Umupo ako sa sofa at pumikit. I'm so tired. Gusto ko sanang matulog pero mamaya may klase pa ako at may photoshoot pa kami.
Dumilat ako nang maramdaman ko ang presensya ni Manang. Kinuha ko ang coffee na dala niya.
"Salamat po," sabi ko at uminom ng kape. I have to stay awake.
"Kailan uuwi ang asawa mo?" tanong bigla ni Manang.
Binaba ko ang kape na hawak ko.
"Maybe next week, Manang, kasi hindi pa sila tapos sa filming," sagot ko. Pero honestly, hindi rin ako sure kung uuwi siya next week.
Hindi naman siya tumatawag sa akin—never niya 'yong ginagawa. Parang wala kaming pakialam sa isa't isa.
Kapag nandito naman siya, ako naman ang wala. Sa isang buwan, siguro dalawang beses lang nagtutugma ang mga schedule namin.
It's been 8 years since we got married. I was only 15 when we got married because I had to save our company.
Naging official lang ang kasal namin noong 18 na ako. Alam ko naman na kasal lang kami dahil sa mga magulang namin. They don’t expect us to have kids kasi hindi naman nila nakikita na nagmamahalan kami.
Trabaho at pag-aaral lang ang ginagawa ko, kaya madalas na ako lang ang nandito sa bahay kasama si Manang.
Tatlong taon akong tumigil sa pag-aaral para tuparin ang pangarap kong maging isang model. I made it, isa na rin ako sa pinakasikat na model dito sa Pilipinas.
Sebastian is a famous actor, hindi lang dito sa Pilipinas. We keep our marriage a secret dahil na rin sa fans at love team na meron siya. Baka dahil sa kasal na 'to, masira ko ang career niya.
Narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Napabuntong-hininga ako nang makitang si Dad ang tumatawag.
My dad became a politician after I got married, and my mom is now handling our company.
Sinagot ko ang tawag at inilagay ang phone sa tenga ko. Ayaw ko talagang sagutin, pero wala akong magawa.
"Hello, Dad!"
"Do you have time, baby?" kalmang tanong ni Dad.
May gusto na naman siyang ipagawa sa akin. I already know what it is.
"I have," sagot ko. Kahit sabihin kong wala, kaya niyang i-cancel ang photoshoot ko para lang makadalo ako.
"May interview ako mamaya. I want you to be there!"
"I will go." Pinatay ko na ang tawag at nilapag ang cellphone ko.
Sanay na rin si Dad sa pagiging rude ko minsan. I only do this with them. Ginagamit niya ako para mas lalo niyang makuha ang mga tao.
Nagpaalam na rin ako kay Manang na papasok na ako sa school. Sumakay ako sa kotse kasama si Manong. Gusto ko rin matutong mag-drive, pero they’re stopping me kasi muntik na akong maaksidente noong nag-aaral ako kung paano mag-drive.
Sa Ateneo de Manila ako nag-aaral. Maraming sikat dito, so sanay na rin ang mga tao na makakita ng mga kilalang personalidad.
Third year college na rin ako. Napangiti ako nang makita ko si Mia.
"Mia!" tawag ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin, hinihintay ako.
Paglapit ko, kinuha ko ang ilan sa mga dala niyang libro. Siya lang ang nakakaalam na kasal na ako, kasi kahit ang manager ko ay walang alam, kaya minsan kahit sino na lang ang pinapartner niyang sikat na modelo sa akin.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
RomanceEva and Sebastian married at a young age to save Eva's family company from falling. They chose to keep their marriage a secret because Sebastian is a famous actor and Eva is a model and student. Despite their commitment, their busy careers leave the...