5: THE CHANGE OF ALI

516 8 0
                                    

Maagang pumasok si Kael ngayon para maghanda sa paghingi niya ng tawad kay Ali. Kahit na mas maraming kasalan si Ali sa kanya ay hindi niya ito kinimkim kailanman dahil hindi siya sanay na may sama ng loob sa iba. Sadyang napuno lang siya noong nakaraang araw kaya naging ganon na lang ang kanyang reaksyon.

TIME SKIPS...

Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang kanyang mga kaibigan at ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Ali ngunit nagtataka siya dahil hindi nila ito kasama ngayon dahil madalas naman ay magkakasama ang mga ito kung papasok man dahil magtatambay muna sila bago pumasok.

AT THE BACK'S POV:

"Tila hindi niyo ata kasama ang isa ngayon ah?" Panimulang tanong ni JR sa mga kaibigan ni Ali.
"Si Ali ba?" Tanong naman ni Mav.
"Malamang sino pa nga ba? To naman walang common sense" Pairap at pasigaw na sabi ni Sie kaya nagtawanan ang lahat dahil bigla pa siyang nagflip hair sa harap ni Mav.
"Bakit mo ba hinahanap?" Seryosong tanong ni Aud sa kanya.
"Nakakapanibago lang kasi lagi naman ninyong kasama si Ali kung papasok kayo." Sagot naman ni Gian
"Teka lang, bakit ba ang seryoso ng tanong mo Aud? Nagseselos ka ba? May gusto ka kay JR no?" Pabirong sabi ni Nico kaya lahat sila ay nagtawanan maliban kay JR at Aud.
"Bakit ako magseselos? Kahit pa bigyan niyo ko ng 1B, hinding-hindi ako magkakagusto diyan! Tse!" Pagdedepensa ni Aud.
"To naman di mabiro, pass sa halata teh!" Natatawang sabat naman ni Sie dito.
"Gusto mo rin si Gian no? Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya pansin ko." Panunuksong sabi ulit ni Nico kay Sie.
"Ok na sana siya kaso ang tahimik baka masira eardrum niya sakin, kawawa naman ang bebe ko." Pagsabay din ni Sie sa biro ni Nico sa kanya kaya palihim naman kinikilig si Gian sa gilid.
"Teka nga lang Nico!, napansin ko si Mav lang ang tinira mo, siguro siya ang bet mo kaya mo kami shiniship sa dalawa no? Umamin ka nga HAHAHA" pabalik na biro at panunukso rin ni JR sa kanya.
"Bat mo natanong?" Seryosong niyang sabi at tinitigan nito ng masama si JR.
"Naku, wag na masyadong mainitin ang ulo. Baka di ko matansya." Sagot naman ni Mav.

Habang masayang nagtatawanan ang anim sa likod ay hindi mapigilan ni Kael ang mapaisip kay Ali dahil hindi niya alam kung kasalanan ba niya o hindi kung bakit wala pa ito ngayon.

Dumating na ang guro ngunit wala pa rin si Ali kaya ang akala nito ay hindi na dadating si Ali ngunit habang nasa gitna sila sa klase ay biglang dumating si Ali.

"Good morning ma'am and I'm sorry po, I'm late." Nakayuko at matamlay na saad ni Ali.
"Bakit kaya ganito 'to ngayon?" Saad sa isipan ni Kael.
"Ok, go back to your seat, and please make sure this won't happen again, Ms. Arceta." Saad ng guro dahil hindi naman ito terror at strikto sa mga kanyang mga estyudante.
"Yes ma'am, I promise." Tipid nitong sagot ngunit nakayuko parin.

Papunta na si Ali sa kanyang upuan ngunit pagkadating nito ay agad niyang ipinatong ang kanyang ulo sa lamesa na tila wala itong gana. Napapaisip naman si Kael kung bakit ganito siya at nakakapanibago ito sa kanya dahil ngayon ay wala pa rin itong kibo mula nong dumating.

Natapos na nga ang klase ay nanatili pa ring tahimik si Ali hanggang sa napansin ito ng kanyang mga kaibigan.

"Teh, anyare sa'yo? Ba't ka ganyan?" Panimulang tanong ni Mav dahil kanina pa nila ito napapansin sa pananahimik niya.
"Oo nga nakakapanibago ka." Sabi naman ni Aud
"Ikaw ba yan Ali? O Clone lang?" Birong tanong ni Sie para kahit papaano ay mapangiti si Ali.
"Bumalik ka na naman ata sa pagka70% Nonchalant mo teh!" Sunod na biro naman ni Aud ngunit bigo parin silang pasiglain siya.
"Kayong dalawa talaga, tigil niyo na yan bago pa magalit si Ali." Pagsuway ni Mav sa dalawa at hindi mo maikakaila na ang-aalala ito kay Ali.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon