● CHAPTER NINETEEN ●

107 2 1
                                    

° PALAGAYAN NG LOOB °

JEONGHAN

Nandito ako sa bahay hindi ko alam kung bakit ako nautusan ni eomma na pumunta ulit sa dati naming bahay para kunin yung isang sasakyan na pagalitan kasi ako ng malaman nya na pinapunta ko si joshua sa ospital para mag pasundo lang, iyon na kasi ang huling araw na nagbantay ako at iyon din kasi ang labas ni kyeom sa ospital, salamat nga dahil magpapahinga na ako ngayon at magiging ayos na ang tulog ko

Pinapunta ko nga si joshua dahil wala akong sasakyan kahit na nandoon si mingyu at eomma, kaya naisipan ko na lang na papuntahin si joshua para may masakyan ako pauwi dahil tinatamad na din naman ako sumakay

"Dalian mo dyan jeonghan" si eomma na kanina pa ako pinamamadali alaka mo naman aalis yung bahay

"malapit na ito" nandito pala ako sa kwarto ko si eomma sa labas hinihintay ako at minamadali na akala mo naman kasama syang pupunta doon

" alam mo naman diba sabado ngayon, kaya alam kong aalis ang lalaki na iyon at sigurado ako madadatnan mo yung kabit at ayoko naman mangyari iyon kaya bilisan mo at sasakay kapa patungo doon baka gabihin ka pa maka uwi" rinig na rinig ko sa labas ng pinto ng kwarto ko ang sigaw ni eomma

"Eto na~" binuksan ko yung pinto kita ko ang mukha nyang inis na naka tingin sa akin

"Magbibihis ka lang kay tagal pa!, nag pabango kapa kukunin mo lang naman yung kotche mo doon" sabi nya amoy na amoy ata naparami kasi ang lagay ko

" sabi kasi ni joshua gamitin ko yung pabango na bigay nya sakin kaya ginamit ko, saka minsan lang naman ako magpabango hayaan mo na eomma" sabi ko habang ako nagsisintas ng sapatos

"Hala sige dali na" kaya ako naman bumaba at kita ko si mingyu ayon sa sala nanonood ng tv at ilang araw na hindi makausap ng maayos ewan ko ba dyan sa kapatid ko sarap ipasok ang ulo sa timba at sabay pukpokin

Sabi kasi ni eomma sakin kaya nag kakaganyan si mingyu dahil na naman kay dokyeom kaya ako eto naiinis na naman buti nga di sya nag kulong at di nag papasok

"O tinatayo mo pa dyan" si eomma na na batok pa ako

"Eto na nga aalis na" sabi ko nakatingin lang ako kay mingyu habang nag- mamadaling isuot yung kabiyak ng sapatos

"Hayts akala ko na suot mo na yung sapatos mo kay tagal mo doon dika pa pala naka sapatos" rinig ko hindi ko na lang pinansin si eomma at tila naka tingin ako kay mingyu na badtrip habang nanonood ng palabas lagi nga syang badtrip kaya si eomma di muna daw pinapansin si mingyu

"Baliw na talaga sya" sabi ko at naka tanggap ako ng batok

"Eomma aray" sabi ko napahawak ako sa ulo ko sa sakit

"Baliw ako?" Tanong nya saka hindi naman sya yung tinutukoy ko

"Hindi syempre, sige na eomma aalis na ako, sakit nun ah~" sabi ko nakatingin lang sya sa akin habang ako paatras sa pinto para makalabas ng biglang may kung anong humarang at tila nawala pa ako ng balanse at buti may naka salo sa akin at eto yung kinaiinisan ko naka titig sya ngayon sa mga mata ko

"Bitaw" inis na sabi ko kaya agad nya akong binitawan at buti hindi na laglag sa akin yung mga dala nya

"Hayts" tinignan ko sya ng masaya tila napa ngiti lang sya sa akin bakit sa tuwing inis ako doon sya ngumingiti baliw talaga

"Nako po" rinig ko si eomma

"Magandang umaga po" sabi nya walang maganda sa umaga kung una ko syang makikita

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now