CHAPTER 36
Sakit
Nang magsimula ang panibagong school year, grade nine na kami, mas dumalas ang pag-iyak ni Kat dahil kay Alceo at Agnes. Ang laging iniiyak ni Kat, kahit yung pinakamatagal na girlfriend ni Alceo'ng si Ara, hiniwalayan niya para kay Agnes.
Mas lalo lang ding na-stress hindi lang si Karim kundi kami nila Nori, Gavin, at Donovan sa kakapatahan sa kanya. Lahat na rin yata ng words of wisdom, naibigay ko na. Si Nori din, nakita ko kahapon, nagse-search ng heartbreak, letting go, and moving on quotes para kay Kat.
"This won't stop until she stops chasing Alceo." Bumuntong hininga si Karim at sumalampak sa upuan sa sala nila at humalukipkip.
"Dude, wala naman tayong magagawa kung ayaw pa ring tigilan ni Kat 'yon," Ani Gavin na naupo sa carpet.
Si Donovan, sinubukang habulin si Kat para makausap pero nakarinig din kami ng pagdabog ng pinto kanina. Ako, nandito kasama si Gavin para tulungang pakalmahin si Karim. Si Nori, sinundo na rin ng daddy niya kanina sa school kaya hindi nakasama sa amin kahit gusto pa niyang damayan si Kat.
"Then we have to stop her! Dahil lang sa lintik na lalaking 'yan, ilang taon nang umiiyak si Kat!"
Umiling ako, "Karim, sabi ko nga sa'yo, hindi natin siya mapipigilan kung ayaw niya. Siya lang din ang makakapagsabi kung titigil na siya o—"
"Are you siding with her? Kahit mali na?" Tiningnan ako ni Karim at nataasan na rin niya ng boses. "Phoebe, ako yung boyfriend mo kaya kailangan mo akong kampihan dito!"
"Bro..." Tumayo si Gavin at humawak sa kanyang balikat.
"Hindi ko kinakampihan si Kat—"
"Ganoon yung dating sa akin, eh!" Sigaw pa niya at umayos na ng upo.
"Huwag mo akong sigawan, Karim. Hindi ako ang kaaway mo rito," Mahinahon kong sabi at humalukipkip.
Tinanggal niya ang tali ng buhok at napasuklay bago marahas na bumuntong hininga. Pinatong niya ang mga siko sa tuhod at humilig paharap bago yumuko.
"Wala akong kinakampihan. I get both your sides. I get your side. Ayaw mong nakikita si Kat na nagkakaganyan kay Alceo. But Kat has her own feelings and decisions, Karim. Hindi mo siya madidiktahan dahil kahit anong sabihin mo, kung hindi iyon ang gusto niya, hindi niya gagawin. She's in love with him. Siya lang din ang makakapagsabi kung titigil na siya o magpapatuloy lang."
Inangat ni Karim ang tingin niya at bahagya pang namilog ang mata ko nang makita kong lumuluha na siya. "But she's hurt. I want to protect her. Ayaw kong nasasaktan siya. I feel like a useless brother!"
Umiling ako at naupo sa tabi niya. "Hindi, baby. Huwag mong sabihing wala kang kwentang kuya sa kanya. You are! I know you want to protect her pero sarili niyang nararamdaman 'yon, eh. You can't protect her own feelings from herself, that's the truth. Ang kaya mo lang gawin, maging nandyan ka para makinig sa kanya at i-comfort siya. Kapag nasasaktan siya, may takbuhan siya. Ikaw 'yon, bilang kuya niya. Mataas na yung emosyon niya, tapos sasabayan mo pa ng init ng ulo mo."
Pumikit siya at pinalis ang luha bago huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin din ang sarili. Nagmulat siya at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Hinawi ko yung buhok niya at nginitian siya nang maliit.
"Kailangan ni Kat yung kuya niyang yayakapin at pakikinggan siya kapag nasasaktan siya, hindi yung kuya na manenermon sa kanya."
"Yeah... you're right." Niyakap niya ang mga braso sa baywang ko. "I'm sorry for shouting at you. Hindi ko sinasadya 'yon. I love you, I'm sorry."
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
Storie d'amoreWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...