Arranged marriage

1 1 0
                                    

DISCLAIMER!!


This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events is coincidental.

...

Daniel's POV

Pinaka araw na kinaa-ayawan ko, ang araw ng Pag a-arrange marriage ko.

Ako si Daniel Lopez, Isa akong idol sa loob ng tatlong taon, at isang araw ay may mag asawang pumunta sa Company na pinag ta-trabahuhan ko at walang alinlangan na sinabi sa Manager ang tungkol sa Arrange marriage.

Nag a-alinlangan pang sumagot ang Manager ko dahil kung tatanggi kami ay sisiraan o pababagsakin ako nitong mayaman na mag asawa, at yun ang kinatatakot namin, ang biglang mawala ang pinag hirapan namin.

Kaya walang nagawa ang Manager ko kung hindi ang sumang-ayon sakanila, hindi na nag dalawang isip ang mag asawa na ibigay sa manager ko ang schedule ng meeting namin para dito at ang parehas na araw na kung saan ako ay pe-perma na sa kontrata.

Nakakabagot mang isipin na ikakasal ako sa isang babaeng hindi ko pa naman nakikita at mas lalo sa hindi ko naman mahal. Pero ano pa bang magagawa ko? Ano bang laban ko sa mga mayayaman?

Dati hindi ako naniniwala na pag may pera ka magagawa mo na lahat, kagaya ng pag kontrol sa buhay ng isang tao, pero nung damating ang mag asawa na yun sa company building namin ay walang imposible pag may pera ka.

Days have passed, and the signing of the contract is today.

Ako lang ang pumunta dahil ang manager ko ay nag aasikaso pa sa ibang mga dapat kong gawin pero kailangan kong isingit 'tong meeting na 'to para lang sa signing contract namin.

Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas nakarating na rin ang mag asawa kasama ang anak nila. Tiningnan ko lamang ito ng maigi habang sya'y papa-upo na sa tabi ko at sa harap naman namin ay ang mga magulang nya.

"Sorry for the wait Daniel, BTW she's our only daughter, Mira I. Palsey, the same age as you" Pag e-english ng Mama nya sakin. "...Daniel Lopez..." Malamig kong saad kay Mira para naman hindi sya pumayag sa arrange marriage na 'to.

Tiningnan ko lang sya. ano sa tingin nya mahuhulog ako sa kagaya nya? Maganda nga sya pero hindi nya 'ko madadaan dyan. pero mga ilang minuto ay nilapit ko ang kamay ko para makipag shake hands, Inabot nya rin 'to nang walang alinlangan.

Hmm... Kunwari pa 'tong hindi affected sa kapogian ko.

Mga walang minuto ang nakalipas ay naiisipan kong anyayahan sya na makipag usap sa tahimik na lugar. "...Can we speak in private?" Pag pa-paalam ko sa magulang nito.

Ano akala nyo kayo lang may kayang mag english? huh.

Pumayag naman ang mga magulang nya at sumunod din sya sakin. nang makalabas na kami sa Restaurant, "...You don't look happy." ang tanging saad ko, hindi ko alam ba't ko sya niyaya lumabas siguro baka para ma-convince kong pilitin nya ang mga magulang nya na itigil 'to. kung ako kasi mag sasabi sa magulang nya baka mapatay ako nun.

"Why would I? I don't even know you" Saad nya habang naka crossed arms. Aba ang sungit naman nito, mas lalong ayaw ko na tuloy na ituloy 'to. 

Unang araw pa lamang namin pero mukhang hindi na kami magkakasundo nito.

Abangan kung ano ang magiging takbo ng buhay ni Daniel ng may mga gantong ugali ang makakasalamuha nya.

THE END.

My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon