Ngayon ko lang din napansin ang katawan niya, kahit nakatalikod siya ay kita mo ang laki ng shoulder niya, nag ggym pala siya ulit hindi man lang nag aaya.
"Wala ba talagang pag asa yan sayo? Pogi, matalino, matangkad. Waley talaga?", Tanong ni Ashanti
Umiling ako at uminom ng tubig bago sumagot, "Wala talaga. Kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sakaniya.", Totoo ang sinabi ko sakaniya. Aware naman don si Matthew, pero hindi ko alam bakit parin siya nagkakagusto sakin.
Matalino ako oo pero hindi sa lahat ay matalino ako, at hindi naman ako sobrang ganda na para bang artista. Magaling akong mananayaw oo pero hindi parin naman sapat na dahilan yon para magustuhan niya ako at ng iba pa. Sabi nila maganda ako, pero hindi ko nakikita ang sarili ko sa sinasabi nila. Ni hindi ko nga alam kung totoo ang sinasabi nila dahil tuwing titignan ko ang sarili ko sa salamin.. ang tanging tingin ko lamang sa sarili ko ay walang pakinabang sa mundo at wala akong kwentang anak.
Nabalik lang ako sa reyalidad ng ipatong ni Matthew ang tray na may pagkain nya at inabot sakin ang sandwich at chuckie. Kaka chuckie ko lang kanina v_v
"Thank you", Nakangiti siyang tumango at naupo sa harap ko "Let's eat", Napalingon ako sa kanila ng sabay sabay silang tumingin sakin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay
"Hindi ba natin aantayin si Kiel?", Tanong ni Arianne
"Antayin mo kung gusto mo", Nakangiwi kong sabi bago binuksan ang baunan ko.
Process food. Sasabihan ko na nga ang maids namin na bawal ako sa process food. Magkaka sakit na naman ako nito
"Alam mo ba na ang talino nitong childhood bff mo?!", Natatawang tanong ni Arianne at tinuro "Alam mo itong si Kenzie? Naging magkalaban yan sa debate sa room namin! Parehong matalino at may point ang parehong sinasabi nila about kasi yon sa same sex marriage, yes to ssm si Rie at no to ssm naman si Kenzie HAHAHAHAHAHA ang satisfying panooding ng debate nila!", Nagtawanan silang lahat nanatili akong tahimik
"Matalino naman talaga yang si Ezhelya. Dapat ay sumali siya sa debate club!", Pasimple akong napapikit.
Kasali ako don. Hindi ko maiwasang mapaisip sa ginawa kong pagsali, I mean walang masama don pero baka maging kakampi ko pa sila Mendoza.
"Kasali siya sa debate club! Sila ni Kenzie at Kiel!", Bidang sabi ni Arianne, nakita kong sumulyap sakin si Matthew
"Talaga? Mabuti naman kung ganon, magaling at matalino siya pag dating sa debates", Sagot niya kay Arianne bago inalis ang tingin sakin. Mag sasalita na sana si Ashanti ng biglang may nagtilian kaya napatingin ang gawi namin sa pintuan ng canteen.
"Oh? Bakit magkasama parin sila?", Tanong ni Ashanti
"Hindi pa ba kayo tapos?", Tanong ko
"Hindi pa tapos kumain si Arianne, inuna pa ang pag kwento at pag tawa", Sagot ni Ashanti. "Hindi sila bagay", Napalingon ako sakaniya at nakita kong nakatingin siya sa gawi nila Mendoza at Cherry.
"Wala din naman nagsabi na bagay sila", Bored na sagot ni Kenzie kaya natawa ako ng bahagya
"Antayin mong may magsabi non, pag may nagsabi sabunutan mo agad", Natatawang sabi ko kay Ashanti kaya natawa si Kenzie.
"Do you like him?", Dahan dahan akong tumingin kay Matthew sa naging tanong niya. Masyado siyang straight to the point.
"No, bakit ko magugustuhan yan?", Takang tanong ko
"Are you jealous? You sounds like jealous kanina pababa tayo ng hagdan", Takang napalingon sila Kenzie sakaniya
"I'm not jealous, why would I? Wala akong gusto sakaniya, Matthew.", Diin kong sabi
YOU ARE READING
Ikaw at Ako, Palagi
Hayran KurguDate Started: June 21, 2024 Date Finished: ©2024 sunset_lunaaaaa