01 | poster contest

6 0 0
                                    



Napatingin ako sa labas ng classroom na nagmamadali at napatingin sa orasan sa ibabaw ng blackboard.

'3:30' Malapit na lang yung oras pero parang hindi parin nagsisimula ang contest. Kinakabahan ako, baka makakaepekto to mamaya sa allouted time namin para magdrawing.

"Nandito ba si Apple ng Grade 10 Saint Joseph?" May lalaking nagtanong, nakasandal sa pintuan ng classroom namin.

Pumalapit ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya familiar sakin, siguro nasa lower grade pa to.

May iniabot siyang papel at ballpen. "Mag-s-start na yung contest, paki pirma nalang."

Pumirma ako at inaabot sa kanya ang papel. "Sunod ka lang." Saad niya habang hawak-hawak ang digital camera na nakasabit sa leeg niya.

'Ah, school's photographer.' Kinuha ko na yung mga art materials ko, pati narin ang one fourth illustration board na gagamitin.

Nauna na siya maglakad papunta sa covered court at sumunod na ako sa kanya.

Pagkarating namin humanap agad ako ng vacant seat para makapag-organize na ng mga oil pastel, color pencil, at illustration board.

Maya't-maya ay nag-announce na ang subject teacher ng math club na pwede nang masimula sa drawing namin.

Nagsketch agad ako para madali akong makatapos at makauwi. Pagkatapos ay nag-outline na ako gamit ang pentel pen.

"Ate tingin ka dito." Napatanga ako at ang lalaki na naman na sumundo sa classroom ang tumawag sakin.

'For real? Ate talaga?'

Nakatapat sa akin ang camera niya at ngumiti ako ng sandali bago bunalik ulit sa drawing ko.

Hindi parin siya umaalis sa harapan ko at kumukuha parin ng mga litrato ko.

'Ba't di pa siya umaalis? Naninigas ako pagpinanunuod mag-drawing.'

Napabuntong-hininga ako at nag-focus nalang sa pag-o-outline ng poster ko.

Lumapit siya sakin hanggang sa magkatabi na kami at kumuha ng litrato sa drawing ko.

"Galing." Papuri niya bago siya umalis at kinuhanan ng litrato ang iba.

'Thanks...'

Tapos na'ko sa pag-outline at magkukulay na ako, maigi 'kong kinulayan ang poster ko at sinigurado na blending ang oil pastel.

Habang nagkukulay nararamdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa gilid.

Ang lalaking kumuha ng litrato ko kanina agad na napaliko ang tingin ng humarap din ako sa kanya.

Napangiti ako sa ginawa niya, pero mas uunahin ko 'tong poster ko kesa sa makilig muna.

'Sana one year younger lang siya sakin, baka kung grade seven payan mandidiri ako...'

At sa wakas, natapos na ang drawing ko at nag-f-finishing nalang ako.

"Tapos ka na?" May biglang nagtanong sa tabi ko. Siya na naman habang tinitingan ang poster ko.

"Oo..." Awkward 'kong sagot sa kanya.

"Ipataub mo lang at lagay mo yung number mo sa likod, pwede ka na agad umuwi." Inabot niya sa akin ang contestant number ko at inilagay ko agad sa likod ng illustration board.

Iniligpit ko na ang mga materials ko at tumayo sa kinauupuan ko.

"Apple ang pangalan mo diba?" Biglang tanong niya sakin.

"Oo, bakit?"

"Wala lang..." Saad niya ng nakangiti at umalis na para bumalik at magkuha ulit ng mga litrato.

Kinuha ko na ang bag ko sa classroom at agad ng umuwi dahil wala na yung mga classmates ko.

Habang naglalakad napaisip ako sa lalaki na kumukuha ng litrato kanina.

'Hindi ko man lang natanong pangalan niya...'


≽^•⩊•^≼








Apple of My EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon