2

28 14 0
                                    

"What? No! Bat ko naman 'yon magiging crush! Nag momove on pa k-"

"Masyadong defensive Elia clit! Ang sinabi ko lang naman ay kung bakit ka interesado kay Esmael"
Pagputol ni Louise sa sinabi ko

"Ah- eh.... Kasi hindi naman siya familiar sa akin, hindi ko pa nga siya nakita sa campus! Ngayon pa lang." Paliwanag ko

Nag lalakad kami ngayon patungo sa cafeteria, dala dala ko ang libro ko habang si Louise naman ay umiinom ng kape niya. Hinimas pa nga nito ang likod ko dahil lukot daw ang uniporme ko.

I dont like coffee talaga! Ayaw ko ng lasa mapa black coffee pa 'yan o 'yung 3 in 1 ng nescafe. I haven't tried drinking coffee, kaya t'wing makikita ko si Louise umiinom nito, naw-weirdohan ako!

"Pano mo makikita 'yun eh hindi ka naman uma-attend ng mga school events! Kaloka ka" sagot nito sa akin.

Nakita ko ang mga mata ng mga studyante na nakatingin sa akin, Ang iba ay seryoso, Ang iba ay nakangiti, 'yung iba naman ay tumatawa.

Siguro, maganda ang make up ko ngayon? Natutunan ko kasi 'to sa youtube kaya naman sinundan ko ang step pano ma-achieve ang make up na 'to.

Ganoon ba ako kaganda ngayon? Diyos ko, 'Wag kayong mag alala boys! Single ako!

"Singer 'yun kada may events siya ang kumakanta" sabi nito sabay lapag ng kape sa lamesa at umupo, nandito na kami ngayon sa cafeteria

Umupo na rin ako at binuksan ang libro ko dahil ilang araw na akong hindi nakakapagbasa ng maayos! Laging laman ng utak ko kung sino ba talaga 'tong Esmael na 'to at hindi 'yun maganda.

"Kaya pala may hawak siyang gitara noon"

"Yup! Mabait 'yon may asungot lang na kapatid pero over all pwede ka na doon kay Esmael" seryosong sabi ni Louise pero kitang kita ko ang mga mata ng babaeng 'to na nangaasar!

"Baliw! Hindi ko nga gusto si Esmael-"

Bago ko pa mapagpatuloy ang sasabihin ko may narinig ako umubo sa likuran ko.

Kitang kita ko kung paano umawang ang bibig ni Louise at natawa

"El!" Bati ni Louise at nakatingin sa likod ko.

Nang mga oras na 'yun, ayaw ko nang alamin kung sino ang nasa likod ko. Parang gusto ko na lang mag palamon sa lupa at tawagin ang ang kampon ng kadiliman na tulayan na akong sakupin!

May sariling buhay ang ulo ko at bigla na lang nilingon kung sino ba ang nasa likod ko

Nagkasalubong ang aming mga mata at nakita ko ang malokong ngiti nito sa akin.

Wala akong inaksayang oras pa, ineksamino ko ang bawat parte ng muka nito.

Medyo kulot ang buhok, mapungay ang mga mata, makapal ang kilay, mahaba ang mga pilik, maputi at mapupulang labi....

Ang bango! Putangina!

"Bat naka tulala ka d'yan El?" Tanong ni Louise na naging dahilan ng pag lingon naming dalawa ni Esmael sa kaniya

"Ay! Nakalimutan ko, parehas nga pala kayong El!" Mapangasar na pagkakasabi ni Louise

"Nice, El?" Sabay lingon sa akin ni Esmael

"U-Uh... Yes, El short for Elia"

"Next time check your back" he said nonchalantly.

"H-Huh?" Nagtatakang tanong ko

Check your back? Bakit? Ano na naman 'to?

"Have a good day, Elia" ani nito at may tinanggal sa may likuran ko

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now