasa ang nakasulat doon.
Actually, hindi ko naman talaga nabasa dahil hindi naman ako nakatingin, tulala ako. Inabutan niya ako ng blangkong bondpaper.
"Gumawa ka din ng sayo para naman may pagkaabalahan ka!" Umirap siya bago bumalik sa kanyang ginagawa.
Para sa akin ba 'yang sinusulat niya kaya ayaw niyang mabasa ko? Sabi na nga ba e! May gusto rin sa akin 'yang si Clair! I mean, not to brag pero satingin ko naman ay may hitsura ako. Sa singkit ko pa lang na mga mata na minana ko sa tatay kong hapon ay akit na akit na yung mga babaeng nanonood sa akin maglaro ng volleyball noon, siya pa kaya?
Ngumisi ako saka nag-isip kung anong isusulat sa papel na hawak ko. Hindi ko pwedeng sabihin na ako ang may ari ng papel na ito, dapat surprise tapos saka niya na lang malalaman na ako nga. Hay ang gulo!
Inilapag lang namin ni Clair ang ginawa naming mga letters sa sari-sarili naming mga desk para bumaba sa canteen. Recess na kasi at nagugutom na rin kami.
Kaming mga last year students kasi ang pinakahuling nagre-recess kaya talagang palakasan ng sikmura ang labanan. Ganoon na ba talaga sila ka walang pakialam sa amin dahil graduating na kami?
Nakabili na kami ni Clair ng pagkain kaya't umakyat na rin kami kaagad. Pagkadating namin sa third floor kung nasaan ang room namin ay nagsisimula na palang tumugtog yung School's band club sa hallway. Palagi ko na silang nakikitang tumutugtog pero hindi ko naman pinag-aaksayahan ng panahon na panoodin at pakinggan pa.
Dadaan lang dapat kami nang biglang huminto si Clair para manood.
Hay, kailangan ba talaga? E wala namang bago sa mga kinakanta nila! Kung hindi pang-kiligan ay pang-heartbroken naman!
BINABASA MO ANG
Bound To Fall Inlove
Teen FictionAs graduation nears, Kairon plans to confess his love to her friend, Clair, only to get caught in a mix-up involving Clair's crush, Karl. ----- TRIGGER WARNING: Some scenes may have homophomic remarks. Reader discretion is advised. ----- "Karl. My n...