" Hey,why are you here? Come inside. You're alone out here." sambit nito at agad hinila ang kamay ko papasok sana sa loob ngunit agad ko ring binawi iyon.
"N-No sir,okay lang po ako rito,antayin ko nalang po kayong matapos," seryoso kong sabi at saka ako naupo ulit.
" Ahh..Sorry to tell you pero dito tayo magpapalipas ng gabi,parating palang kasi si kevin eh! sabi naman nito.
" Pero sir----dont worry your safe,wala akong gagawing masama trust me,sumunod kana sa loob,sabi lang uli niya at saka na ito nagtungo pabalik sa loob.
Nakatulala lang ako sa labas ng biglang nag ring ang cellphone ko at si jepoy na nga ang tumatawag saakin.
" Hello jepoy,agad kong sabi rito.
" Nasaan kana? hindi paba kayo uuwi? gabi na kanina pa kita hinihintay," may pag aalalang boses nito.
" Sorry mauna kana,sabi ni sir dito raw kami magpapalipas ng gabi eh,sobrang importante kasi ata ng ka meeting niya ngayon,mag iingat ka nalang pag uwi mo," malungkot kong sabi at saka ko na pinutol ang linya.
Papasok na nga sana ako sa loob ng hindi ko sinasadyang mabangga ko ang isang lalaki.
" Ay sorry sir,hindi ko po napansin,sorry...sorry," agad kong sabi sa binata at ng tignan ko ito ay nanlaki nga ang mga mata ko at nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko lalo na nung tanggalin ng binata ang shades nito,kita-kita ko nga ang gwapo at matangos na ilong nito at mas lalo nga akong nainlove sa red lips nito.
" Hey... Did you hear me? i said its okay," ani nito.
" Ahh,sorry po talaga,sambit ko ulit at nginitian lang din ako ng binata at saka na ito humakbang papasok sa loob,nakakamangha nga at tila napaka importante niyang bisita rito may kasama pa talaga siyang mga guwardiya.
Inayos ko nga lang ang sarili ko at saka ako pumasok patungo sa kinaroroonan nina sir calix,habang palapit ako napansin ko na kaagad ang lalaking nakabangga ko kanina at nakatingin lang din siya saakin habang nakangiti ito.
" Hmmm..Who is she? biglang tanong ng binata.
" Ahhh,she's xyreal my staff," mabilis namang sagot ni sir calix.
" Really? Masyado naman ata siyang maganda upang maging utusan mo rito bro," sambit naman ng isa.
Bro? it means magkapatid sila? hindi naman siguro malamang close friends sila halata nang kilalang kilala na nila ang isa't-isa eh.
" Kevin,Calix sumunod kayo saakin," biglang sambit ng matandang babae,agad namang sumunod ang dalawa at naiwan nga lang ako sa table kasama ang mha bisita nilang babae.
" Hey sissy,Boss mo ba si calix? ani ng babae saakin.
" Ah opo,Teka sino po ba yung isang lalaki? kapatid po ba ni sir calix iyon? agad ko namang tanong sa babae.
" Huh! hindi mo ba kilala si kevin? matalik siyang kaibigan ni calix ano kaba...Magkababata sila,nag aral lang sa ibang bansa si kevin actually sa kanila ang malaking building na ito," nakangiti namang sagot nito.
Kaya pala sobrang close nila mag Bestfriend pala ang dalawang iyon.Kaya pala hindi maka alis alis ang boss ko dahil talagang inaantay niya ang pagdating ng bff nito,napaka sweet naman talaga.
Naisipan ko ngang lumabas ulit dahil naboboring naman ako sa loob may sarili rin kasing mundo ang mga kasama ko at syempre hindi ko naman sila ka level eh,Mukhang VIP ang mga tao rito at ako lang ata ang nag iisang utusan tsssk." Hi,Ayaw mo ba sa loob? malamig rito sa labas," nagulat nga ako sa tinig ng lalaki mula sa likuran ko.
" Ah..ikaw pala sir,Medyo giniginaw nga ako eh,kaso naboboring naman po ako sa loob kaya lumabas nalang ulit ako," nahihiyang sagot ko.
" Ganun ba? samahan na muna kita,if okay lang sayo,"
" Naku sir hindi na po,kailangan ka po nila sa loob,dami niyo kayang bisita," nahihiya kong tugon sa binata.
" No its okay...By the way kay calix ka nagtatrabaho?
" Opo...baguhan nga lang po ako doon eh,lumuwas lang ako rito sa Maynila para makaipon,taga probinsya po kasi ako."sambit ko at natawa nga lang ang binata sa akin.
" Ang daldal mo pala," natatawang biro pa nito.
" Ahh,naku hindi maiwasan ng bibig ko sir eh pasensya na," nahihiyang sagot sabay takip sa bibig ko.
" Okay lang,ang sarap nga kausap ang mga ganyan eh,hindi kayo mauubusan ng topic,"
Napakurap nalang ako sa hiya dahil sa sobrang kadaldalan ko,habang nagkwekwentuhan nga kami ay nakwento niya rin saakin ang pagkakaibigan nila ni sir calix hanggang sa bigla ngang may magtawag saamin at si sir calix pala iyon na nakatayo na pala sa likuran namin.
" I've been looking for you for a while, you were just here. Kevin, Your dad has been looking for you." seryoso lang na sambit ng binata.
" Sige maiwan ko na kayo,thanks sa time," sabi lang ni sir kevin at umalis na ito.
Kinakabahan nga ako dahil bigla na lamang sumeryoso si sir calix at mukhang papagalitan ako nito.
" Sorry sir umalis po ako doon,nahihilo po kasi ako kaya lumabas nalang po ako,"
" Sana nagpaalam ka,kanina pa kita hinahanap,kasama mo lang pala si kevin at parang close naman kayo kaagad huh," sabi nito na halatang may galit sa mga boses niya.
" Hindi naman po,nakita niya lang ako rito sa labas at kinausap niya lang ho ako,"
" Sige na ihatid na kita sa room mo," sambit lang nito at agad ng naglakad sinundan ko naman siya kaagad hanggang sa makarating kami sa mga guest house at binuksan nga niya ang isang room at agad niya akong pinapasok sa loob.
" Magpahinga kana,Doon muna ako sa labas,matulog kana its getting late," ani lang nito.
"Sige po sir," sambit ko lang at isinara ko na rin ang pinto,naupo nga lang ako sa kama at bigla na lamang pumasok sa isip ko ang reaction niya kanina,ano ba hindi naman yun magseselos boss ko kaya siya at isa lang akong hamak na trabahador niya bakit naman siya magseselos kay sir kevin.
Nakaramdam na nga ako ng antok at gusto ng pumikit ng mga mata ko. Nahihilo nga ako at hindi na rin kaya ng mata ko,hindi naman kasi ako sanay sa puyatan na ganito,mabilis nga akong nagtungo sa cr at saka ako naligo,nakalimutan ko ngang wala pala akong dalang damit, dahil nasa kotse naman ang binili ni sir calix na damit ko ay yung bathrobe nalang muna ang isinuot ko,basa pa nga ang buhok ko ngunit nahiga na lang ako sa malambot na kama at hindi ko na ring namalayan na agad pala akong nakatulog dahil narin sa sobrang antok.
YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
RomanceAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...