PANAY pose lamang si Katarina mula sa harapan ng photographer ng agency niya na kasama ni Havanah.
"Magdikit pa kayo ng kaunti, Kat!" sabi ng babae.
Ginawa naman niya ang sinasabi nito, ipinatong niya ang kaliwang kamay sa batok ng lalaking modelo na kasama niya.
Wala itong suot na pang-itaas at tanging bikini brief ang suot nito ng mga sandaling iyon. Katulad niya rin ay isang pair naman ng sexy bikini na may lace na pula ang kaniya.
"Oh my! Katarina why are you not possing well? I see you're not in the right mood." Pamumuna ni Havanah matapos nitong tignan ang mga kuha nilang dalawa sa DSLR Camera ng kapareha niya sa film nito.
"Sorry," iyon lang ang sinabi niya.
"Hey! it's okay baby, I'd rather we repeat the shoot with you so I always hug you like this," anas naman ni Hamir sa pabulong na paraan sa gilid niya. If someone gonna look at them with there position, they will think this guy kissing Katarina in neck.
Isang manipis na ngiti lamang ang ipinakita ni Katarina. Hinayaan na lamang niya ito, sanay na siya sa mga pinagsasabi nito at kilos pagdating sa kaniya. Sa halos tatlong taon na sila ang madalas na magka-partner sa mga ganoon na session ay nasanay na siya rito.
Kung hindi lang silang paboritong pag-partner'n ng management ay hindi niya ito pakikiharapan nang maayos.
Hamir Nasser Obaidi Kilalang hambog at certified playboy. Dahil sa may itsura naman talaga at halos perfect body ay maraming nagkakagulong kababaihan dito. Half Filipino at Arab. Mas nauna ito ng dalawang taon sa agency nila kaya may maipagmamalaki ito. May mga naging karelasyon na rin itong kapuwa niya model. Ang ilan ay nagkaroon ng casual sex rito.
Noong una ay okay pa sila, ngunit hindi nagtagal ang maayos na pakikisama niya sa binata. Dahil ipinagkakalat lang naman nito na nakuha na nito ang katawan niya.
Na hindi naman talaga totoo.
Isang tikhim ang pumukaw sa lahat, nang lingunin nila ang direksyon kung saan. Naroon lang naman si Luis na dumating na pala.
Hindi maintindihan ni Katarina nang masalubong niya ang mukha nito ay nakatutok sa direksyon niya ang tingin ng Asawa niya. Kaya pasimple niyang inilayo ang katawan mula sa pagkakadikit sa kapareha niya. Hindi naman siya sure kung tinitigan ba siya ni Luis, dahil may suot itong itim na shades. Pero ayaw lang niyang may masabi ito.
Umiwas siya ng tingin nang mag-umpisang maglakad ito palapit sa kinaroroonan nila. Kung ano man ang gagawin nito ay wala siyang ideya. Hindi naman siguro ito magseselos sa naaktuhan. Dahil mismong si Havanah ang kumausap na sa mansiyon nito gaganapin ang shoot nila.
"Hi Sir Mendrano, it's good that you came home early today. And you can watch our photo shooting. I'm gonna say thank you you gave us here to shoot our next project this year. Also, thanks again for not forbidding your wife Katarina to be part of the photo shoot." Pakikipag-usap naman ni Havanah sa asawa niya.
"That's all I want as his husband is that I can give him true happiness. If she is happy to work with you. It's okay with me. Just one condition, that my wife doesn't get tired," sabi ni Luis.
Gustong pagtaasan ng kilay ni Katarina ito, dahil sa narinig lang naman niya na sinabi nito.
Dahil imposibleng may pakialam ito sa nararamdaman niya. Ayaw raw siyang napapagod.
"Well don't worry Mr. Mendrano, I will not let Kat get exhausted. You can rest assure that she will enjoy it because I will be her partner in this photo shoot." Pagsabad naman ni Hamir.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...