Believe
"Umuwi ka mag-isa mo, Tricycle ang sasakya--- fuck you!" Hinatak ba naman ako papasok sa sasakyan?
Lumaban pa ako pero inangat na niya ako paupo tsaka marahang idinasog! Abduction ito! Nagmadali kong pinindot para bumaba ang bintana para tumawag ng tulong.
"Lock the windows" Utos niya kay Mike kaya nung pinindot ko, Ayaw na bumaba ng bintana.
Nakailang irap na ako dahil masyadong matalino ang abductor na 'to.
"Saan tayo bossing?" Tanong ni Mike nung makalayo na kami sa club. "Sa apartment ako" Sabi ko.
Tinignan ako ni Mike mula sa rearview mirror. "CMC's emergency room" Sagot ng katabi kong abductor.
Ang kapal ng mukha na sabihin na baka raw ako madakip ng tricycle driver eh siya nga 'tong naka SUV ang nakadakip sa akin.
"Bababa lang ako pag nasa apartment ko na" Makikipagmatigasan ako dahil hindi naman malala ang ginawa ni Kayden.
"I'll tie you up and tell them that you're having a psychotic breakdown just so we can find out that your jaw isn't dislocated" He said with full authority.
OA!
Tumingin ako sa kanya. "I was raised by doctors, I'll know if my jaw is dislocated. So can you please just bring me home?"
Idadaan ko na sa pakiusap dahil ayoko na ng away.
"No" What the???
"Bakit ba ang pakialamero mo?" Tanong ko.
"Kung naaawa ka lang sa akin, iuwi mo na ako dahil hindi ko kailangan ng awa mo. Wala akong pakialam kung si Kayden ang paniwalaan niyong magpipinsan. Mabubuhay naman ako kahit ako ang mukhang sinungaling sa istorya niya." Sabi ko tsaka tumingin sa labas.
My adrenaline finally wearing off and i can feel the pain on my jaw.
Pagdating sa parking lot ng ospital. Nauna siyang bumaba. Nakahalukipkip lang ako.
"I believe in you" Aniya tsaka nilahad ang kamay sa akin.
Hindi ko tinanggap pero bumaba naman ako sa sasakyan.
"According to the X-RAY there's no dislocation. The wounds are also very very superficial meaning hindi magsusugat pero yung sa panga, sasakit siya sa mga susunod na araw dahil nabugbog." Paliwanag ng doctor. Tango naman ng tango ang abductor ko.
Ngumiti si Severiano sa doctor. "Thanks Ninang"
Kaya pala wala kaming bill na binayaran kahit nag skull X-RAY ako.
Nag-suggest lang siya ng pain meds na pwede kong inumin bago kami palabasin sa consultation area.
"Thank you" Nahihiya kong sabi. Nasa tapat na kasi ng gate ng apartment building ang sasakyan.
He looked at me with concern in his eyes. "You're welcome"
Nagmadali na akong lumabas. Antok na antok na rin. Bumusina pa ng tatlong beses si Mike bago ko nakitang umalis ang Everest.
Hinubad ko na lahat ng damit ko bukod sa boxers ko. Bagsak kaagad sa kama. Hindi na nagawang magbihis at maligo. Inilabas ko ang phone ko.
Nagtipa muna ako ng message sa group chat namin dahil nagtatanong na yung iba kung nakauwi na ba ako.
Ilalapag ko na sana sa night stand pero tumunog.
Severiano:
Message me if you need anything.Alder Jeo:
Yung listahan ng pain meds, paki-send.Nag-seen agad.
Severiano:
I'll buy the meds and bring them over, just stay home and rest.I didn't put up a front anymore.
A knock on my door and my phone is ringing as well.
"It's me" Rinig ko kay Severiano.
Pagtingin ko sa orasan. Quarter to Three na ng hapon. Ilang oras din pala akong tulog.
Kumatok ulit siya. "Wait" Sabi ko dahil naghahanap ng t-shirt. Hindi na rin nag-ring ang phone ko na siya rin naman pala ang tumatawag.
I went to the door and opened it. I can see him standing in my small doorway. His cologne greeted my nose.
"Hangover food" Aniya saka inangat ang malaking plastic na may lamang dalawang styro container. Sa kabilang kamay naman ay maliit na paper bag.
Nakakairita naman 'to, bagong ligo at mukhang hindi galing sa inuman dahil presko na ang suot na damit. White t-shirt at Gray sweatpants. Cream slides and backwards mustard baseball cap.
"Wala akong hangover" Sagot ko habang tamlay na nakasandal sa hamba ng pinto.
"Don't be stubborn" Basta nalang dumiretso papasok.
Hinayaan ko nalang siya muna, naligo muna ako bago makipagmatigasan sa kanya dahil alam kong mauuwi na naman ito sa ganito.
Nakasunod lang siya ng tingin sa akin habang nag lalagay ako ng products sa mukha ko hanggang sa pag susuklay ko ng buhok ko. Dapat ako ang nakasuot ng cap dahil natatakpan na ng buhok ko ang mukha ko kaysa sa kanya na kalbo.
"Does it hurt?" Tanong niya.
"Medyo" Sagot ko bago umupo sa harap niya. "Drink one after eating" Turo niya sa isang banig ng pain killer.
Ang dami naman nito?
Tumango nalang ako. Nakahain na ang dala niyang pagkain. Puro may sabaw, mukhang kakabili lang dahil umuusok pa yung sinigang.
Ayos ah? Parang dito lang nakatira? Pati yung baso at inumin nakahanda na rin sa lamesa.
"Ako na" Pag agaw niya sa mangkok na may laman na kanin. "Panga lang ang masakit sa akin, hindi buong katawan ko" Sabi ko pero hindi ako pinansin.
Gutom ako kaya hindi na ako nagreklamo nung marami siyang nilagay na kanin sa plato ko. Nagdasal muna kami bago kumain. Inalis na niya ang cap niya. Mas kita ko na tuloy ang bagong tasa niyang ulo.
Mas bagay nga sa kanya ang ganyan kaysa yung mahaba. Mukha siyang totoy. Pag kalbo mukhang bad boy.
Tahimik lang kaming kumain. Parang katulad nung nasa office niya sa cafe nung nanghingi ako ng kapatawaran niya.
"Drink up" Sabi niya tsaka inilapag sa plato ko ang isang pirasong pain killer.
Tinaasan pa ako ng kilay nung titigan ko lang 'yon.
"Don't endure the pain"
"Patingin ako ng resibo, pahingi na rin nung bank account mo. Transfer ko nalang sa'yo yung bayad nito" Tinuro ko yung gamot. "At itong pagkain"
Nangunot naman ngayon ang noo niya.
"No need"
Hanep naman... Nakakapagod na makipagtalo ah? Kadalasan mga nakakatalo ko ang sumusuko pero pag sa kanya wala akong laban palagi?
"Why are you helping me?" Irita kong tanong
"Kayden wants to know if he successful broke my jaw? Afterall, you're his messenger" Dagdag ko.
Nagdilim ang ekspresyon niya.
Kinabahan ako. Kagabi ganito rin ang ekspresyon niya pero dahil madilim, hindi ko masyadong nakikita pero ngayon na maliwanag at kami lang dalawa...
"I'm not his messenger, I'm here because I'm concerned about you. So can you please just believe me that I'm tending to you out of concern just like how i believe you that Kayden lied last night?" Sabi niya bago nag iwas ng tingin.
Lasing pa ba 'to? Bakit biglang namula ang leeg?
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...