LEE's POV
Lumipas pa ang mga araw at lalo lamang sumama ang pakiramdam ko. Idagdag mo pa ang bunganga ni tita na walang tigil sa katatalak dahil palagi akong tulog lately. Bakit kaya may mga ganitong tao, yung parang sinasamaan ng pakilasa kapag alam na may natutulog pa ng katanghalian sa bahay, masakit ba sa mata? Tapos naman lagi trabahong bahay ko ah?
Kung matapang lang ako sumagot na ako dati pa pero wala eh, good luck naman kung palayasin ako, sa ugali ng babae na ito sigurado akong hindi ito mag-dadalawang isip pag nagkataon. Hindi bagay sa ganda kong ito na maging homeless mga teh.
Pinipilit ko pa din pumasok kahit parang pinipiga na sa sakit ang ulo ko kasi ayoko ng umabsent. Ang hirap maghabol ng lessons at pag may na-miss ka pa na quizzes may mga bwiset na prof na ayaw magbigay ng make up lalo pa at wala naman ako maipakitang medical certificate. Paano mag-papacheck up eh wala ngang ades ang mimasaur niyo. Good luck naman kung bibigyan ako ni tita makunat pa sa biko yun.
Pagkatapos ng klase, dating gawi tambay muna sa org room habang nag-aantay ng susunod na klase. Medyo busy ngayon ang mga people dahil may gagawin daw na charitable event ang APE. Lahat kaming members ay dapat tumulong pero kapag wala lang kaming klase, the org won't make you cut class just to help.
As a matter of fact, medyo strict ang org sa grades, bawal bumagsak o may parusa, diyos ko ano na naman kaya ang parusa na yan."Lee, sama ka sa akin mamaya sa mall, may bibilihin lang tayo na mga materials" anyaya sa akin ni kuya Aaron habang nagta-type sa laptop ng powerpoint presentation.
"Sige kuya, sabay naman tapos ng klase natin mamaya diba? kita na lang tayo sa parking lot, I know your usual spot naman eh." sagot ko naman sa kanya
5 pm ng matapos ang klase ko at dumeretso na ako sa parking lot. Wala pa si kuya Aaron kaya sumandal na lang ako sa sasakyan niya.
"Hi Lee" narinig kong may bumati kaya lumingon ako at nakita si Kent.
"Hello po kuya Kent" bati ko sa kanya at nakita ko kung paano nag-iba ang mukha niya
"Huwag mo naman akong i-kuya zone" naku, eto na nga baga ang sinasabi ko, mukhang may pagka kuya Aiden ang isa na ito.
"Ayoko na tawagin ka ng pangalan mo lang, mas matanda ka pa din sa akin kuya" medyo hindi ko gusto ang takbo ng usapan namin ngayon, buti pa si kuya Caleb mas magaan kausap, ito parang hinuhubaran ako sa tingin, it makes me cringe.
"Hindi naman kuya isinisigaw mo nung na-final ka eh, mas gusto ko yun" nakangisi niyang sabi sa akin and I just can't help but cringe.
"Kuya, diba part lang naman ng rules yun, kalimutan mo na yung gabi na yun please lang, kasi ako pilit ko ng ibinabaon sa limot" ma- awtoridad kong sabi sa kany
"Kaya mas nagugustuhan kita eh, feisty" at lalo pa niyang nilawakan ang pagkakangisi ang sarap saksakin ng ballpen sa nguso
"Hindi ko alam kung anong trip mo kuya, pero hindi na mauulit yung gabing yun. At pwede ba kung may natitipuhan ka ayusin mo naman yung paraan mo ng panliligaw" bakas sa mukha ko ang pandidiri sa ugaling ipinapakita niya. Kadiri lang, very fuck boy.
"Hindi naman kita liligawan Lee, ganda ka?, namiss ko lang ang mainit mong—" tinakpan ko na ang bunganga ng walang hiya dahil baka kung anong kademonyohan pa ang lumabas, buti na lang andiyan na si Kuya Aaron.
"Ui pasensiya na kayo, my prof just asked me to stay back a bit" habang papalapit siya sa amin at binuksan na ang kanyang kotse
BINABASA MO ANG
✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)
RomanceBullied all his life because of his feminine characteristics, Lee made the rash decision of joining a fraternity in hopes of acquiring brothers and friends that can protect him against his perpetrators. Pero gumuho ang kanyang mundo ng kanyang malam...