College.
College is truly draining.
Sa college ko natutunan na kailangan ki talagang i-manage ang oras ko. Sa lahat ng bagay dapat may oras na nakalaan. I have so many responsibilities that I am facing. Responsibilidad ko sabay, sa paaralan, sa Rondalla ko, at sa mga youth organization. Kasama na doon ang SK sa barangay namin dahil isa akong SK Kagawad.
I was really excited about going to college. Sino ba naman ang hind ma-e-excite diba? College ka na, ilang taon nalang kay magtatapos na, ga-graduate na. Pero hindi ko inaakalang ganito naman pala nakaka-drain ang college. Activities dito, activities doon. Performance task dito, performance doon. Groupings dito, groupings doon. Ambagan dito, ambagan doon.
Hindi lang sa utak nakaka-drain ang college kundi pati na rin sa gastusin! Napakaraming gastusin ang college life ko. First year college pa lang ako pero ganito na ang hinaharap ko.
Midterm examination week namin ngayon. Nagsimula na ang mga exams namin simula lunes. Wala akong pasok ngayon, araw ng miyerkules. Wala nga akong pasok pero parang kasalanan kung matutulog ako. Sino ba naman ang hindi makapag-iisip na parang kasalanan ang pagtulog? Mag-aaral pa ako sa mga major and minor sugjects ko! Napakadami ko pang dapat aralin!
Aba'y ewan!
First year pa lang ako, kami, pero kung makabigay sila ng mga activities o kung ano-ano na school works parang nasa third year college na kami! Hindi ko nga alam kung paano ko nakaya itong first half ng first semester. First semester pa ha? First pa lang pero bakbakan na agad kami sa mga school works.
Nagme-mekus-mekus na ang mga inaral ko. Hindi ko na alam kung ano pa na subject ang uunahin ko. Pero mas uunahin ko talaga ang major subjects ko. Syempre! Major yun! Hindi ako pwedeng mabagsak sa major! Maghiwalay na lahat ng mag jowa huwag lang akong mabagsak sa major exam ko.
Ang bilis ng araw! Tapos na ang exam week namin! Tapos na nga pero iyong score ko sa exam, makakatawag ka ng mga kung sino-sinong santos ang gusto mong tawagin.
Ang isa naming major instructor ay tinuruan kami sa pag compute ng grades namin. Dahil nga Teacher Education ang kinuha namin, dapat daw alam namin kung paano ang pagco-compute ng grades namin para wala kaming reklamo sa grades namin. Ayun na nga, nasa classroom kami ngayon, checking sa examination papers namin. Pagkatapos ng checking ay kami na daw magco-compute ng grades namin. Sakto lang ang score ko. Wow! Maka sakto si Celestia! Sakto nga lang, nakatungtong sa passing score! Amputa! Score ba yun? Pero okay na ako dun, atleast pasado! Nasa punto na talaga ako ng buhay ko na, atleast pasado nalang ang masasabi ko sa score ko sa exam namin.
Pinag-compute na kami ni ma'am ng grades namin. Naks! Naka 1.6 ang gaga! Tuwang-tuwa ako sa grades ko. Hindi ko inaakala na magkaka uno ako dahil ang baba lang ng score ko sa exam. Pero thank you Lord, 'di mo ako pinabayaan at ang score ng exam ko.
Masayang-masaya ako sa grades ko sa isang major ko kaninang umaga, ngayong gabie naman para aking binagsakan ng langit. Sinong hindi? Naka 1.6 ako kanina! Tapos ngayon, ano to? 2.4?! Malapit na sa cut off namin! Ewan ko nalang ba! Lord ikaw na bahala sa akin.
Ayan karma mo na yan! Ang saya-saya mo kanina, yan ang nakukuha mo pagkatapos mong magsaya! Panenermon ko sa sarili ko yan.
"Uy!", tawag ko kay Louise. "Ba't parang naiiyak ka na naman?", tanong ko sa kanya. Kanina pa itong umaga ganyan. Naiiyak siya dahil sa grades nya kanina, nakatungtong nag dos tapos ngayon another dos na naman.
"Dos na naman Tia.", hindi na ako nagsalita nang sabihin niya iyon.
Halos kaming lahat naman yata ngayong puro dos ang naibigay ni sir! Eto naman si Millecent sa gilid ko, naiiyak na din! Dos din ang kanya pero 2.2 lang kaysa naman sa akin na 2.4 eh no? Alin ba ang mas mababa? Naiiyak sila sa grades nila samantalang ako, wala, strong eh, ayaw kong umiyak dito sa room. Kung iiyak mn ako, ako lang mag-isa. Ayokong may makakita sa akin na umiiyak lalong-lalo kapag tungkol sa grades ko. Pinaka hate ko iyon. Mas gugustuhin ko pa na umiyak mag-isa kaysa may makakita sa akin. Sa bahay nga sa loob lang ako ng kwarto umiiyak kapag mabigat ang pakiramdam ko. Iyong iyak na walang tunog. Iyan palagi ang iyak ko. Sabi nga nila mas masakit iyong iyak na walang tunog, dahil nga daw sobrang nasasaktan ang isang tao kapag ganoon siya umiiyak. Nakasanayan ko na kasi ang pag-iyak ng ganoon. Hindi na bago sa akin iyon.
YOU ARE READING
Breaking Point
RandomJust something that is kept from anyone. Prefers to hide it all by herself than saying it to anyone