Keifer
Lumilipad ang isip ko hanggang sa maabot ko ang tindahan ni aling Cheba. Masaya siya nang makita ako dahil ngayon na lang ulit nagtagpo ang landas namin matapos ang ilang buwan.
"Kamusta ka na, hijo? Mas lalo kang naging gwapo, ah!" bati niya sa akin.
Pinilit kong ngumiti kahit na mabigat ang dalawang sulok ng aking labi dahil sa nangyari sa aming dalawa ni kuya Damian.
"Ayos lang naman po," sabi ko na lang.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa tatay mo. Sana lang ay makarecover na siya agad. Buti na lang at nakauwi na rin ang nanay mo. Ikaw ang laging bukambibig ni Annalisa, e. Hindi ka talaga matitiis ng nanay mo," sambit niya na sinuklian ko lang ng isang simpleng ngiti. Hindi ko alam pero wala akong gana na magsalita ngayon. Mabigat ang dibdib ko sa lungkot na nararamdaman.
"Ano nga ang iyo, hijo. Pasensiya ka na at nachika pa kita. Na-miss ko lang ang mabait na anak ng kumare kong si Annalisa."
"Okay lang po. Namiss ko rin pong makipag-usap sa inyo, ate. Sana lang po talaga ay maging maayos na si tatay." Huminto ako saglit at saka hinanap sa mga nakasabit niyang sachet ng mga juice. Itinuro ko ang pakay sa kaniya. "Isang sachet po ng iced tea at saka isang yelo pong tigti-tres. Salamat po," dagdag ko pa.
Kinuha niya ang mga sinabi ko't sinilid sa isang plastik. Iniabot niya ito sa akin at saka ko ibinigay ang bayad. Nagpasalamat akong muli at saka nagpaalam na sa kaniya. Aalis na sana ako nang tawagin ulit ni ate Cheba ang pangalan ko.
"Bakit po?" tanong ko nang makaharap ako pabalik sa kaniya.
"Ano ulit ang pangalan ng lalaki na kasama ng mama mo kanina? Iyong sekyu sa katabi nating subdibisiyon?"
Kumunot naman ang noo ko dahil isang lalaki lang naman ang pumasok sa isip ko mula sa mga sinabi niya.
"Damian po. Bakit po, ate Cheba?" tanong ko na lang.
"Nakita ko kasi siya rito kanina. Mga alas dose. Hindi ko sinasadiyang marinig iyong usapan nila noong lalaking naka-kotse. Narinig ko kasi ang pangalan mo kaya sa tingin ko ay kailan kong sabihin sa 'yo 'to."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matindang kaba lalo na't alam kong si kuya Damian ang tinutukoy niya at kung hindi ako nagkakamali ay iyong nakita ni lola na kapitbahay namin ang sinasabi niyang may-ari ng kotse.
"A-ano pong narinig niyo?" tanong ko at hindi ko na mapigilan pa ang boses ko sa panginginig. Nauutal pa nga ako sa kaba na umusbong sa puso ko.
Am i ready for this?
"May sinabi iyong nakasakay sa kotse na lalaki, iyong mahaba ang buhok, malaki ang katawan, ubod ng puti at kinis, sa pagkakatanda ko ang sabi niya ay 'bakit kailangan pa raw sayangin ang panahon ni Damian sa iyo, Keifer. Iyon lang naman ang narinig ko kasi pumasok na si poging sekyu doon sa kotse noong lalaking long hair."
Biglang lumagapak ang natitirang saya sa sistema ko. Nasimot lahat at napalitan ng labis na lungkot. Hindi ko na nagawa pang bumuo ng sagot kay ate Cheba dahil sa mga halo-halong ideya na nagsulputan sa magkabilang panig ng aking isipan. Dumoble ang bigat sa aking dibdib na tila ba ang ibang timbang nito ay napunta sa aking mga paa. Bawat hakbang ay para bang parusa sa akin hanggang sa mas pinili ko na lang ang huminto na lang muna pansamantala.
Pansamantala kong inilibot nang tingin ang buong paligid. Ilang bahay na lang ang layo ko sa bahay namin at nandoon sa loob noon naghihintay sa akin si kuya Damian, ang tao na alam kong isinisigaw ng puso ko. Kung kailan naman ako hulog na hulog sa kaniya ng ganito ay saka pa nangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Tangina lang talaga!
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
General FictionCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...