Chapter 19

1 1 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 19
╚════════════. .✯ . ╝

Nandito naman kami sa training ground at bagong training ang gagawin nila. Ilang linggo narin ang lumipas at nagamay na nila ang pag pana

"Sir ano naman po ang gagawin namin? " Tanong naman ni Zadkiel kay Rosh

"Hindi parin mawawala ang pag gamit ng kabayo ngayon pero hindi pana ang dadalhin niyo. Kung 'di ay kalasag at ang mga espada niyo"

Tinuro naman ni Rosh ang mga kalasag na nasa gilid at ipinamigay na yun ng mga kawal sa kanila. Mabigat iyon at iyon ang mga ginagamit sa mga laban

"Sir bakit po may dugo pa sakin? " Sabi naman ni Prince at pinakita ang kalasag niya. May dugo nga sa kanya at parang sariwa pa

"Mukhang kakagamit lang yan dahil sariwa pa ang dugo" Sabi naman ni Jec at sinuri ang dugo dahil katabi niya lamang si Prince

Hinawakan naman ni Riel ang dugo at inamoy iyon "Galing ang dugo sa hayop" Tumango tango naman si Rosh

"Yan ata ang ginamit ko kanina para mangaso diko ata napansin na may dugo. Punasan niyo nalang muna" Sinamaan naman naman siya ng tingin ni France

"Sorry, hobbies ko lang ang mangaso" Tumikhim naman siya at nag seryoso na. Sinabi niya din ang patakaran at kung ano ang gagawin nila

"Merong direksyon kung saan kayo kakaliwa at kakanan. Kailangan niyo din patalunin ang mga kabayo niyo habang hawak hawak ang mga sandata niyo. Maliwanag? Ang puntos niyo ay naka depende sa kung ilang minuto kayo natapos"

Pinuwesto naman na sila kung saan mag sisimula at kailangan na isa isa lang. Dahil kung sabay sabay ay magkaka gulo pa

Pumunta naman si Rosh sa unahan at may dala dalang kalasag at espada niya. Ipapakita niya kung ano ang dapat gawin nila

"Makinig kayo at matuto" Paalala ko sa kanila at sinenyasan na si Rosh na tumakbo na

"Hyaa!" Umangat naman ang kabayo niya at mabilis na tumakbo. Hindi nahirapan si Rosh dahil sanay naman na siya dahil mas mahirap pa ang training ng head Knight kesa sa kanila

Walang kahirap hirap niyang kinontrol ang kabayo niya at mabilis siyang kumaliwa at kumanan. Pina talon niya din ang kabayo niya at mabilis na pumunta sa finish line

"2 minuto at 10 segundo" Sabi ko at tinignan ang oras na nasa kamay ko

"Kung kayo ang pinaka una sa mabilis makakakuha kayo ng pinakamataas na puntos. At 15 iyon dahil 15 lang naman kayo" Paalala ko pa sa kanila

"Ang galing ni sir pero siguradong mataas ang makukuha ko" Tinignan naman Riel si Tristan kaya sinamaan siya nito ng tingin

"At siguradong ako ang mas mataas sayo" Lumayo naman siya at mabuti iyon dahil baka mag away nanaman sila. At mas tatagal pa ito kung sakali

Nauna naman si Tristan at kita kong nahirapan siya dahil mukhang hindi siya sanay. Hindi sila sanay mag buhat ng mabibigat habang nag kakabayo, pano nila ibabalanse ang katawan nila niyan?

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon