A/N: Unedited
-
Nang makumpleto kami doon ay nagsalita muna ang host sa tabi ko bago kami senyasan na it's our turn na. Binunot ko na ang wireless na mic sa bulsa ko at nagsalita na.
"Good morning, guys!!" Pasimula ko.
Natawa ako nang lalong lumakas ang hiyawan, nakita ko naman kung paano natawa ang mga kasama ko dito sa stage at sumenyas na tumahimik.
"Antaas naman ng energy niyo ngayon, umaga pa lang ah." Ngumiti ako.
"Ahhh!! Zia ang ganda mo! Pwede ka bang ibulsa!?"
Ang tahimik na crowed ay muling nag ingay dahil sa sumigaw non. My Co workers tease me kaya lalo akong nahiya at natawa.
"Bawal, may magagalit." I responded.
At sa pangalawang pagkakataon ay binalot ulit ng ingay ang plaza. Ilang sandali lang ang lumipas at kusa na rin silang tumahimik kaya nakapag salita na ulit ako.
Ipinakilala ko lang ang sarili ko at sinabi kung ano ang role ko sa movie bago ibaba ang mic para ang katabi ko naman ang sumunod hanggang sa matapos, akala ko ay uupo na kami agad pero nagulat ako nang may biglang sabihin na may inihanda daw kaming performance.
Anong performance??
Tumingin ako sa mga kasama ko at muka din silang nasurpresa kaya tumingin ako kay Direk na kinindatan lang rin ako.
"By partner to ha, simula natin sa dulo!"
Walang nagawa si Jeremy at Realyn kung hindi pumunta sa harap at mag perform doon.
Nawala ang atensyon ko sa harap nang may kumulbit saakin kaya tingnan ko kung sino ito.
"Ikaw na bahala satin ha," Tila paiyak na sambit ni Jigz kaya natawa ako.
"Baliw ka, wala nga rin akong maisip," bulong ko pagbalik.
"Sayaw nalang tayo? Turuan mo ako." Suggest ng bata.
"Ano namang sasayawin natin?" Tanong ko pabalik.
Nanlaki ang mata niya na parang natakot kaya natawa ako at mabilis na binawi ang sinabi ko.
"Joke, oo sige na. Ako na bahala, punasan mo pawis mo." Ibinigay ko sakanya ang panyo sa back pocket ko at ibinalik ang tingin sa harapan.
The crowed was really energetic even though it's only morning pa lang, they were cheering for Jeremy and Realyn who's dancing infront. Sumisigaw pa ng 'JeRa'.
Hanggang sa magsunod sunod na at sila Calv at Macs na ang nag pe-perform . These two were having a budots war at wala talagang nagpapatalo, kung gigiling si Macs, gigiling rin si Calv, kung mag lo-lower si Calv mag lo-lower rin yung isa.
"Ey! Ey! Ay hinahamon ka Macs oh, lower pa lower!" Gatong naman nitong katabi ko kaya tatawa tawa akong dinanggi siya gamit ang siko.
Sa wakas ay natapos na din silang dalawa mag showdown doon sa gitna kaya kami na ang sumunod ni Jigz, mabilis na nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng ekspresyong kinakabahan.
"Ano? Nasaan na tapang mo ha?" Pang-asar ko.
His adams apple moved.
"Everyone oh, ayaw ni Jigz pumunta sa unahan oh." Nagsalita si Calv sa mic kaya napatingin kaming dalawa.
Sumimangot si Jigz para itago ang pamumula ng muka niya pero mukang bigo siya dahil kitang kita ito sa liwanag.
"Ay nag ba-blush, nahihiya ang baby boy ko." Umisa pa si Calv.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomantizmThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.