Capítulo 18

9 3 0
                                    


Pagkagising ko ay madilim pa rin sa aking paligid. Hindi ko malaman kung gabi pa rin ba o sadyang madilim lang talaga ang guest room na tinulugan ko dito sa suite ni Mr. Navine, dahil na rin siguro ito sa kulay itim din na kurtina ng kwarto. 

Agad naman akong tumayo sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa may bintana. Napapikit ako ng kaunti dahil sa sinag ng araw na tumagos ng buksan ko ang kurtina. 

"So, you're awake already." 

Napalingon ako sa may pinto dahil sa nagsalitang lalaki. Nanatili namang nakakapit pa sa kurtina ang pareho kong kamay.

Nabungaran ko naman na naka sweatpants na gray at itim na compression shirt si Mr. Navine. Hindi ko mapigilan na ilakbay ang aking mata sa buong katawan niya at huli na bago ko mabawi 'yon.

"Don't eye-rape me, Ms. Torcer. It's still early in the morning." ani niya. 

Napatalikod naman ako ng wala sa oras dahil naramdaman kong uminit ang aking pisnge hanggang sa aking taenga dahil sakaniyang sinabi sakin. 

Ngunit sa hindi inaasahan, naramdaman kong lumapit si Mr. Navine sa'kin. Huli na ng marealize kong hinawakan niya ako sa aking balikat para iharap ako sakaniya.

Napaangat naman agad ako ng tingin sakaniya dahil sa gulat.

"Tharnalie.."

Napaawang ang bibig ko dahil biglang binanggit ni Mr. Navine ang aking first name sa pabulong na paraan. Sakto lang para marinig ko.

Paano niya nalaman first name ko?


"Breakfast is ready." sambit niya at saka umalis sa kwarto na aking tinutuluyan.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa epekto sa'kin ni Mr. Navine. Binanggit niya lang ang aking pangalan pero tila sasabog na ang aking puso. 

"Putang..ina.." sambit ko habang tinatapik-tapik ang dibdib ko.


Ramdam na ramdam ko kung paano nanlambot ang aking buong katawan dahil kay Mr. Navine, kaya naman ng makabawi ako ay mabilis akong sumunod palabas ng guest room.

Mabilis ko naman nakita si Mr. Navine na naglalakad papasok siguro ng kusina kaya naman walang imik akong sumunod sakaniya. Mabuti na lamang ay hindi niya ako nilingon dahil hindi ko na rin alam kung anong reaksyon ko ngayon.

Nang makarating kami sa kaniyang kusina ay agad na nanlibot ang aking paningin. Simple lang 'yon, parang katulad ng sa'kin dahil wala naman dining table pero may counter para gawing hapag-kainan. Pero mas malaki syempre. Mas mukhang mayaman.

"Sit." utos niya sa'kin habang iminuwestra ang isang high chair na kulay itim.

Mabilis naman akong sumunod sakaniya ng hindi nagsasalita.

Pinagmasdan ko si Mr. Navine na kumilos. Inilipat niya lahat ng pagkain sa tapat ko na counter. Naka-ready na rin sa harapan ko ang plato at utensils na kakailanganin ko para kumain.

Ngunit sa hindi inaasahan ay dumako ang aking mata sa katawan ni Mr. Navine. Hindi ko naman sinasadya. Malapad ang likod, malapad ang pangangatawan ni Mr. Navine. Matangkad. Mukhang mabang--

"Eat up." 

Nawala ako sa aking pag-iisip ng magsalita siya at umupo sa high chair na katabi ng inuupuan ko.

Natakam kaagad ako sa mga pagkain na hinanda niya. Scrambled egg, tocino, pancake, at garlic rice. Naghanda rin siya ng orange juice na ipinatong niya rin sa counter sa harap ko.


Hindi naman ako kumibo at nagsalita habang hinihintay lang siya kung anong gagawin niya.


"Mukha bang hindi masarap? Magpa-deliver nalang siguro?" baling niya sa'kin ng may seryosong boses.

Agad akong napakilos sa pagkuha ng mga hinanda niya na pagkain. Nilagay ko lahat ng kasya sa plato ko. 

Napatigil ako ng medyo tapikin ni Mr. Navine ang aking kamay at napaangat naman ako ng tingin sakaniya.


"You can't finish all of that, believe me." ani niya na tila siguradong-sigurado siya sa kaniyang sinabi.

"Okay lang, Mr. Navine, kaya ko 'to. Salamat po pala." sagot ko sakaniya. Napakunot naman ang kaniyang noo pero mas pinili niyang bumaling nalang sakaniyang plato at saka kumuha ng mga hinanda niya.

Tahimik lang ang paligid nang kumain kami ni Mr. Navine. Paminsan minsa'y nagkakatamaan ang aming siko na naghahatid sa'kin ng kakaibang kuryente, ngunit mabilis naman din nawawala 'yon kapag nag f focus ako ng sobra sa aking kinakain. Si Mr. Navine naman ay tahimik lang na kumakain.

Makalipas ang ilang minuto, napahawak ako sa aking tyan dahil sa labis na kabusugan. At tama si Mr. Navine, hindi ko naubos lahat ng kinuha kong pagkain. Kahit anong pilit ko, parang sasabog na ang tyan ko sa kabusugan.

Masasabi ko na magaling at masarap magluto si Mr. Navine kaya naman sulit na sulit ang pagkakakain ko ng umagahan.

Napatingin ako kay Mr. Navine ng kaunti at napaiwas naman agad ako ng tingin ng napalingon rin siya sa'kin. 

"I told you." sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng kahihiyan an hindi ko naubos ang hinanda niya na umagahan.

"S-Sorry po." 

"Don't force yourself to eat too much. Okay lang yan." sagot niya at saka tumayo at nagsimula na magligpit.

Akmang kukunin niya ang aking pinagkainan ng bigla ko 'yon kinuha at nagsalita.

"Ako na po, nakakahiya na masyado, Mr. Navine." 

"Ako na, Ms. Torcer. Isa pa, hindi kaba naniniwala sa mga superstitions?" sambit niya at saka inagaw sa aking kamay ang aking mga pinagkainan.

Napakunot naman ang aking noo sakaniyang sinabi.

"Superstitions? Like, paniniwala in tagalog?' tanong ko kay Mr. Navine na ngayon ay nililigpit ang aming pinagkainan sa harap ng lababo niya.

Tumigil si Mr. Navine at humarap sa'kin. Nakapatong ang magkabila niyang kamay sa counter ng lababo at saka ngumisi sa'kin.

Para tuloy siyang cover sa magazine sa kaniyang posisyon.

"Kapag daw pinaghugas mo yung bisita.." 

Nanatiling nakatuon ang paningin ko sakaniya at hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Mabubuntis yung may-ari ng bahay." sambit niya na nakangisi parin at saka humarap sa lababo para ipagpatuloy ang kaniyang pagliligpit.

Ngunit mukhang magana nga siguro talaga akong mangealam sa buhay ng iba dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sakaniya.

"Pa'no naman po kayo mabubuntis?" 

Hindi naman sumagot si Mr. Navine kaya naman napabusangot ako ng mukha. Mabuti na lamang ay hindi niya ako kita.

Napatigil ako sa pagbalik ng living room area ng suite ni Mr. Navine ng biglang may pumasok sa isip ko.

Hindi kaya..May-asawa si Mr. Navine? O di kaya... Transgender siya?

Pero masyado naman imposible ang dalawang naisip ko dahil una, wala sa mukha ni Mr. Navine na magseseryoso siya sa babae o di naman kaya ay masyado siyang focus sakaniyang kumpanya para maghanap pa ng babae. Pangalawa, nakakita ako ng picture frame na naglalaman ng picture niya sa may sala. Kaya imposible naman siguro.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko ngunit imbis na pumunta sa sala ay dumiretso ako sa tinuluyan ko na guest room at saka inayos ang mga pinaghubaran ko na damit kagabi. Napagdesisyonan kong suotin nalnag 'tong kinuha ko sa cabinet sa guest room dahil mukhang sakto naman sa'kin to. Babayaran ko nalang si Mr. Navine.

Bitbit ang aking mga damit kagabi ay lumabas ako sa sala at naabutan ko naman na nakaupo sa sofang pang-isahan si Mr. Navine. 

Naiilang na lumapit ako sa may pwesto niya at umupo sa sofa na katapat ng inuupuan niya.

"Mr. Navine, aalis na po sana ako.. Yung sa painting po? Nasan na po pala?" takang tanong ko dahil hindi ko na ito makita ngayon sa sofa kung saan ko 'yon nilagay kagabi.

"It's in my room." simpleng sagot niya.

Nagulat naman ako dahil akala ko doon niya 'yon ilalagay sa hallway papunta sa colloseum, ngunit mas pinili ko nalang na hayaan si Mr. Navine sakaniyang desisyon dahil sakaniya na-naman na 'yon.

"Sure na po ba kayo sa 10 million? Pwede ko po ibalik ang sobra." tanong ko.

"Don't worry about it."

Mukhang wala naman na siyang sasabihin kaya napagdesisyonan kong tumayo na mula sa kaing pagkakaupo at nagpaalam sakaniya.

"Una na po ako, Mr. Navine. I c-check ko pa po si Darmex.." hindi ko na siya hinintay na sumagot at naglakad na ako palapit sa pinto ng kaniyang suite.

Nang makalapit na ako sa pinto ay akmang lalabas na ako ng tawagin ako ni Mr. Navine.

"Ms. Torcer, pumunta ka dito." sabay abot niya sa isang calling card. Hindi 'yon katulad ng binigay niya sa'kin noong exhibit. 

Kinuha ko naman agad 'yon mula sakaniyang kamay. May address na nakalagay sa calling card na binigay niya sa'kin. Sa tingin ko ay 'yon ang adress ng kumpanya niya, kaya naman binigyan ko siya ng isang magaan na ngiti at saka dumiretso sa paglabas.

"Salamat po, Mr. Navine. Pasensya na rin po at mukhang naistorbo ko kayo ni Darmex kagabi. Wala ako sa posisyon para magtanong, pero gusto ko po kayo pasalamatan dahil binili niyo ang aking painting, sa kabaitan na pinakita niyo po sa'kin." sambit ko habang yumuko ng kaunti at saka dumiretso na sa elevator.

Hindi ko na nilingon si Mr. Navine kung ano ang naging reaksyon niya. Habang ako, inaantay ko lang na bumukas ang elevator.

Napahawak ako sa aking ulo ng maalala ko ang mga nangyari at naramdaman ko sa loob ng suite ni Mr. Navine sa loob lang ng isang gabi. Hindi naman ako manhid para maging indenial sa mga naramdaman ko at kung ano ang epekto ni Mr. Navine sa'kin. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko rin iwasiwas iyon sa aking sistema at isip dahil imposible naman na malaki ang maging epekto ni Mr. Navine sa'kin dahil lang masyado siyang mabait sa'kin?

Hindi ko rin maiwasan na hindi isipin na tila iba si Mr. Navine sa exhibit kumpara sa Mr. Navine na nakausap at nakasama ko sakaniyang suite.

Lunod pa rin ako sa aking isipin nang bumukas ang elevator ngunit nawala lahat ng nasa isip ko ng biglang iluwa ng elevator ang taong hindi ko ine expect na makita ko.

"Mery.."

-------------------------------------------------------------





SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon