CHPTER - 21

346 6 0
                                    

BEATRIX

"Lola" masayang saad ni Xie at kumaripas ng takbo patungo kay mamita

Nasa beach kami ngayon dahil sa imbitasyon ni Mamita sa amin.

Sinama ko sila Vien, Paui, at Nay Cora nakakalungkot lang dahil hindi sumama si Inang dahil nirayuma sya.

Pagkarating namin sa kubo kung saan nandoon na ang anak ko at si Mamita ay humawak si Vien sa kamay ko.

Kita namin kasi sila Ryzer, Patrick, Wendelleson at si Edward na may kasamang babae.

"Girls ba't di pa kayo tumuloy?" nagtatakang saad ni mamita

"Ayy mamita tutuloy talaga ako.....andadaming pandesal eh" saad ni Paui at tumuloy na sa loob

"Mamita pwede ba kaming magpunta sa cottage namin?" saad ko kay mamita habang nakahawak parin si Vien sa kamay ko

"Ok basta bumalik kayo ah" pagsang ayon ni Mamita sa amin

Sumang ayon din si Ryzer dahil alam niya ang pinagdadaanan ni Vien.

Nagtungo kami sa cottage at pagkapasok namin ay agad ng umiyak si Vien kaya inalo ko ito.

"Ate di ko kayang makita sya" saad niya habang umiiyak

"Hush.....wag mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka kundi ipakita mong ayos lang sayo na wala sya" advice ko sa kanya

"Imbes na magmukmok ka dito dahil lang sa kanila  ay lumabas ka at mag enjoy ipakita mo sa amin ulit yung Vien na kilala namin yung masayahin, palatawa, at kabardagulan ni Paui" saad ko sa kanya at pinunasan ang mga luha niya

"Kaya ko pa bang maibalik yun ate?" tanong niya sa akin

"Oo naman dahil nandito kami at sasamahan ka namin" nakangiting saad ko






Lumabas ako sa cottage at iniwan muna si Vien a natulog dahil sa pag iyak niya kanina. Malayo pa ako sa Kubo kung nasaan sila ay rinig na rinig ko na ang pabebeng tawa ni Paui.

Pagkarating ko doon ay nakita ko si Mamita at Nay Cora na nag iihaw kasama ang nurse ni Mamita na si Joyce.

Si Xie naman ay kasama ang kanyang ama na namumulot ng mga shell sa dalampasigan.

"Hoy ang yayaman niyo tas peperahan niyo na naman ako" rinig kong sabi ni Paui

"Malamang diba nagbibigay kayo ng mga pera, sapatos minsan pa nga motor eh" biro ni Wendelleson

"Edi ba mayaman kayo so dapat ako nadin gastuhan niyo" saad ni Paui

"Babae ang gusto ko" saad naman ni Patrick na sinang ayunan ni Wendelleson

"Pag talaga ako gumanda at nagkaroon ng kip~" bago pa matapos ni Paui ang sasabihin ay sumingit na si Nay Cora

"Bibig mo" saad ni Nay Cora ng makitang papalit na sa amin sina Xie

"Si mader porket nakahanap ng Amigang mayaman....hmp" saad ni Paui

Lumapit ako sa mag ama ko at agad naman akong binigyan ng halik ni Ryzer at ganun din si Xie sa akin.

"Mama look andami ko ng ipapasalubong na shell kay lola" saad niya at pinakita ang isang plastic bottle na nasa kalahati na ang laman

"Wow andami na ah" saad ko sa kanya

"Gagawin ko pong mga bracelet yung iba mama tas  pwede ko ng ibenta at magiging milyonaire na ako" nakangiting saad niya sa akin

"Kala ko ba ibibigay mo kay Lola yan?" tanong ko sa kanya

"Opo mama eto po tas magpupulot pa ako ng iba para ibenta" katwiran niya

Umalis na ito kaya naiwan na kami ni Ryzer na magkasama. Agad naman niya ako niyakap mula sa likod at pinagmamasdan ang dagat.

"Manood tayo mamaya ng sunset?" tanong ko habang nakatingin parin sa dagat

"Sure at saka balak nila Wendelleson na mag bonfire din mamaya" saad niya na kinangiti ko

"Talaga?" tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi

"Oo kaya kina Mamita muna si Trixxie mamayang gabi" saad niya sa akin

Nararamdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko kahit na naka suot ako ng tshirt. Medyo maluwag kasi sa may bandang balikat ko kaya malaya niya itong nahahalikan.

Napatingin kami sa likod namin ng may marinig akong click ng camera. Paglingon namin ay kita namin si Xie na hawak ang cellphone ni Ryzer na kinukuhanan pala kami.

"Nice shot" saad niya saka nag thumbs up pa

Dahil nga nagpipicture na si Xie ay nag picture narin kami.

Meron yung dalawa lang kami at kasama ni Xie o di kaya ay dalawa kami ni Xie o silang mag ama.

Bumalik kami sa may kubo dahil napagod na si Xie sa pagtakbo kanina. Dahil di lang naman pagkuha ng litrato ang ginawa namin dahil naghabulan pa ang mag ama habang ako kinukuhanan ko sila ng video.

"Oh ba't kayo bumalik......dapat doon muna kayo sa dagat mag habulan o di kaya maglunod doon para di ako naiinggit" maktol ni Paui dahil hanggang ngayon ay pinipikon parin sya nila Patrick

Kanina ko napapansin na tahimik lang si Edward at parang di pinapansin.







5:30PM na kaya naghahanda na kaming pumunta ulit sa may dalampasigan. Nakapagpalit na rin ako ng damit dahil naligo rin kami sa dagat kanina.

Si Xie ay kanina pang na kina Mamita at Nay Cora na nakikichismis.

Nauna na ako at nagpunta sa cottage nila Nay Cora, Paui at Vien para tignan si Vien kung nakahanda na.

"Halika na?" anyaya ko sa kanya ng saktong lumabas sya sa pinto

"Sige ate" saad niya

Nakasuot sya ng simpleng damit na binili namin noon sa mall. Isang tshirt na light pink hanggang bewang lang saka nagsuot naman sya ng maikling short na parang jeans. Habang ako naka oversized tshirt na kulay black na pagmamay ari ni Ryzer at isang maikling short lang.

Dumating kami doon nakahanda na lahat. Ang pagpupwestohan namin mamaya kapag magbobonfire kami ay ayos na. Ang uupuan lang namin ay ang mga malalaking kahoy. Pati ang mga snacks at alak andoon narin.

Kita ko naman ang anak kong palihim na nakikinig sa kwentuhan nila Nay Cora at Mamita na nagkukwentuhan sa tabi ng kubo.

"Wag mo nalang sila pansinin ok" saad ko kay Vien na malungkot na nakatingin sa pwesto nila Edward at Deanna

Dumiretso na kami doon at napunta agad sa amin ang atensyon ni Paui na mukhang may tama na dahil na bubulol na sa salita.....

"Naksh ang gwagwanda talaga ng mga gililflies ko" saad niya na kinatawa namin ni Vien.....


A/N: ayy may update ulit hahahaha. Abang abang pa guys marami pang mang yayari pag......pag hindi ako tinamad hahahaha. Thank you sa pagbabasa mga luvs ko mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon