CHAPTER 6

177 12 0
                                    

LEE's POV

Sa dinami-dami na ng dinanas kong problema sa buhay ko halos nasanay na ako na parang normal na lang sa araw-araw na ginawa ng Diyos ang kamalasan, kakambal ko ata.

To the point na everytime papasok ako sa school noon, inaabangan ko na lang anong oras ako pag didiskitahan ng mga walang hiya kong kaklase kasi sure yun walang mintis every day, time slot lang ang nag-iiba.

Na ultimong yung dinanas ko nung final na parang nagahasa ako mabilis ko lang din na-absorb. Wala eh, sanay na, gahasa? sus basic. Kung sa sarili ko ngang tirahan ilang beses na ako muntik mamatay, ano pa i-eexpect ko sa ibang lugar at ibang tao. Kung yung lugar at mga tao na dapat aasahan ko eh sila pang dahilan minsan ng kapahamakan ko, bakit ako aasa sa iba.

Pero itong malaman kong buntis ako, iba. Alam ko namang isa akong diyosa pero sino ba naman ang magaakalang may matris pala ako. Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako ng takot. Kung ako lang kasi parang wala na akong pakialam pero ngayon, may bata ng nabubuhay sa sinapupunan ko. Hindi na pwede na balewalain ang mga bagay, may kailangan na akong protektahan.

Sa kalagayan ng buhay ko ngayon, ni wala akong maipapakain sa bata na ito. May mga pangarap din naman ako pero mukhang wala talaga eh, hindi na matutupad. Sooner or later kakailanganin ko na din tumigil sa pag-aaral, might as well mag simula na ako maghanap ng trabaho para buhayin ang batang ito.

Hahanapin ko ba ang ama niya? At kung sakali man na matagpuan ko, pananagutan ba ako? Natatakot ako na baka dahil mga bata pa kami at hindi pa nakaka-graduate eh pwersahin ako na mag-palaglag. Ayoko, hindi ko kayang patayin ang sarili kong dugo at laman.

Maswerte ako at may kuya Aaron na handang tumulong sa akin. Ayoko naman pagsamantalahan ang kabutihan niya, pero wala eh, siya lang ang meron ako. Kaya sa paraang alam ko at kaya ko, iingatan ko ang pagkakaibigan namin ni kuya Aaron.

"oh eto mga vitamins, lagi mong iinumin yan ah, bawal makalimutan para healthy lalo si baby" bilin ni kuya Aaron bago ako bumaba ng sasakyan niya

"Kuya, sobrang thank you, hindi ko alam ang gagawain ko kung wala ka" maiyak-iyak akong nagpasalamat sa kanya dahil sobrang touched ako sa kabaitan niya sa akin

"Basta pag may kailangan ka huwag kang mahihiya sa akin ah" dagdag niya pa "Yung mga check ups mo, ako na bahala lahat doon, huwag mo na isipin" sa totoo lang hiyang-hiya na ako sa taong ito, katawan ko ba kuya pwede pambayad? Char. Naiiyak ako sa labas pero yung utak ko may laman pa rin na kalokohan.

"Kuya, pag may alam ka, baka pwede mo ako tulungan humanap ng trabaho." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Lee, nag-aaral ka, buntis ka pa, papatayin mo ba sarili mo?" tumaas ang boses niya dahil sa sinabi ko pero ano ba magagawa ko, may choice pa ba?

"Kuya baka tumigil na din ako sa pag-aaral" mas lalong kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.

"Lee, sige nga, pag tumigil ka ng pag-aaral ano makukuha mo na trabaho? Paano ang future niyo ng anak mo? Isipin mo lahat yun Lee, ang mga pangarap mo iiwan mo na lang ba? Lee, hindi sagabal ang pagbubuntis sa pangarap." Totoo naman lahat ng sinasabi ni kuya pero sana ganun lamang kadali.

"Lee, sabi ko sayo diba, ako ang bahala sa inyo ng anak mo. Papasok ka, magtatapos ka, pag may kailangan kayo ng anak mo ako bahala doon. Pera lang yan, madami ako nan." Wow edi sana all madaming pera. Hindi naman porke mayaman siya eh dapat samantalahin ko na, itong si kuya hindi rin makahalata na hiyang-hiya na ako sa kanya eh.

"Kuya, sobrang dami mo ng naitulong sa akin. Nakakahiya na, hindi ko kayang bayaran yan." dineretso ko na siya ng sabi kasi parang hindi talaga ako mababasa ng isang to. Gwapo pero medyo hindi mabilis makaramdam.

✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon