[Luna]

"Ano! Kailan mo pa balak sabihin ang lahat saakin?! Kapag nabisto ka na?! Kung hindi pa sinabi saakin ng dati mong ka work, hindi ko pa malalaman?!" sigaw kong sabi sakaniya.

We're living in a same roof. Nagdecide kami na magtanan dahil sa mga magulang ko na hindi boto sa pagmamahalan namin ni Ash. Pinaglaban nya ako sa sarili kong magulang hanggang sa itakwil nila ako.

Hindi nila matanggap na lalake ang mamahalin ko. Hindi rin ako nakapag open sakanila about my gender kasi natatakot ako pero noong nahuli kami, doon na nangyari ang lahat.

At first, naging mahirap saamin ni Ash ang manirahan sa isang boarding house, sapat na rin yung sahod namin na para saaming dalawa lang at sa mga bayarin.

Natatakot rin ako na baka hindi namin kayanin at bumalik ako sa mga magulang ko hanggang sa may big news akong natanggap mula sakaniya. Na promote sya sa company na pinagtatrabahuhan nya.

Naging masaya kami, may kaunting tampuhan pero nagagawan agad namin ng solusyon.

Tatlong taon rin kaming nagsama, selos, pagod, tampuhan ang minsan rin na dumating saamin. Not until nabalitaan ko na matagal na pala syang natanggal sa trabaho dahil nadamay sya sa malaking magiging issue ng company nila.

Hindi ko nalaman lahat ng yun kung hindi pa ako pumunta sa dati nyang pinagtatrabahuhan, nakausap ko yung dati nyang ka-work at sinabi nga saakin na matagal na syang natanggal noon.

Nagtataka pa ako kasi araw-araw rin syang umaalis sa pinagtutuluyan namin at nakapang ayos sya kaya hindi ko rin naisip na natanggal sya.

Nakangiti syang umaalis, humahalik pa sya saakin na para bang wala syang problema na hinaharap.

Kapag may babayaran kami, palagi niyang sinasabi saakin na late na daw silang pinapasahuran. Okay lang naman saakin na ako muna ang mababayad sa lahat ng gastusin.

Hanggang sa 2months ng naging ganun, palaging late ang sahuran nila. Kaya minabuti ko na pumunta sa company nila at ayun nga ang nabalitaan ko.

"Pagod ako, Luna. Pwedeng huwag muna ngayon?" walang gana niyang sagot saakin.

Nakatayo lang ako sa harapan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nauubusan na rin ako ng pasensya at pagod na rin ako kakatrabaho para mabayaran ang letcheng mga bayarin.

Mahina akong tumawa ng sabihin niya yun saakin. Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Pagod?! Saan mo nakukuha yang pagod mo?! Eh wala ka na ngang trabaho! Matagal na, Ash! Matagal ka na palang natanggal! Pinagmumukha mo akong tanga dito!"

"Stop. Please" tanging sagot nya.

"You want me to stop?! Maghanap ka ng bago mong trabaho, Ash! Hindi yung ako lang ang nagkakanda-kuba saatin dalawa!"

Hindi sya sumagot sa mga sinabi ko. Nakayuko lang sya habang nakaupo sa kama namin.

"Ano! Maghanap ka ng trabaho mo! Malapit na tayong maputulan ng kuryente! Hindi ko na kayang pagkasyahin yung sahod ko saatin dalawa, Ash! Sana naman maawa ka saakin! Mag apply ka sa kahit na anong pwedeng trabaho! Humanap ka na habang maaga pa"

Napaatras ako ng galit itong tumayo at matalim na tumingin saakin.

"I TRIED! OKAY?! SINUSUBUKAN KONG MAG APPLY SA KAHIT NA SAAN, LUNA! ARAW-ARAW AKONG NAPAPAGOD MAGHANAP NG TRABAHO! ARAW-ARAW KONG PINAGKAKASYA YUNG PERA KO KASI NAHIHIYA NA AKONG HUMINGI SAYO! I-I tried my best na mag pa impress sa mga ina-applyan ko pero... hindi nila ako tinatanggap dahil sa issue na hindi ko naman ginawa"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ex ❌️💦🔞 [One Shot] #filotaekookauWhere stories live. Discover now