Chapter 1

1K 11 1
                                    

NANLALAMLAMLAM ang mga mata na ibinaba ni Regina ang binabasang makapal na nobela para ibigay ang buong atensyon sa best friend niyang si Britney. Saglit niyang pinanood ang aburido nitong pagpapabalik-balik sa harapan niya bago hinubad ang suot na reading glasses at ipinatong sa mesa kasama ng libro.

‚Britney, relax, okay? Mas naliliyo ako sa kaiikot mo riyan kaysa dito sa binabasa ko.‛ Pumadyak ito. ‚Bakit wala pa sila?‛

‚Darating din ang mga 'yon. Hindi naman ganoon kadaling tawirin ang dagat patungo rito sa Isla Caliente. Ano, palalanguyin mo yung mga pobre?‛

Nakagat ni Britney ang ibabang labi. Maganda ang kaibigan niya sa suot nitong printed summer dress na nagpapakita sa slim nitong pangangatawan.

‚Maybe this isn't such a good idea. Baka nagbago na siya ng isip at bumalik na lang ng America.‛

Natawa siya. ‚Puwede ba namang mag-u-turn ang eroplano?‛ Tumawag na kasi si Carlo at sinabing nasa airport na ito kasama ang isang kaibigan, pasakay na sa eroplanong magdadala sa mga ito sa Hong Kong. May business transaction pa raw kasing daraanan doon ang companion nitong isang successful businessman. Mula sa Hong Kong, sasakay naman ang mga ito sa eroplano patungong Pilipinas.

‚Darating ang mga 'yon, okay? Tigilan mo na ang pag-aalala.‛

Pero nagsimula pa ring malukot ang mukha ni Britney kasabay ng papataas na tono ng sinimulan nitong pag-iyak.

Napailing si Regina. Tumayo siya at lumapit para marahan itong hilahin paupo sa isa sa mga silya sa verandah ng kanilang pinagsasaluhang rest house. ‚'Ayan, kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Masisira na 'yang make-up mong isang oras mong pinaghirapang i-apply.‛

Suminghut-singhot si Britney. ‚When I finally see him, boboldyakin ko ang Carlo na 'yon!‛

Natawa siya. ‚Akala ko ba, you really really like him?‛ tanong niya, ginagaya ang ginamit nitong tono noong isang buwan na una niyang narinig mula rito ang tungkol kay Carlo.

Nagsimula na namang pumalahaw si Britney kaya tuloy napangiwi na siya. ‚Hoy, Britney, tama na 'yan, puwede ba? Alalahanin mong manggagaling pa sa America ang inaatungalan mo. Maawa ka naman do'n sa tao. Baka naman na-traffic sa Manila. O kaya, e, naligaw on the way? Marunong bang mag-Tagalog ang mga 'yon?‛

Napakurap-kurap ito at sandaling natigilan. ‚Si Carlo, medyo nakapagsasalita pero he's safer talking English than Tagalog, believe me!‛

Bahagya pa itong nangatal na parang nangingilabot. ‚Ang alam ko, mas matatas sa Tagalog iyong kaibigan niya. Pero marami naman silang makakausap on the way na marunong mag-Ingles, 'di ba?‛

‚O, di maghintay pa tayo. Hindi pa naman natatapos ang maghapon.‛

Mukhang nakapag-isip, bahagyang tumango si Britney. Nang muling bumalik ang mga mata nito sa dagat, hindi maiwasang matitigan niya ang kaibigan.

‚Alam mo, I haven't seen you so agitated about a guy. Sa kahit sinong guy, come to think of it?‛ Natapos iyong patanong dahil namimingwit talaga siya ng impormasyon.

Mas lumuwang ang ngiti ni Britney nang sumulyap itong muli sa kanya. ‚You think so? I don't know. Ngayon lang ako ninerbiyos nang ganito sa isang guy, I mean, except Peter. But he was my first love, as in 'was', so that doesn't count. Am I blabbering?‛

Tumango siyang natatawa bago nailing. Kung tutuusin naman kasi, it's about time na makahanap na ng tunay na iibigin ang kaibigan niya. Sa totoo lang, naliliyo na siya sa mga boyfriends nito. ‚Then be lucky this time. If he turns out right, sana ako ang maging maid-of-honor n'yo.‛

‚Anong sana? Ikaw na nga,‛ sagot nito na natatawa na rin, bago bumaling na muli sa direksyon ng Batangas City sa karagatan.

Kapagdaka'y nawala ang ngiti nito at napalitan ng konsentrasyon, na parang matiim nitong inuutusan ang dagat na ilitaw na ang upahang bangka sakay ang mga hinihintay.

Paano Susuklian Ang Pag-ibig? - Noelle ArroyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon