Kaiane's POV
'Subject:
Job Application Update
Dear Ms. Estillore,
Thank you for your interest in the position at our company. After careful consideration, we regret to inform you that we will not be moving forward with your application.'
Hindi ko na tinapos basahin at sinara ang laptop ko. Nakakainis lang kasi pang-ilan ko nang rejection 'to! Ni-hindi nga ako nareject ng mga crush ko noon. Ay joke, hindi pala ako naamin. But that's not the point!
Binagsak ko ang sarili ko sa kama at tinakpan ang aking mata gamit ang braso, nag-iisip kung saan pwede pang maghanap ng trabaho. Ito na ata ang trabaho ko, e. Sweldo nalang kulang.
"Kaia! Kakain na!" rinig kong sigaw ng lola ko mula sa labas. Hindi ako umimik. Para kasing nawalan ako ng gana pagkatapos basahin ang email. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. "Apo?"
I sighed and gave her a sad smile. "Busog pa po ako, 'la."
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling. Kilala kita," lumapit siya sa akin at hinaplos ang braso ko. "Wala kang gana, ano? Kasi? Hindi ka nanaman natanggap sa trabaho?"
I nodded. She continued, "Okay lang yan, anak. Marami pang trabaho riyan. Alam kong makakahanap ka. Sipag-sipag ng apo ko na 'yan, e? Halika na at ikain nalang natin 'yan."
Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos agad ako para matulog. Nakahiga, hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kisame. Pinikit ko ang mata ko pero walang antok ang dumarating. Napatingin ako sa laptop at napagdesisyunang buksan ito. Maghahanap nalang ako hanggang daanan ng antok.
Ilang minuto na akong bumibisita sa mga website, lahat na binigyan ko ng job application letter. Kahit pa ang iba ay isa sa kahinaan kong gawin.
While scrolling down, I came accross this weird website. Creature Campus? Wala gaanong description ang nakalagay kaya pinindot ito ng curiousity ko. Binasa ko ang mga texts na nakalagay du'n na tungkol sa campus.
Eventully, it is a school for creatures? Nag-scroll pa ako pababa at kumunot ang noo ko nang makita ang iba't ibang uri nito. Mermaids? Werewolves? Huh? Ano 'to, fauries? Vampires? Even witches?
Umiling ako. Hindi naman totoo ang mga ganoong nilalang. They are just fantasy, used in books or stories. May bored IT student siguro na gumawa ng website. In fairness, ha, ang galing nila gumawa kasi parang totoo nga.
Umabot na ako sa pinakahuling banda ng website. There was a button that says "Enroll Now". Natawa naman ako kasi para nga talagang totoong paaralan ito. Wala namang mawawala kung pipindutin ko ito. Nabasa ko kasi na libre ang tuition, kasi nga, pekeng paaralan lang.
Pagkapindot, tila nawalan ako ng hininga sa lumabas sa aking screen.
'Thank you for enrolling, Ms. Kaiane Dee Estillore. You are now officially enrolled in Creature Campus. For further information, a letter will be sent to your house any minute now.'
BINABASA MO ANG
Creature Campus
FantasiCreature Campus was founded many years ago to educate and train outcasts, monsters, and creatures. There are many flavors of creatures here, but the five main cliques are mermaids, werewolves, fairies, vampires, and witches. On the other hand, Kaian...