CHAPTER 41
Serbidora
Pagkaligo namin ni Karim ay nagpa-deliver na lang siya ng makakain namin. Alas onse na kami natapos sa pagligo kaya hindi na rin namin naabutan yung breakfast meal ng McDo. Both of us had chicken and spaghetti, then fries and hot fudge sundae.
Habang kumakain ay nanonood lang kami sa phone niya. And when we're finally done eating, I laid on his chest while we continued watching. Nakatulog nga lang ako sa kalagitnaan ng palabas at nagising nang makaramdam ng mararahang haplos sa likod ko.
Pagkamulat ko ay nabungaran ko si Karim na nakapilig ang ulo at nakatitig sa akin bago sumilay ang maliit niyang ngiti.
"S-Sorry, nakatulog ako..."
Kakalas na dapat ako para humiga nang maayos dahil baka nangangawit na siya nang hilahin niya ako pabalik sa dibdib niya.
"It's okay. Sleep more, baby. Ang sarap ng tulog mo."
Ngumuso ako, "Pero... nandito ka."
"Huwag mong sabihin, ngayon ka pa nahiya matulog na katabi ako?" He raised his brows. "We've been sleeping beside each other for years now."
"Hindi! Ano, kasi bisita ka tapos ako pa yung nakatulog."
"So what? This is my home, too, right? Like you with ours." Pinasadahan niya ng daliri ang buhok ko at humalik sa aking noo.
"Bahay... mo 'to? Kahit... masikip?" Nakuha naman niya yung pinupunto ko kahit hindi ko i-describe nang mas mahaba yung tinitirhan namin.
He flashed me a small grin. "I don't mind. Gusto ko nga ng masikip. Kahit ipitin mo pa ako, gustong gusto ko 'yon."
Sumimangot ako at mahina siyang hinampas sa braso. "Ayan ka na naman! Ang landi landi mo!"
Natawa siya nang mahina at inayos ang puwesto ko sa dibdib niya.
"It's not about the house, baby, nor the place. Even the surroundings. It's about the person you're with that makes you feel at home."
Home... In its simple meaning, where a person lives. Where a person belongs. Mama is my home. Ang Chasing Celestine, tahanan ko rin. Kasi sa kanila, tanggap ako at ramdam ko na nabibilang ako. Hindi ako iba. I'm one of them. I'm my mother's daughter at mahal na mahal ako ni mama, gagawin ang lahat para sa akin, at ganoon din ako sa kanya.
Kaya naiintindihan ko yung sinasabi ni Karim. Home.
Napag-usapan namin si tito ngunit pahapyaw lang. I didn't include what happened last night, when he got home drunk, and he asked me that kind of question. Nabanggit ko sa kanya na, kahit hindi pa ako sigurado, mabait si tito. Kasi tutulungan niya kami ni mama. Mukhang nakampante na rin naman siya nang kaunti roon.
Naunang umuwi si mama kaysa kay Tito Rubio. Inimbita ni mama na maghapunan si Karim sa amin at pumayag siya, but after eating and talking with mama for a while, umuwi na rin siya—dala yung mga ginamit namin kanina na binalot niya ng kanyang pinagsuotang t-shirt dahil baka raw makita ni mama.
Kung wala namang usapan na magkikita kita kaming lahat na magkakaibigan, pumupunta si Karim sa bahay ko at least thrice a week sa buong summer, o ako, sa kanila. May isang linggo lang na hindi kami nagkita dahil pumunta silang Japan.
Nagkaroon na ng trabaho si Tito Rubio, sa isang club ulit bilang waiter. Alam naman ni mama yung mga naging trabaho ni tito sa US at disente rin naman ang trabaho niya ngayon. Mabilis lang din siyang nakapag-umpisa kaya sa gabi, wala siya, at sa umaga, nasa bahay siya. Karim was at ease when he heard that. Pero napapadalas din naman ang tawag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
Roman d'amourWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...